• Continue •
《 Mich POV 》"kanino galing yan?!" gulat na gulat kong tanong sa mga kaklase ko "ewan namin, pag pasok namin nandyan na yan eh" sagot naman nung isa kong kaklase "oo nga. Naku Mich open mo para malaman natin kung may dangerous animals nga talaga sa loob"
"eh nakakatakot mamaya may sawa na lumabas diyan eh" Sino ba ang walangyang nagpadala nito? Mamaya si Oliver kasi bitter din siya saakin? Ok sige, ako na ang umaasa hanggang ngayon. =__= Dahil curious din naman ako malaman kung ano ang laman ng box, dahan dahan ko itong binuksan habang nakapalibot ang mga kaklase ko saakin for moral support. Mamaya nga naman eh may tigre na lumabas sa box.
Pero kesa tigre ang lumabas eh isang heart shaped foil balloon ang lumipad galing sa loob ng box habang may nakatali ditong red na banner na may nakasulat na
"Bhie, tayo na ang magpapauso ng salitang day-sary. Happy 15th day-sary pinakamamahal ko. Smile. Ranz"
Narinig ko ang mga hiyawan, tiliian at mga kinikilig kong mga kaklase. Napatulala lang ako sa nakita ko. Kahit si Oliver hindi nagawa saakin to. I smile.
On our 15th day, Ranz made me smile for the first time.
On our 17th day, pumunta si Ranz sa bahay namin dahil nagpapaturo siya ng homework. Ay mali, nangongopya siya ng homework saakin. Nagpumilit pa siyang pumasok sa room ko at doon gumawa. Ewan ko ba kung bakit ang laki ng tiwala ni Mama diyan sa lalaking yan.
"haaaaaaaaaay pagod na ko mag aral!" sabi niya sabay higa sa kama ko "tsk di ka naman nag-aral eh nangopya ka lang" =__= "kahit na no napagod parin ang mga daliri ko" umayos ng upo si Ranz at tinignan ako "bhie, ako naman ang pagsilbihan mo ngayon. Gawa mo ko meryenda please" nag pout siya doon na parang isang bakla
"tsk, kinopyahan na nga ako, gagawan ko pa siya ng meryenda" binato ko ng unan si Ranz at padabog na lumabas ng kwarto ko
"oh kamusta? Nakapag labing labing kayo?" tanong ni Mama "Mama naman eh! nandito siya para mangopya hindi para diyan" =__= "haha to naman biro lang. hala sige pagluto mo ang bisita mo ng makakain" "yun nga po gagawin ko"
Kumuha lang ako ng mga naka stock na pancit canton saamin atsaka ako nag luto. Bumili naman si mama ng softdrinks at pandesal para katerno ng pancit canton. Nung ayos na, tinawag ko si senyorito para kumain
"tapos mo na ba maipahinga ang napagod mong daliri? Kung oo kakain na po" sabi ko sa kanya "yehey!"
nagtatalon na naman siya habang pababa kami papunta sa hapag kainan na parang isang batang bibilhan ng candy. Pag ito nadapa antawa ko lang talaga.
After niyang kumain, nagpaalam narin siya kay mama at saakin na aalis na siya tutal pagabi narin naman. Inihatid ko siya sa labas ng gate namin and inantay siya na makasakay ng tricycle
atsaka ako pumasok sa loob ng bahay. Tumambay muna ako sa sala at nakinuod ng t.v kila mama atsaka kumain ng dinner at ako pa ang pinaghugas nila. Tutal dalaga na daw ako at may nanliligaw na saakin. Kung ano ang kuneksyon ng naliligawan sa paghuhugas ng pinggan eh hindi ko alam. =__=
Mga 9pm narin nung umakyat ako sa kwarto ko. Nagpalit lang ako ng pantulog at inayos ang mga gamit ko atsaka ko pinatay ang ilaw at nahiga sa kama. Kaso nagulat ako ng pag tingin ko sa ceiling ng room ko, may mga naka dikit na glow in the dark na stars na naka form into a big heart. Sa loob ng heart, may maliliit na glow in the dark stickers na naka sulat na "I love you, Bhie"
Kinilig naman ako bigla. Siguro mas masaya kung walang contract at alam kong mahal talaga ako ni Ranz.
YOU ARE READING
Mr. Rebound 《 Short Story 》
RomanceMR.REBOUND IS MY FIRST STORY IN WATTPAD READ, VOTE, COMMENT AND SHARE THANK YOU 😘