Girlfriend with Benifits
by...emzalbinoChapter 7
Laglag ang balikat ni Altaire na nilisan ang karendirya nila Issay. Ni hindi na niya nakain ang pagkaing inorder nito basta nag iwan nalang ng isandaang piso para bayad sa pagkain bago umalis.
Kaybigat ng kanyang dibdib sa pagtanggi ng dalaga sa kanya. Alam niya na iniiwasan na siya ni Issay ngunit this time ay kailangang kailangan niya ang tulong ng dalaga. Gulong gulo ang kanyang isipan ng mga sandaling iyon kung papaano niya mare resolba ang problema niya kay Mamang Esperanza dahil tinanggihan na siya ni Issay.
"Damn shiitt!.." napamurang sigaw ni Altaire pagkasakay niya sa kanyang kotse sabay suntok nito sa may manibela at ilang sandali ay sala niya pinaandar ang sasakyan na gulong gulo ang kanyang isipan.
Lingid kay Altaire ay pilit namang pinaglalabanan ni Issay ang kanyang damdamin ng mga sandaling iyon. Gustong gusto niyang makasama kahit na sandali si Altaire. Gusto niyang maasikaso ang binata kahit isang saglit lang sana ngunit ng marinig niya ang kahilingan ni Altaire sa kanya na magpapanggap siyang nobya sa harap ng Mamang Esperanza nito ay parang hinihiwa ng blade ang kanyang puso ng paulit ulit.
Nang marinig niya iyon mula sa bibig ni Altaire ay parang gusto na niyang umiyak sa harap ng binata ngunit pinili niyang iwan ito sa kinaroroonan niya upang hindi makita ang pangingilid ng kanyang luha.
"Ang sarap sanang dinggin ang sinabi mo Altaire dahil noon pa man ay pangarap ko nang maging nobya mo o maging katuwang mo sa buhay. Pero ang marinig mula sa mga bibig mo na gusto mo akong magpanggap na nobya ay parang hindi ko kaya. Hindi ko kaya dahil kayhirap para sa akin na umasa, kaysakit sa aking dibdib. Sa aking puso na saka mo lang ako maiisip kung kailangan mo ang tulong ko. Parang ipinamukha mo na sa akin na isa akong babaeng mababang uri, isang babaeng walang dignidad" luhaang bulong ni Issay sa kawalan na ang mga luha nito ay walang patid sa pagdaloy.
Nadatnan ni Aling Tona na mugto ang mga mata ng kanyang anak kaya nagtaka ito....." Anak, umiyak kaba? Bakit namumugto ang mga mata mo?" may pag aalalang tanong ng ginang habang inaayos ang mga gamit para sa kanilang pag uwi sa kanilang bahay.
"Ah wala po inay!" paiwas na sagot ni Issay saka nagtungo ng lababo at hinilamusan ang kanyang mukha saka tinuyo at naglagay ng kaunting pulbos sa kanyang mukha.
"Papaanong wala eh mugto ang mga mata mo?" ulit na tanong ng ina ni Issay.
"Wala po ito Inay! Sige po at bubugatin ko na iyong iba nating dalahin sa may labas" tanging sagot niya sa kanyang inay upang hindi na mag usisa pa.
May pagdududa man sa isip ni Aling Tina ngunit iginalang nalang niya ang pananahimik ng kanyang anak. Hindi na nito inulit pa ang pagtatanong hanggang sa makauwi na sila ng kanilang bahay.
...........
Biyernes ng umaga....
Masayang nagsasalo salo ang mag anak ni Mang Samuel sa agahan. Handa na ang lahat para sa kani kanilang mga lakad. Ngunit ang padre de familia ay parang tahimik lang ito na agad namang napansin ni Aling Tina.
"Samuel, parang matamlay ka yata at parang maputla ka?" alalang puna ni Aling Tina sa asawa at sinalat pa nito ang braso ng asawa para tingnan kung may lagnat ito.
"Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko" matamlay na sagot ni Mang Samuel.
"Eh di wag ka na munang magpasada! Magpahinga kana lang muna para gumanda ang pakiramdam mo" ani Aling Tina.
"Wag na kaya ko naman ito at siguro ay nangalay lang ako sa pamamasada kahapon. Sayang naman kung hindi ako mamamasada ngayon" sagot ni Mang Samuel.