chapter 10.

90 1 0
                                    

Princess Pov

"Ang gwapo pala nang anak ni mr. Sanchez no?" Sabi ni Cherry *o* na mukang may gusto pa ata sa Yohan na yun.

"Huh? sang banda? malabo na ba mata mo?" Sabi ko.

"Haysus!! baka ikaw ang bulag dyan! eh yun ngang mga babae at bakla mong mga employee kung makatingin dun sa anak ni mr. Sanchez eh akala mo gusto nang halayin! teka ano ngang pangalan nun?"

"Yohan ang pangalan nya." Sagot ko.

"Alam mo pwede namang umamin na nagagwapuhan ka din sa kanya wala namang masama" Pangungulit ni Cherry sakin.

"Ewan ko sayo bahala ka kung nagagwapuhan ka sa kanya eh di nagagwapuhan ka!" Sabi ko.

(A/N: hanuuu daw?)

"Ayy alam mo ang sinungaling mo! mamaya may gusto ka na pala dun" Cherry.

"Kahit sya pa ang kahuli-hulihang lalaki sa mundo hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya!" Sabi ko sa kanya na medyo inis. pinagpipilitan pa kasi.

"Sige bahala ka. ewan ko lang kung hindi mo kainin yang sinasabi mo" Cherry.

"Hayyy ang kulit mo talaga!"

"Mana lang sayo! dyan ka na nga makaalis na" cherry

"At san ka naman pupunta?" Sabi ko habang nakataas ang isa kong kilay.

"Mag momall ako bakit? wala na ba akong karapatang mag mall huh?" Cherry

"May sinabi ako? tinatanong ka lang ahh?!" Sabi ko na sumisigaw na din. sinisigawan kasi ako ni Cherry eeh ("-.-)

"Hehe. sabi ko nga sige alis na ko.  Babusssh!"

"Sige lumayas ka nang impakta ka!" Sigaw ko bago sya makalabas nang pinto.

"Kung impakta ako, BRUHA ka naman blehhh!!!" Sabi ni Cherry. at talagang bumalik pa sya para lang sabihin yun =___=.

~~~~~~

Andrea's Pov

nandito kaming dalawa ni charly sa rooftop nang school dito kami madalas tumambay kapag vacant time namin. Ang sarap dito isa din ito sa lugar na gusto ko bukod sa field nang school.

"Kamusta na si Ate Princess?" tanong ni Charly.

"Ayuun busy pa din!" sabi ko.

"eh? sinong pupunta sayo dito sa school? magkakaron daw nang meeting ang mga parents natin and syempre diba wala ka nang magulang eh di ate mo ang pupunta?" Tanong nya sakin

(A/N: lakas maka grade/highschool haha xD meron din bang meeting nang parents sa college? haha highschool pa lang po kasi ako ee :3)

"Hmm.. di ko alam kung makakapunta sya baka busy yun" Sabi ko. totoo naman eh busy ang ate.

"kung ganun si Yaya Irma na lang ang papuntahin mo" Sabi nya pa.

"Bahala na baka kasi may puntahan si Yaya this week eh kelan ba yung meeting?" Tanong ko.

"Eh? di ka nakikinig sa teacher natin may sarili kang mundo teh? " Charly

"Err.. may sinabi ba ang teacher natin? di ko alam eh" Sagot ko.

(A/N: di ka nga kasi nakikinig :3)

"Meron anu bang nangyayari sayo? bukas ang meeting mga 3pm daw. may problema ka ba?" Charly

"Wala naman.  di ko din alam kung bakit parang wala ako sa sarili ko eh" Sagot ko true naman kasi naiisip ko lang yung pinag-usapan namin ni Ms. Principal naaawa kasi ako sa kanya.

"basta if ever na magka-problema ka sabihin mo sakin baka matulungan kita" Charly

"Thanks :)" Sabi ko.

**

Nang maka-uwi ako sa bahay ay nadatnan ko si Ate na nanunuod nang T.V sa sala. Ang aga ata nyang nakauwi.

"Ate" sabi ko sabay halik sa pisngi nya.

"hmm.. kamusta school" sabi nya na nakangiti sakin.

"ayos lang naman po. Ay ate magkakaron kasi nang meeting sa school and kailangan nang magulang pwede ka bang pumunta?" Tanong ko nagbabakasakali lang na pwede sya.

"kailan ba?" tanong nya.

"bukas nang mga 3pm" sagot ko.

"sige sige wala akong gagawin bukas pahinga ko muna yun " Sabi nya.

"Talaga? uwaaaaahhhh thank you ate!  thank you! thank you! I Love you *mwuah* *mwuah*" Yieee ang saya ko kasi makaka Attend si ate sa school . minsan lang kasi yan maka attend sa meeting kaya ganto na lang ako kasaya *o*

"Hahaha sige na. magbihis ka na at kakain na tayo " Sabi nya .

"hahaha sige ate.  Thank you talaga!!! kyaaaah " Sigaw ko habang naakyat nang hagdanan.

"Kulit mo sige na!" Ate.

Wieeeeeee!!! thank you lord at makakapunta ate ko. gusto ko sanang makilala nya yung bagong principal namin kasi yung dati naming principal kilala nya and kilala din sya nang dati naming principal ^_^ sigurado ako magugustuhan nya si Ms. Principal!!!

~~

A/N: vote & comment plss. . *puppy eyes*...

RebeL DaughTer (sLow updaTe)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon