Girlfriend with Benefits
by...emzalbinoChapter 10..
Walang nagawa si Issay kundi ang sumabay nalang sa bawat padyak ng mga paa ni Altaire dahil sa kamay ng binata nakasalalay ang kaligtasan ng kanyang pinakamamahal na itay. At kahit na anong tutol ng isip niya ay parang nagbubunyi naman ang puso niyang nagmamahal.
Muling naramdaman ni Issay ang pagpisil ni Altaire sa kanyang kamay na hawak hawak pa pala ng binata na noon lang niya namalayan kaya pasimple niya iyong binawi saka ibinaling sa ibang direksiyon ang kanyang atensiyon. Ilang sandali pa at dumating narin sina Aling Tina at Ikay na para pang nagmamadali na makalapit sa dalawa.
"Nakausap niyo na ba ang doctor? Ha, Issay?" agad na tanong ni Aling Tina pagkalapit nito sa dalawa.
"O-opo inay" tumatangong sagot ni Issay.
"Eh anong sabi nito?" abot ang hiningang tanong muli ni Aling Tina dahil sa pagmamadali niyang makarating sa ICU.
"Ililipat na po si Itay sa Makati Med" mahinang sagot ni Issay na napatingin kay Altaire saka ito napayuko.
"Sa- saan tayo kukuha ng panggastos doon at sa pambayad dito? Nakahiram ako sa kakilala ngunit dalawang libo lang naman at tiyak na kulang ito" alalang sabi ni Aling Tina saka alumpihit na lumapit na may bintana at tumanaw sa di kalayuan at na pabulong nalang siya na sumasamo ng panalangin sa Poong Maykapal para iligtas ang asawa.
"Kailangan pong mailipat si Itay sa Makati Med dahil ayon sa doctor ay mas naging delikado daw ang lagay niya dahil mahina daw po ang pintig ng puso niya at maysakit daw po siya sa puso. Kung hindi po maililipat si Itay ay baka mawala po siya sa atin" pigil ang pagluhang turan ni Issay sa ina nito kaya naman napaiyak si Aling Tina.
"Don't worry po, Aling Tina. I'll take care of it, ako na po ang bahala sa bayaran dito at sa mga gagastusin ninyo sa Makati Med. Pagdating natin doon ay kakausapin ko ang pinsan para siya ang magmonitor sa kalagayan ni Mang Samuel at ng masiguro ang kaligatasan nito" malumanay na wika ni Altaire saka nito hinaplos ang likod ng ginang.
"Na-nakakahiya po sa inyo, sir Altaire pero salamat at kakapalan ko nalang muna ang aking mukha dahil talagang kailangan namin ang tulong ninyo para maligtasan ni Samuel ang pagsubok na ito" pautal utal na sabi ni Aling Tina at ng akapin siya ni Altaire upang pahupain sa pagdadalamhati nito ay tuluyan ng napaiyak ng husto si Aling Tina.
"Wag po ninyong isipin ang perang gagastusin, Aling Tina. Ang mahalaga ay makaligtas si Mang Samuel, we can find money so easily but we live at once only kaya dapat nating pahalagahan ito. Kung may pagkakataon pa para maisalba ang lahat ay kailangan nating gawin ang lahat ng ating makakaya for the sake of our love ones" ani Altaire na napatingin kay Issay na para bang may Ibig ipahiwatig ang salita niya at noon naman ay pinamulahan ng mukha si Issay dahil na gets niya nag huling sinabi ni Altaire.
"Kung makapagsalita ang lalaking ito, kay lalim ng hugot!" ani Issay sa sarili saka iniwas ang tingin sa binata para hindi makahalata ito na natamaan sa sinabi ni Altaire.
Gaya ng sinabi ni Altaire ay nailipat nga si Mang Samuel sa Makati Med. Agad na dinala sa ICU ang pasyente upang isagawa ang pagsusuri dito. Lumapit si Altaire sa may information upang magtanong ito.
"Excuse me, miss!" tawag pansin ni Altaire sa babaeng abala sa mga papeles na kanyang ginagawa.
"Yes sir, ano po iyon?" magalang na sagot naman ng babae.
"Ah! I just ask if doctor Khen Robles is on duty already" ani Altaire sa babae.
"Ah yes sir! But he's in the operating room dahil nagsasagawa siya ng operasyon. You can wait po kung gusto niyo dahil I think he's finishing already." anang babae saka itinuro nito ang mga silya upang paupuhin ang binata ngunit maya maya ay nagsalita ang babae......"Sir, related po ba kayo kay doctor Robles".
![](https://img.wattpad.com/cover/70296314-288-k772126.jpg)