Girlfriend with Benefits
by...emzalbinoChapter 14..
Sa tapat ng isang mall tumigil ang sasakyan ni Altaire. Hindi sanay si Issay na nakaakbay sa kanya si Altaire kaya ibinaba niya ang kamay ng binata ngunit laking gulat niya ng sa may bewang naman niya humawak si Altaire.
"A-ang kamay mo, andaming tao na makakakita sa atin" halos pabulong na sabi ni Issay.
"What's wrong with my hands?" maang na tanong naman ni Altaire.
"N-nakahawak ka kasi sa bewang ko" sagot ni Issay.
Napangiti si Altaire sa tinuran ni Issay...."Labs, normal lang na akbayan kita kahit sa karamihan pa ng mga tao dahil girlfriend naman kita ah!" paliwanag ni Altaire.
"Pe-pero...ka-kasi" napakamot sa ulong sabi ni Issay.
"Wag mong mababanggit ang salitang kasunduan natin kung ayaw mong halikan kita sa harap ng maraming tao" nakangiting banta ni Altaire at dahil sa takot ni Issay ay napatango na lamang ito.
"O-okay" mahinang sagot ni Issay kaya napangiti nalang ang binata at mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa may bewang ni Issay habang papasok sila sa may mall.
Sumakay sila ng elevator. Siksikan sa loob ngunit nakasakay parin sila. Nang tumigil ang lift sa may second level ay bumaba ang ilang tao ngunit May dalawang lalaki na medyo nakainom ang sumakay.
Kita ni Altaire na parang natakot si Issay kaya kinabig niya ito palapit pa sa kanya. Mas parang lumapit naman ang isang lalaki kay Issay dahil nagkaroon ng kaunting space kaya ang ginawa ni Altaire ay kinabig na niya ang dalaga payakap sa kanya.
Napatingala si Issay kay Altaire dahil yakap sa siya ng binata. Tinitigan naman siya ng binata na para bang may ibig sabihin at alam ni Issay iyon kaya walang pagtanggi na nagmula sa kanya.
Ngunit habang nakahapit ang mga kamay ni Altaire sa kanyang bewang at langhap na langhap nito ang mabangong amoy ng binata na halos dinig niya ang pagkabog ng dibdib nito ay pakiramdam ni Issay ay kakapusin na siya ng hininga.
Kung anu anong mga lumarawan sa kanyang imahinasyon. Hindi niya tuloy napigilan ang mapapikit na para bang sinamantala ang pagkakataon habang nandiyan na sa kanyang harapan.
"Kung laging ganito ang gagawin sa akin ng mokong na ito ay baka hindi ko na mapigilan ang damdamin ko sa kanya" buntong hiningang wika niya sa sarili.
Narinig naman ni Altaire ang malalim na paghinga ni Issay at ng tingnan niya ang dalaga ay nakapikit ito. Upang maibsan ang takot na nadarama ng dalaga ay marahang hinagkan niya ang ulo ni Issay ng dalawang beses kaya naman napatingala sa kanya ang dalaga....."Relax lang, Labs!" pabulong niyang sabi kay Issay saka napatingin sa dalawang lalaking medyo lasing.
"Wow pare! Ang sweet mo naman sa Girlfriend mo!" sabi ng isang lalaki kay Altaire at napangiti nalang si Altaire.
"Eh kung kasing ganda naman ni Miss ang maging nobya ko ay talagang ipagsisigawan ko sa buong mundo kung gaano ko siya kamahal! I salute you bro dahil minamahal mo ng lubos ang nobya mo. Unlike some other guys na ang tanging habol nila sa kanilang nga nobya ay ang pansariling kaligayahan at kubg sakaling mabuntis na ay saka tatakbuhan. I wish na sana ay magtagal ang inyong relasyon at mauwi sa kasalan para naman magkaroon kayo ng happy ending na maiku kwento ninyo sa inyong mga anak pagdating ng panahon" sabi naman ng isang lalaki na ngumiti pa kay Issay....." Miss, mahalin mo din ng tapat ang iyong nobyo dahil iilan lang ang lalaking seryoso na ngayon sa kanilang mga nobya. You're so lucky dahil isang kagaya niya ang iyong natagpuan." baling nitong sabi kay Issay na napatango nalang si Issay sa kawalan ng masabi.