Mr. Rebound
Mich POV
"I'm breaking up with you" Halos matulala ako ng dahil sa narinig ko. It's Christmas eve. Tumakas ako saglit para makipag kita sa boyfriend ko para makasama ko siya kahit saglit lang ngayong Christmas eve. Hindi kami legal ni Oliver. Palihim ang relasyon na to kaya palihim din kami palaging nagkikita. Pero kahit ganun, umabot kami ng isa't kalahating taon.
Tapos bigla kong maririnig yang mga katagang yan?
"B-baby, may problema ba?" Inilayo niya ang tingin niya saakin "it's not about you, it's about me" Bigla akong nakahinga ng maluwag at natawa nung sinabi niya yan saakin.
"ok, enough with that famous break up line already. Laos na yan. Naku, oo na kinabahan na ko diyan sa joke mo pero di April Fool's day ngayon, it's Christmas eve!" hinawakan ko ang kamay niya "and also, our 20th monthsary. Happy monthsary baby!" binigyan ko siya ng isang ngiti pero nagulat ako ng alisin niya ang kamay niya sa pagkakahawak ko atsaka inilayo ang tingin saakin.
"seryoso ako sa sinabi ko"
Napatitig ako kay Oliver at halatang hindi siya nagbibiro sa sinabi niya. Totoo ba tong naririnig ko? Nakikipag break siya sakin? Pero bakit? Ano nagawa ko?
"b-bakit?"
Hindi niya sinagot ang tanong ko instead tumingin siya sa malayo para maiwasan ang tingin ko.
Napapikit ako at huminga ng malalim, pinipilit na wag tumulo ang mga luha sa mata ko. "so, totoo lahat ng issues sa school? Na kayo na ni Rizza?"
Tumingin saakin si Oliver "I-i'm sorry, Mich"
Pakshet, ang sakit ah. "mahal mo pa ba ko?" Iniwas niya ulit ang tingin niya saakin
"I'm sorry! I'm very very sorry!"
I burst into tears "pakshet naman Oliver eh! wag ka mag sorry sakin! Diretsahin mo na ko at wag mo ng daanin sa sorry mo!"
Tumingin si Oliver saakin at nakita kong may pumatak na luha sa gilid ng mata niya "ayokong masaktan ka, pero mahal ko na talaga siya"
****************
JUST ADD ME ON FACEBOOK THIS IS THE LINKS: https://www.facebook.com/OracionMicha AND https://www.facebook.com/MichaOracion THANK YOU :*
YOU ARE READING
Mr. Rebound 《 Short Story 》
RomanceMR.REBOUND IS MY FIRST STORY IN WATTPAD READ, VOTE, COMMENT AND SHARE THANK YOU 😘