Girlfriend with Benefits
by...emzalbinoChapter 12..
Pagkabukas palang ng pinto ni Issay ay isang malapad na ngiti ni Ikay ang sumalubong sa kanya.
"Bakit ka nakangiti ng ganyan?" maang nitong tanong sa kapatid.
"Wala lang!" kibit balikat na sagot ni Ikay saka parang kinilig ito sa kanyang inuupuan.
"Anong wala eh para kang pusang hindi mapaanak sa kinauupuan mo?"
"Wala nga eh sabi!" giit na tanggi ni Ikay ngunit nananatiling nakapaskil ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi.
"Eh anong nginingiti ngiti mo diyan! Para kang baliw eh!" medyo iritadong sabi ni Issay.
"Kasi naman ate, parang wala ka sa sarili mo kapag nandiyan sa paligid si kuya Altaire." hindi na napigilang sabi ni Ikay.
"Hindi ah!" mariing tanggi nito ngunit namumula ang kanyang pisngi.
"Weeeehhh! Deny to death ka naman but see your face! Parang makopa na sa pamumula!" tatawa tawang turan ni Ikay sabay hagikgik nito.
"Tumigil ka nga, Ikay!" saway niya sa kapatid na medyo napipikon na.
"Oh pikon kana!... Hmm ate, sino iyong napanaginipan mo at napaungol ka pa kanina? Nakakahiya kaya kay kuya Altaire dahil pati siya ay natawa".
"Huh!" bulalas ni Issay ng maalala nito ang kanyang panaginip....."Malakas ba iyong ungol ko kanina?" alalang tanong nito.
"Hindi naman masyado ngunit dinig na dinig namin ni Kuya Altaire" sagot ni Ikay.
"Ano ba ang sinabi ko?" kinakabahang tanong muli ni Issay dahil baka nabanggit niya ang pangalan ni Altaire at talagang sobra kahihiyan ang kakaharapin niya sa binata.
"Wala ka namang binabanggit but the way you moaned ay para bang gustong gusto. Iyon bang parang nasa isang pelikula at nakikipaglandian ka sa isang lalaki o isang tao" lantarang sabi ni Ikay.
"Huh! Totoo ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Issay.
"Oo nga eh! Sino ba iyong napanaginipan mo? Si kuya Altaire ba?" may panunuksong tanong niya sa kapatid na Sobrang namumula na ang mga pisngi nito.
"Wa-wala! Hindi siya iyon" umiiling nitong tanggi ngunit nababakas sa kanyang mukha ang kanyang pagsisinungaling.
Dahil sa hitsura ni Issay ay puro kantiyaw ang inabot niya kay Ikay hanggang sa natigil sila ng may magsalita.
"A- away b- ba ka- kayo?" utal na tanong ni Mang Samuel ng makitang kinukurot ni Issay si Ikay.
Napa mulagat ang magkapatid at agad na lumapit sa kanilang ama.
"Itay!..." sabay na bulalas nila Issay at Ikay nannapaluha sa tuwa ng marinig nila ang boses ng kanilang ama bagama't medyo utal dahil naapektuhan ito sa pagkaka atake niya sa high blood.
"A-away b-a ka- kayo?" tanong muli ni Mang Samuel at palipat lipat ang mga mata nito sa magkapatid na nakahawak sa kanya.
"Hindi po itay. Kinurot ko lang po si Ikay dahil kanina pa niya ako binibiro" luhaang sagot ni Issay saka hinagkan sa pisngi ang ama nito.
"Oo itay, hindi kami nag aaway ni ate" sang ayong wika ni Ikay at yumakap ito sa ama kaya napangiti ang kanilang itay.
"Na- nasaan a-ang i- inay ni-niyo?" muling tanong ni Mang Samuel ng hindi makita sa loob ng kwarto ang asawa.