• Continue •
On our 17th day, nagwish ako na sana, mahalin niya na talaga akong totoo. The following days is full of surprises.
On our 18th day, nagyaya siya maglalakad sa may park then habang naglalakad kami, may kinuha siyang isang bato doon at sinulat niya yung date and mga pangalan namin gamit ang isang pentel pen. Sabi niya itatago daw niya yung batong yun for remembrance na magkasama kami ng araw na yun.
Nung ika 20th naman, hindi kami masyadong nagkita nun dahil busy ang klase namin mag practice ng sayaw para sa culminating activity namin sa Music and P.E. Dahil lahat kami ay stressed at pagod, mga seryoso narin kami nun at bad mood. May taga kabilang section naman ang kumatok sa room namin
"excuse me po, pwede po ba kay Ms. Mich Villafuerte ?"
Tingnan ko naman yung lalaki na humahanap saakin at nilapitan siya "ano po yun?" "may nagpapabigay po eh, importante daw" may inabot siya saaking isang sobre "ah sige salamat"
Umalis na yung lalaki at ako naman bumlik na sa upuan ko at tinignan yung sobre.
Nakalagay sa likod "To Ms. Mich Villafuerte of Section IV-B" Binuksan ko yung sobre at nakita ko sa loob ang isang bond paper na may doodles na akala mo eh drawing ng isang bata. Colorful pa na crayons ang ginamit niya sa pag ddrawing. May naka drawing na araw sa bandang itaas ng bond paper then may ulap at mga ibon. Sa bandang ibaba naman ay dalawang stick figures na tao. Isang babae at isang lalaki and magka holding hands sila. Sa baba ng stick figures ay may naka label na pangalan.
Ranz
<3
Mich
Medyo napa ngiti at napatawa naman ako nung makita ko yung drawing. Parang nantitrip lang siya eh pero swear lahat ng pagod sa katawan ko at pagka bad mood ko nawala dahil dito.
On our 26th day, hindi niya ako naihatid sa school nun dahil tinanghali daw siya ng gising. Aaminin ko medyo nalungkot ako kasi eto yung first time na hindi niya ko nasabayan sa pagpasok sa school to think na ilang araw na lang ang natitira saaming dalawa.
Pumasok ako sa school ng nakabusangot ang mukha at bad trip na bad trip. Hindi rin naman ako pinuntahan ni Ranz sa classroom para mag sorry. Nakakasar lang talaga. Dumating na yung first subject teacher namin, which is yung literature at habang binabasa niya saamin ang story ni Cupid at ni Psyche, patuloy ang paglipad ng utak ko.
"So all came to a most happy end. Love and Soulhad sought and, after sore trials, found each other; and that union could never be broken"
sinara nung teacher naming yung book "so guys do you like the story?"
"yes ma'am" sabay sabay naming sabi. Syempre yung sagot ko labas sa ilong kasi inaantok ako.
"ok at dahil ilang araw na lang before Valentines day, gusto ko ikwento sa inyo ang modern version na kwento ni Cupid and Psyche"
"modern version? Meron po ba nun ma'am?" tanong nung isa kong kaklase
"oo naman meron nun. At partida mapapanuod niyo ito ngayon ng live" ngumiti si
ma'am at tumingin sa may pinto "modern day cupid, pasok!"
And right on cue, pumasok si Ranz sa classroom habang may dala-dalang gitara. Napaayos naman ako ng upo bigla.
Some of my classmates giggled dahil malamang eh alam na nila kung bakit nandito ang lalaking yan.
"uhmm hello po, ako po si Ranz and gusto ko sanang hingin ang permission niyo na kung pwede haranahin ko ang mahal na mahal niyong kaibigan at kaklase na si Mich"
Nagtawanan naman sila at ang daming pumayag habang inaasar asar kami kaya ko naman eh pulang pula na sa kinauupuan ko.
Ngumiti si Ranz saakin at nagsimula na siyang patugtugin ang gitara niya at kumanta.
"Oh you could just pretend to be withher all day Remember the feeling when you first held hands today Imagine her in your favorite white dress Smiling at you as if she thinks that you're the best"
Habang kumakanta si Ranz, pumapalakpak naman ang buong klase kasabay niyang kumanta. Maya maya lang din nakikisabay na sila kay Ranz sa pag kanta
"She tell you You and me, sitting on a tree, K-I-S-S-I-N-G. You tell her Baby hear me out will you marry me tonight We're in this make believe reality And baby it's just you and me"
Ako naman tahimik lang na nakatingin kay Ranz habang kumakanta siya. Hindi rin niya inaalis ang tingin niya saakin
"'Cause when tonight she holdsyou tight You wonder if this fantasy is right 'Cause when reality comes to play You realize you couldn't make her stay"
Lumapit saakin si Ranz at nginitian niya ako
"Hey Day dreamer You gotta be prepared to leave her in your fantasy 'Cause when it's over,"
Itinigil niya ang pag tugtog at pagkanta kaya naman napatigil ang buong klase sa pagsabay sa kanya. Inilapag niya yung gitara niya atsaka lumuhod sa harap ko. Nag labas naman siya ng rose galing sa likuran niya at inabot saakin.
Tinignan niya ako ng seryoso sa mata at kinanta ang kadugtong na lyrics
"you gotta make sure that it'syou who'll be with her"
After that, he kissed me on the cheeks.
YOU ARE READING
Mr. Rebound 《 Short Story 》
RomanceMR.REBOUND IS MY FIRST STORY IN WATTPAD READ, VOTE, COMMENT AND SHARE THANK YOU 😘