“Kailan mo ba kasi ako balak isama sayo? Ang tagal-”
“Vice?” sabi ng isang babae sa kabilang side ng nakasarang pinto. Hindi na nagulat dito si Vice, sa tinagal ng stay niya sa lugar na ‘to ay nasanay na siyang maging alerto. Ang isang tenga niya’y nakalaan sa kausap, habang ang kabila naman ay nakikinig sa kahit anong ingay sa labas ng apat na sulok na ito.
“Bilis magtago ka muna. Mamaya na ulit.” bulong nito sa kausap niya. Dali-dali namang sumuot ito sa ilalim ng higaan at tinakpan ni Vice ng nilatag na kumot ang siwang.
Pagkatapos ay nag-ayos siya ng sarili, itinago ang mga papel at panulat na nakakalat sa mesa niya at inilagay sa ilalim ng unan at sinubukang magmukhang kalmado at parang walang tinatagong sikreto. “Pasok.” tawag niya.
Pumasok ang isang nurse na may dala-dalang tray at ngumiti sakanya. Ngumiti rin ng bahagya si Vice ngunit hindi na mapakali ang mga kamay niya sa ilalim ng mesa. Pilit niyang pinipigilan ang paggalaw involuntarily ng mga kamay niya pero walang epekto. Inilapag ng nurse ang tray sa harap niya at hinain siya ng pagkain, tubig, at nagtabi ng isang pill dito.
“Okay ka lang ba? May kailangan ka ba?”
Umiling si Vice at hindi tumingin sa nurse. “Thank you.”
Ngumiti ulit ang nurse sakanya bago ito lumabas at sinarang muli ang pinto.
Sumilip muna ang kausap niya kaninang nagtatago sa ilalim ng higaan, sinisigurong wala nang ibang tao sa kwarto maliban kay Vice. Gumulong siya at tsaka tumayo at pinagpag ang damit.
“Sana naman masarap na ‘to.” sabi niya at kinuha ang isang meatball sa plato at sinubo ng buo. Pinanood lang siya ni Vice habang umiinom ng tubig. “Okay narin. Ano nga namang aasahan mo sa pagkain sa ospital?” sabi ng lalaki at naupo sa higaan.
Kinuha ni Vice ang gamot at inikot-ikot ito sa mga daliri niya.
“Ano, iinumin mo yan? Tapos magrereklamo ka sa sakit ng ulo mamaya at mabubwisit sa kamay mong di mapakali?” sabi ng lalaki. Nilingon siya ni Vice na nakakunot ang noo.
“Sinasabi ko sayo, pag ininom mo yan, mas lalo ka lang hindi makakalabas dito. Hindi kita maitatakas.” binuksan niya ang drawer na nasa tabi ng higaan ni Vice na may lamang apat na pills na katulad ng hawak ni Vice ngayon. “Sige na.”
Nilagay ni Vice ang gamot sa drawer at dahan-dahan itong sinara. Tinapik naman siya sa balikat ng kaibigan para magpaalam.
“Tatlong araw nalang, pre. Makakalabas ka rin. Mas safe na tumakas pag wala na yung side effects ng gamot mo.” sabi niya bago buksan ang pinto.
“Vhong.” tawag ni Vice sa kaibigan. Lumingon naman ito sakanya. “Salamat pre.”
Ngitian naman siya nito. “Wag kang madrama dyan. Iinom tayo nila Ryan paglabas mo. Sige na.” binuksan niya ng konti ang pinto at lumingon-lingon muna sa labas para tingnan kung may tao ba sa paligid. Dahan-dahan itong lumabas at sinara ng tahimik ang pinto.
Kinuha ni Vice ang mga tinago niyang papel sa ilalim ng unan at tiningnan ang drawing na dalawang araw na niyang ginagawa. Drawing ito ng dalampasigan sa isang dagat sa Bataan. Ang paborito niyang lugar.
Pilit niyang binubura ang ilang linyang balu-baluktot ang pagkakaguhit dahil sa panginginig ng mga kamay niya, ngunit tuwing inaayos niya ang mga linyang ito at gumuguhit ng panibago ay baluktot parin ang kinalalabasan. Sa sobrang inis, pinunit nalang niya ang drawing kasama ang iba pang papel na hawak niya.
~
Nakaupo si Vice sa higaan niya, nakadungaw sa bintanang parang rehas dahil sa grills. Wala mang orasan sa kwarto niya, alam niyang malapit nang dumating ang lunch at ang gamot niya.
BINABASA MO ANG
Half-truths | Vicerylle Oneshots
FanfictionCollection of oneshots. Hindi po ako masyadong mag-uupdate dito ha. Kapag may naisip lang bigla. :)