MR. REBOUND Part 3

938 17 2
                                    

• Continue •
《 Mich POV 》

Binasa ko ang printed na coupon bond na binigay saakin ni Ranz sa school. "what can you say? Ayos ba?" tanong niya saakin 

Ibinalik ko sa kanya yung papel "sorry, pero wala akong planong magkaroon ng rebound."

"sorry pero wala akong planong hayaan na wala kang rebound"

Isang Linggo na akong kinukulit ng lalaking to dahil diyan sa rebound thingy na yan. Sa totoo lang sinasakitan na ko ng ulo sa kanya. Oo brokenhearted ako at bitter at kada makikita ko si Oliver at si Rizza na masayang magkasama at kung ipagkalandakan nila sa buong mundo na sila na at kung paano ako daandaanan ni Oliver na para lang akong isang complete stranger sa kanya eh pakiramdam ko gusto ko na silang paslangin gamit ang Avada Kedavra curse. De joke lang, cruciatus muna para matorture sila bago mamatay =__=

Pero yun nga, kahit nga brokenhearted ako at bitter wala akong planong manggamit ng isang tao para lang maka move on. Lalo na kung isang complete stranger pa ang gagamitin ko. Wag na uy.

Hinarap ko si Ranz "bakit mo ba ginagawa ang bagay na to ha? Sino ba namang matinong tao gugustuhin maging rebound?!"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hinarap ko si Ranz "bakit mo ba ginagawa ang bagay na to ha? Sino ba namang matinong tao gugustuhin maging rebound?!"

"ako" ^__^

Tinignan ko siya ng masama "wala kang magawa sa buhay mo no?"

"wala nga" ^___^ 

If looks could kill, napatay ko na ang isang to sa sobrang sama ng tingin ko sa kanya

=__=

Nakakatakot ang isang to, feeling ko may sira ang ulo niya eh. Tumayo ako "basta ayoko niyan and pwede wag mo na ko guluhin!" tinalikuran ko na siya palayo kaso humabol naman siya saakin

"bhie ko! Hintayin mo ko!"

Ilang beses ba pinanganak ang isang to at abot sa kasukdulan ang kakulitan niya =__=

Ilang araw kong iniiwasan si Ranz pero ang kulit kulit niya. Lagi siyang naka buntot saakin, hinahatid sundo niya ako sa bahay, tapos ayaw pa niya tantanan ang pag tawag saakin ng Bhie. Nasa eskwelahan pa naman kami kung saan madaming tsismoso kaya ayun, kumalat sa year namin na M.U kami ni Ranz.

Ang malupit pa nakarating din kay Oliver yung balita! Eh paano na lang kung nagbago pala ng isip si Oliver at narealize niya na ako ang mahal niya hindi si Rizza tapos plano niya na kong balikan kaso dahil akala niya kami na ni Ranz eh hindi na niya ko nabalikan? Edi wala na talagang pagasa para saamin?! Ay tofu, sige Mich, paasahhin mo lang ang sarili mo diyan sa hayop mong two-timer na ex. =___=

Pero kesa nga naman magmukmok ako might as well sakyan ko na lang si Ranz tutal he's also doing this for fun at dahil abnormal siya at walang magawang matino sa buhay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pero kesa nga naman magmukmok ako might as well sakyan ko na lang si Ranz tutal he's also doing this for fun at dahil abnormal siya at walang magawang matino sa buhay. Tsaka para ipamukha sa two-timer kong ex na kaya kong maging masaya kahit wala siya. Pero, kaya ko nga ba? 

Today is the 15th day of our deal. Bago pa ko makalabas ng bahay, kita ko na agad si Ranz na nakaabang sa labas ng bahay namin. Hindi na ko nagulat kasi araw araw ganyan ang ginagawa niya. Umagang umaga nakaabang sa bahay namin para ihatid ako sa school, then hihintayin naman ako sa labas ng classroom namin para ihatid sa bahay pag dismissal na.

"nandiyan na ang manliligaw mo" ngiting ngiting sabi sabi saakin ni Mama "papasukin  mo muna kaya at pagalmusalin"

"Ma wag na!" sabi ko sa kanya "alis na po ako" nag kiss lang ako sa cheeks kay Mama atsaka ako lumabas.

Grabe talaga. Isang dahilan kung bakit tago ang relasyon namin dati ni Oliver eh kasi si Mama ayaw pa ko magka boyfriend. Pero tignan niyo ngayon, halos ipagtulakan niya ako kay Ranz. Ano ba meron sa abnormal na lalaking yan? =__=

"happy 15th day" salubong saakin ni Ranz atsaka niya hinawakan ang kamay ko. "oh!" agad ko naman hinatak yung kamay ko kaso ayaw niyang bitawan "ano ba,

wag mo nga hawakan ang kamay ko" =__=

"bakit? Di mo ba nabasa yung contract? Allowed tayo mag holding hands o kahit anong bagay na ginagawa ng normal couples" lumapit siya saakin atsaka may ibinulong "kahit nga din mag *ehem* sex *ehem* allowed tayo eh"

*POINK*

"aray koh po!" T___T

Hinampas ko nga yung hand bag ko sa ulo niya. Loko eh. "makipag totoot sa aso gusto mo?!"

"to naman di na mabiro" =__=

Inirapan ko lang siya at naglakad na ulit kami

"pero uh, Mich..."

"ano?"

"di ba some jokes are half meant?" ^____^

Tinignan ko siya ng masama

"hehe joke lang ulit. Wag ka na magalit" ^_____^

Bakit kesa tulungan ako ng isang to maka move on eh dinadagdagan pa niya ng kunsumisyon ang brokenhearted at bitter kong buhay?!

Nung makarating na kami sa school, inihatid naman niya ako sa classroom namin at dumiretso narin siya sa classroom nila. Nagulat naman ako dahil may nakapatong na malaking box sa upuan ko at may nakasulat na "For Ms. Mich Villafuerte. If you're not her, do not open it. Dangerous animals inside"

Mr. Rebound 《 Short Story 》Where stories live. Discover now