• Continue •
On our 26th day, we had our first kiss. Sa cheeks nga lang.
The following days is a normal day for us. Pero nung mga panahon na yun, narealize ko na masaya na ko. Hindi pa man tapos ang 30 days namin, aware ako na naka move on na ko kay Oliver Dahil mahal ko na si Ranz.
Pinlano ko na ang lahat. February 14, ika 30th day namin, magtatapat na ko ng nararamdaman ko sa kanya. I don't know kung pareho kami ng nararamdaman para sa isa't isa pero aamin parin ako sa kanya. Masaktan man o hindi, susubukan kong gawing totohanan na ang lahat ng ito. But unexpected things happened.
Sa ika 30th day namin, hindi pumasok si Ranz sa school. Lumapit ang isa sa mga kaklase niya saakin at may inabot itong sulat at teddy bear. "pinabibigay ni Ranz bago siya umalis kaninang madaling araw"
"umalis? Saan siya pumunta?"
Binigyan niya lang ako ng isang malungkot na ngiti atsaka umalis na. Bigla naman ako nakaramdam ng kaba kaya agad agad kong binuksan ang sulat at binasa ito.
Bhie,
Happy 30th day-sary. Ito na ang last day ng pagiging rebound ko and sana napasaya kita. Pasensya na kung hindi ko na nagawang batiin ka in person ha. Pero bago ako magpaliwanag sayo, may gusto muna akong ikwento about sa first love ko. One year ago, may isang magandang babae ang nakakuha ng attention ko. Meron siyang magulong buhok, pawisan na mukha, at yung suot suot niyang P.E uniform ay ang dumi na gawa ng nakipaglaro siya sa mga kaibigan niya ng Volleyball. Pero kahit na ganun ang itsura niya, nagandahan parin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero nagka interes ako sa babaeng yun. Kaso too late na pala ko dahil may boyfriend na siya eh kaya nakuntento na lang ako sa pagtingin sa kanya sa malayo. Minsan nga nainis ako doon sa lalaki eh, kasi palihim ang relasyon nila. Kung ako yung lalaki ipagsisigawan ko sa mundo na may girlfriend akong kagaya niya. Kaya naman laking galit ko na lang nung hiwalayan siya ng lalaki at basta basta siyang pinagpalit nito. Nakita ko kung gaano kalungkot yung babae kaya naman naisip ko, gusto kong pasayahin siya bago ako umalis. Oo, kailangan namin umalis. Nakakuha na kasi ng magandang trabaho si papa sa ibang bansa at doon na kami titira, for good. Kaya naman ang goal ko ay makita siyang masaya sa loob ng 30 days Eksaktong ika-30 day ang alis ko. Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin ang pangalan niya. Mich Villafuerte
Mich , sorry hindi na ako nagtapat sayo ha? Pero ngayon gusto kong malaman mo ang nararamdaman ko. Hindi ito kasama sa contract o sa kung ano pa man. Walang halong -pagpapanggap.
Bhie.. Pakipindot ang tummy ng teddy bear
................................................................
Ginawa ko yung sinabi ni Ranz at pinindot ko ang tummy nung teddy bear
"I love you, I loveyou, I love you"
Bigla na lang tumulo ang luha ko ng marinig ito. Nanginginig ang buong katawan ko atnapahagulgol ako ng iyak.
"I love you too Ranz! Takte ka bakit mo ko iniwan! Gagu mo eh, magtatapat din ako sayo sukat lumayas ka!" Niyakap ko yung teddy bear at narinig ko na naman yung boses ni Ranz na nagsasabi ng "I love you"
"bwisit ka! Sabimo sa donts' doon sa contract eh everything that will hurt Mich. Eh bat umalis ka?! Nakakaasar ka!" Tuloy tuloy ang agos ng luha ko habang pinagsusuntok ko yung ilong ng teddy bear. Bakit ba ganun? Nagawa nga niya akong makapag move on kay Oliver pero binigyan na naman niya ko ng panibagong heart ache. Worst, ngayong mismong Valentines day pa! Ang sakit :(
"pwede bang magsabi ng joke lang?"
Napatigil ako sa pagiyak at napaangat ang ulo ko ng marinig ko ang boses na yun at nakita ko si Ranz na nakatayo sa harap ko habang ngiting ngiti "lahat ng sinabi ko diyansa letter eh totoo,except for one thing"
lumapit siya saakin at lumuhod sa harap ko "yun ay yung umalis ako. Naisip ko kasi, hindi ko pala kayang iwan ang iyaking bhie ko kaya hindi na ko tumuloy"
"R-Ranz"
Hinawakan niya ang kamay ko "happy Valentines day.
Ok lang basayo kung yung puso ko na lang ang iregalo ko sayo?"
Bigla na lang ako napayakap kay Ranz
"best gift ever" bulong ko dito
"totohanan na to?"
Tumango ako "oo totohanan na andI love you too."
Hindi na naman tinuloy ang contract dahil mahal na mahal namin ang isa't isa.
Magkakaroon po ng Book 2 ang MR. REBOUND on 2019 Thank you - Eyang_14
****************
JUST ADD ME ON FACEBOOK THIS IS THE LINKS: https://www.facebook.com/OracionMicha AND https://www.facebook.com/MichaOracion THANK YOU :*
YOU ARE READING
Mr. Rebound 《 Short Story 》
Storie d'amoreMR.REBOUND IS MY FIRST STORY IN WATTPAD READ, VOTE, COMMENT AND SHARE THANK YOU 😘