Girlfriend with Benefits
by...emzalbinoHindi malaman ni Issay kung ano ang gagawin ng sandaling dumaan si Altaire sa kanyang harapan habang kinakantiyawan siya at hawak hawak niya ang bulaklak na bigay ni Estong. Pakiramdam niya'y para siyang na guilty kay Altaire ng makitang napatingin ang binata sa hawak nito. Parang gusto niyang isauli ang mga bulaklak kay Estong ngunit nahihiya naman siya dahil nasa harap niya ang mga empliyado sa naturang gusali.
"Ba-baka isipin ni Labs ko na may gusto ako kay Estong!" aniya sa sarili saka sinundan niya ng tingin ang naglalakad na binata......."Sana hindi siya mag isip ng kung anuman tungkol sa amin ni Estong dahil wala naman akong pagtingin sa kanya kundi kaibigan lang naman" dagdag pa niyang bulong sa sarili na halos humaba na ang leeg sa pagtanaw nito kay Altaire.
SAMANTALA...
May kukunin sana sa may faculty room si Altaire ngunit ewan ba niya dahil parang nakalimutan na niya kung ano ang kanyang kukunin. Napako kasi kanina ang atensiyon niya sa umpukan ng mga staffs niya at kay Issay habang kinakantiyawan ang dalaga na hawak hawak nito ang bigay na bulaklak ni Estong.
Dahil sa hindi niya maalala kung ano ang kanyang kukunin ay ipinasya na niyang bumalik nalang sa kanyang opisina. Pagdaan niya sa kinaroroonan nila Issay kanina ay wala na ang mga ito kaya tuloy tuloy nalang siya sa paglakad patungo sa pintuan ng kanyang opisina.
Pinihit niya ng dahan dahan ang door knob at bahagyang itinulak ang pinto saka dahan dahang pumasok at nagulat nalang siya ng makitang nakaupo na si Issay sa may silya sa harap ng kanyang mesa at para bang hinihintay siya.
"What are you doing here?" kunwa'y tanong nito kay Issay.
"Hinihintay kita para ibigay itong pagkain mo" sagot ni Issay sa binata saka niya ipinatong sa may mesa ang styro box na kinalalagyan ng paboritong pagkain ni Altaire.
"Bakit ka nagdala eh wala naman akong order? Next time ay wag mo na akong dalhan pa dahil sa labas nalang ako kakain" saad ni Altaire saka kumuha ng pera sa kanyang wallet at binayaran ang pagkain na dala sa kanya ni Issay.
"Alam ko naman na wala kang order. Pero ipinagluluto kita dahil sa gusto ko" sagot ni Issay na naging malungkot ang tono ng boses nito.
"Look Issay! Hindi sa gusto kitang insultuhin o hiyain, pero hindi mo naman trabaho na pagsilbihan ako dahil wala naman tayong ugnayan. Parang nakakahiya naman yata sa mga lalaking nagkakagusto saiyo na sa akin mo binibigay ang atensiyon mo. Why you don't give them a chance na makilala sila ng lubusan? I mean is, bigyan mo sila ng pagkakataon para makilala mo sila ng lubusan o magka kilala kayo dahil malay mo na isa pala sa kanila ang iyong destiny" lakas loob na turan ni Altaire.
Biglang natahimik si Issay ngunit pigil na pigil niya ang mga luha niyang nagbabanta. Pakiramdam niya ay may sakit siyang nakakahawa dahil parang ipinagtatabuyan siya ni Altaire. Maya maya ay parang isang robot na tumayo si Issay saka kinuha ang ipinatong na pagkain sa may mesa ni Altaire.
"So-sorry kung nakaistorbo ako saiyo. Wag kang mag alala at simula sa araw na ito ay hindi na kita iistorbuhin pa. At pasensiya narin kung naging makulit ako at may kakapalan ang mukha ko. Ang tanga ko naman kasi, alam ko naman na imposibleng mapansin mo ako ngunit sadyang makulit ako. Salamat narin sa mga sandaling napangiti mo ako at sa mga pagkakataon na hinayaan mo akong makalapit sa iyo, paalam" nangingilid ang mga luhang pahayag ni Issay saka kinurap kurap ang mga mata ngunit hindi niya nakayanan ang pagtulo ng kanyang luha kaya agad siyang tumalikod bago pa ito bumagsak.
Kagat labing inihakbang ni Issay ang kanyang mga paa upang hindi siya tuluyang mapahagulgol. Pakiramdam niya kasi ay libo libong patalim ang tumarak sa kanyang dibdib ng mga sandaling iyon. Nang makarating na siya sa may pinto ay pinihit niya ang seradura ng pinto at binuksan ito ngunit bago pa man siya lumabas ay hindi niya napigilan ang sarili na lingunin si Altaire habang ang mga mata ay hilam ng luha.