Revenge of Matteo

494 19 2
                                    



==={In Dubai}===

Ate's POV



"Good morning mom!" bati ko kay mommy at nagbeso dito habang karga ko si baby Kali


"Good morning at good morning din sa baby naming mabait". sabi nito na ang tono ay nilalaro si baby Kali na ikinatawa naman nito


"Wait? Where's Dad and Sarah?" takang tanong ko dahil late na nga kami bumaba para sa breakfast pero mas late pala si dad and Sarah


"Ang daddy mo nasa taas, nagpapahinga napagod ata sa byahe kanina". Sagot ni mommy sakin


"Napagod? Byahe? Bakit san si dad nagpunta?" tono na wala talaga akong alam sa nangyayari


"Don't tell me hindi sayo nagpaalam si Sarah?" balik tanong naman ni mom sakin na lalong ikinalito ko


"Huh?! Bakit naman? Para saan? Teka nga mom?! Ano bang nangyayari? Naguguluhan ako eee!" sabi ko na mababakas talaga sa mukha ko


"Paano kasi itong si Sarah nung isang araw lang nagpaalam sa amin na mauuna nang umuwi ng Pinas. Gusto daw nitong makausap ung Matteo. Mukang nagdadalaga na ulit ang kapatid mo. Kaya naman inihatid namin sya sa airport kaninang madaling araw dahil maaga ang flight nya ngayon". mahabang paliwanag ni mommy


"Really mom???" gulat na reaksyon ko. "Nuong isang gabi lang magkausap kami nasabi ko nga na mag usap sila pero hindi ko naman sinabing mag usap ng personal. Pede namang through phone, text, or facetime. Kaylangan talaga harapan???" sarkastikong reaksyon ko.


Napatawa naman si mommy bago nakasagot. "Hayaan na muna natin ang kapatid mo. May tiwala naman tayo sa kanya. And besides nakausap ko na si yaya Yolly at nasabi naman nitong matino naman ang Matteo na iyon".


"You think so mom?"


"I'm not yet sure. Kaya sa makalawa uuwi na kami ng daddy mo para mabantayan ang kapatid mo."


"Okay based naman sa kwento sa akin ni Sar's his good naman and gentleman. Diba even Jam she's always telling na ung Matteo na un ay mabait? So I think hindi naman si Sar's uuwi basta basta if that guy is not worth fighting for?"



"Kaya nga, kaya gusto lang din namin ng daddy mo makasigurado".


"Okay po!. mommy balitaan nyo ako what will happen ha?!".


"Oo na naku ikaw talaga!. Wag mong papabayaan ang apo namin".


"Naman! po".


==={Mimay and Joh Resto}===


Sarah POV


Halos 6:30pm nadin ako nakarating ng Cavite. Pagod sa flight, pagod pa sa byahe. Nagtaxi kasi ako mula airport hanggang dito sa Resto. Wala kasi akong pinagsabihan na uuwi na ako. I want to surprise my friends. Sana lang naandito sila lahat sa Resto. Agad akong pumasok sa loob. Luckily naandito nga sila si Mimay, Joh Atis at Daniel? Siguro may lakad ang mga ito. Kasi kasama din nila si Daniel. Agad ko naman silang nilapitan na magkakasama sa isang table malapit sa door papuntang office. Mga busy sa pagkukwentuhan kaya hindi nila ako agad napansin. Nang mapatingin si Atis sa direksyon ko.



"Oh my goshhhh!!!" dinig kong sabi ni Atis habang titig na titig sa akin. Habang ako ay naglalakad palapit sa mga ito. Nakalapit na ako ng tuluyan bago pa ako mapansin ng lahat.



"Surprise!!!" masayang sabi ko habang nakalahad ang mga kamay.


Lahat sila ay nakatingin lang sa akin. Makikita mo sa mga mukha nila ang pagkagulat.



Paano Ba Mahalin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon