Girlfriend with Benefits
by... emzalbinoChapter 13...
Habang hinihintay ni Altaire si Issay ay nakipagkwentuhan pa ito sa mag inang Ikay at Aling Tina. Makalipas ang mahigit kalahating oras ay narinig nilang bumukas ang pinto ng banyo kaya naman napalingon si Altaire sa may direksiyong iyon.
Napatitig si Altaire kay Issay na nakasuot ito ng black skinny jeans at fitted white shirt na may design pang big heart sa harap.
Napakasimple ng suot at ayos ni Issay ngunit nag uumapaw ang ganda nito. At iyon ang isang weakness ni Altaire sa isang babae, ang simple at hindi kailangang magsabit ng kung anumang burluloy sa katawan para maging maganda lang sa paningin ng lahat.
Isang matamis na ngiti ang sumilay sa nga labi ni Altaire habang nakatingin kay Issay. Napayuko ang dalaga dahil hindi niya kayang salubungin ang pagkakatitig sa kanya ng binata.
"You're so beautiful!" humahangang bulong ni Altaire ng makatapat sa kanya si Issay.
"Salamat" mahinang sagot ni Issay na namula pa ang mga pisngi nito.
Parang pakiramdam ni Issay ay nakalutabg siya sa hangin sa paraan ng pgkakatitig sa kanya ni Altaire at ng sabihin nitong napakaganda niya. Baka kung sakaling mag isa lang siya sa kwartong iyon ay parang bata siya na nagtatalon sa tuwa gaya ng lakas ng pagkabog ng kanyang dibdib.
"Kalma lang Issay baka makahalata ang mokong na ito!" saway ni Issay sa sarili at pasimpleng lumapit sa tulog na ama at hinagkan nito ang pisngi kaya nagising si Mang Samuel.
"Sa-saan ka pu-punta?" utal na tanong ni Mang Samuel at napalingon kay Altaire ng makita itong nakasunod kay Issay.
"Pupunta po ako sa mansion ng mga Robles upang iayos ang ilang gamit ni Donya Esperanza dahil darating na siya bukas" sagot ni Issay ma napalingon kay Altaire at para bang nagbabanta ang tingin nito.
"P-pag butihin mo a-ang t-trabaho mo p-para hi-hindi na-nakakahiya" bilin ni Mang Samuel sa anak na kahit medyo hirap sa pagsasalita ay nais niyang payuhan ang anak ng tamang gawain.
"Wag kayong mag alala, itay dahil gagawin ko po ang lahat upang hindi ako mapahiya kay Donya Esperanza". naluluhang wika ni Issay.
"Mang Samuel, don't worry po dahil I will take care, Issay." sinserong turan ni Altaire at ngumiti ito sa matanda.
"Sa-salamat, s-sir A-Altaire".
"Wala pong anuman Mang Samuel. Magpahinga po kayong mabuti para agad na makalabas na kayo dito." saad ni Altaire.
"Ka-kainip nga d-dito" pilit ang ngiting sumilay sa labi ng matanda.
"Kaya nga po itay, magpagaling kayo agad para makauwi na tayo sa bahay" ani Issay.
"Salamat anak" sagot ni Mang Samuel na napaluha pa ito kaya bago pa man mapaiyak si Issay sa awa nito sa ama ay nagmamadali ng nagpaalam sa ama at ina na nauna pang lumabas ng kwarto.
"Mang Samuel, Aling Tina. Aalis na po kami at wag kayong mag alala kay Issay dahil hindi ko po siya pababayaan" magalang na wika ni Altaire sa mag asawa saka na ito nagpaalam at sinundan si Issay sa labas na noon ay nasa may harapan na ng lift at pinapahid nito ang mga luha sa mata.
Napabuntong hininga si Altaire ng makitang nagpapahid ng luha si Issay. Naaawa siya kay Issay kaya't ipinagpilitan niya ang kanyang offer sa dalaga at alam din niya na tanging si Issay ang sagot sa kanyang problema.
"Bakit ka umiiyak?" mahinahong tanong ni Altaire kay Issay.
"Wala ito!" kaila ni Issay at isang pilit na ngiti ang pinakawalan nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/70296314-288-k772126.jpg)