Chapter 17.

43 1 0
                                    

Lahat tayo nasasaktan ..

minsan nakaka-isip tayo ng mga bagay na masama dahil dito ..

Pero ano nga ba ang mas matimbang ang pagmamahal o ang sakit?

~~~~

Princess POV

Mahigit limang buwan na ang nakalipas simula ng mapatawad ko ang mga magulang ko .. Buo na ulit ang pangarap kong pamilya noon na nasira dati .. Si Andrea ang dahilan kung bakit ako natutong magpatawad iminulat nya ko sa katotohanan na kahit anong sakit ang naramdaman ko sa pag-iwan samin ng magulang namin magagawa ko pa ring magpatawad .. Sabi nga ni Andrea kung ang Diyos nga marunong magpatawad ako pa kaya na Tao lang ... Si Yohan simula nung huli naming pagkikita di ko na sya nakikita di na rin naman sya nagpupunta sa Office ko para mambwisit .. Ano ang totoo?  ang Totoo namimiss ko sya .. pero tama na rin siguro na malayo sya sakin atleast makakapag-isip kaming dalawa ng maayos :)) ..

"Anak, hindi ka pa ba papasok sa trabaho mo ? Ang Papa mo umalis na" Mama

Oo nga pala. Sa iisang bahay na lang kami ngayon nakatira nila Mama, Papa at Andrea kasama na rin namin si Yaya Irma dito .. Lumipat kami sa bahay nila Mama tapos yung bahay namin dati ay ibinenta na namin ..

"Ma, naman di naman kami parehas ng Company na pinapasukan ni Papa ee" Ako .. Eh kasi gustong-gusto nya na sabay kaming papasok ni Papa..

"Sabi ko nga eh, anong oras ba pasok mo?" Si Mama .. Alam na rin pala nang lahat na sila ang mga magulang namin di ko alam kung panong nangyari yun basta biglang kumalat ee. kaya nga si Andrea kilala na sa school nila Bilang anak ng Principal ee..

"wala po akong pasok ngayon, May pupuntahan po ako may lalakarin lang ako .. tsaka dadaan ako saglit kay Andrea :))" Ako

"Ah ganun ba? ako din kasi aalis ako ee.  Actually ngayon na ko aalis sige bye anak" Mama. sabay kiss sa cheeks ko ..

"Sige po. Ingat po kayo" ako

Nag-ayos na rin ako kasi diba nga may lalakarin ako? Aalis kasi ako eeh .. napagdesisyunan ko na to ng mabuti tutal may magbabantay naman na sa kapatid ko .. Aalis ako pupunta akong ibang bansa doon muna ako titira .. Ewan basta yun ang Feeling ko ee .. hindi ko pa nasasabi sa kanila yung desisyon ko. Tsaka na baka kasi pigilan o Umiyak sila .. Nagdrive na ko papunta doon .. Nang makapunta ko doon Inayos ko na ang mga papeles na kailangan para sa pag-alis ko ... Nang matapos na ay umalis na ko doon at nagpunta sa University nila Andrea ..

Pagdating ko doon nadatnan kong kasama nya si Charly at Si Jake .. Oo nga pala, Magkakilala na silang dalawa nanliligaw na nga si Jake sa kanya eeh .. Siguro iniisip nyo bakit ang bilis ni hindi man lang nasabi sa kwento kung pano ko napatawad ang mga magulang ko, pano nagkakilala si Andrea at Jake pano nya napapayag na ligawan si Andrea ? isa lang ang masasabi ko sa mga tanong na yan.. SADYANG TAMAD ANG AUTHOR NG KWENTONG TO HAHAHA XDD .. Pero kahit ganon salamat at nagbahagi sya ng ganitong kwento ang tanong may Nagbabasa ba? haha di bale ok lang naman daw kay Ms. Author ang mahalaga naibahagi nya yung kaya nya ..

wala naman daw sa vocabulary ni Ms. Author ang maging writer nai-inspire daw kasi sya sa mga stories na nababasa nya sa wattpad .. kumbaga inggiterang maituturing xDD di joke lang! ^_^v okay so balik tayo sa kwento ...

"Andrea" Tawag ko sa kanya ..

"Ate, kasama mo si Mama?" Siya

"Hello ate Princess" Charly

Tumango sakin si Jake at tinanguan ko rin sya paraan ng pagbati ..

"Ah hindi binisita ko lang kayo. Hello din Charly :)) .." ako

"Ah" Andrea

"So kamusta kayo?" Ako

"Ok naman po kami" Charly

"Yaaah" Andrea

tumingin ako kay Jake at ...

"Wag mong sasaktan ang kapatid ko ah! Tandaan mo nililigawan mo palang sya .. kapag nalaman kong umiyak yan ng dahil sayo naku! magtago ka na huhuntingin kita" Ako .. Biro lang yan .. 1 buwan na lang kasi Ang iintayin ko makaka-alis na ako di ko na mababantayan ang kapatid ko ..

"Narinig mo yun? wag mo daw akong sasaktan!" Andrea habang nakatingin kay Jake

"Hehehe^^ Opo" Jake

Ang galang naman nito xDD ..

"Oh sge napadaan lang naman talaga ako uuwi na ako mag-iingat kayo sa pag-uwi huh?" Ako

"Sge po ingat po kayo :))" Sila

At umalis na nga ako .. Tingin ko naman ok na ang lahat ee .. Ok na nga ba? I don't know haha xDD ...

RebeL DaughTer (sLow updaTe)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon