3: Entries (TKJ)

8K 123 26
                                    

[A/N: Break muna from mental disorder plots, kahit ako nadidisturb na eh haha pero thank you sa appreciation :)]

Sobrang saya ko ngayon, pero minsan, hindi ko parin maiwasang matakot. Matakot na baka permanente lang ulit ito, na babawiin din sa akin agad agad. Vice is a great guy. Napagod nga ako kakasalita, buong araw nagkwentuhan lang kaming dalawa, nagtawanan. Alam kong mga iilang beses ko narin ito nasabi sa past guys in my life, pero si Vice, iba kasi talaga siya. Hindi na niya kailangan ng flowers or ng chocolates to make me smile. Hindi na niya kailangang maligo sa pabango o maglagkit ang buhok dahil sa wax para maging pogi. Isang joke lang niya, ang sakit na ng panga ko kakatawa. Effortless. Natural. Everything’s just so perfect it makes me want to cry.

He can also be serious. Ang dami kong nakukuha sakanyang life lessons. May boyfriend ka na, may adviser ka pa. May bestfriend, may kuya, may tatay. Parang lahat na nga eh. I know I sound like an elementary brat here but I’m really head over heels for the guy. Pinalimot niya sakin yung mga sakit ng nakaraan. Pinalimot niya sakin yung mga taong nagdaan lang at hindi nanatili.

Well ayun nga, kaya ako natatakot. Kasi sabi nga nila, pag bago lang masaya. And kahit ako naniniwala dun, nasanay narin kasi ako. Pero sana maiba namin yon. Gusto kong maiba namin yon.

~

Ang cute parin talaga kapag bago, no? Nagkakahiyaan pa, nagpapakiramdaman. Nagtanong pa siya kung pwede daw ba niyang hawakan yung kamay ko. Eh kung iba sigurong tao yon, hindi na magpapaalam, bigla bigla nalang kukunin yung kamay mo, o di kaya aakbayan ka, o baka halikan ka pa nga. Pero siya, he thinks of what I want. He respects me. May mga ganung lalaki pa pala talaga, no?

Paano ko pa pakakawalan ‘to kahit dumating yung oras na kailangan na? Pero wag naman sana.

~

Ang tagal ko narin palang hindi nakakapagsulat dito. Ang busy na kasi talaga sa school.

Everything’s getting weird lately. Nakakapanibago nga eh. I’m used to following a certain routine, ngayon tuloy madalas akong nafufrustrate pag hindi nasusunod yung mga plano ko, yung mga gusto ko.

And yeah, I met someone today while I’m at the coffee shop and working on my term paper. Naiinis narin ako sa sarili ko minsan sa pagiging romantic ko, lagi ko tuloy pinipilit yung destiny destiny na yan. Alam kong complicated pa ang sitwasyon ko ngayon, pero minsan kasi alam mong sinadya talaga siyang mangyari. Parang nag-conspire yung buong universe para lang magkita kayo, magkakilala.

Naalala ko tuloy yung isa kong kaibigan na nagsabing takot daw siyang mag-commit kasi ayaw niyang makasakit ng iba. Paano daw kung attached na siya, then may darating na bago, na iba, na alam mong siya talaga yung tama, yung dapat para sayo. Pero hindi na ganun kadali lahat kasi ayaw mo rin namang maging selfish. Kaso hindi ka na talaga masaya. Anong gagawin mo?

I met you on a springtime day

You were minding your life and I was minding mine too.

Lady, when you looked my way

I had a strange sensation and darling, that's when I knew

That it's sad to belong to someone else

When the right one comes along

Yes, it's sad to belong to someone else

When the right one comes along

Ngayon ko lang naappreciate ang meaning ng kantang ‘to.

~

Ang bigat ng mga nangyayari ngayon, kung hindi lang ako busy sa pagraraos ng semester na ‘to eh baka nag-breakdown na ako. Wala narin akong time makapagsulat dito eh. Hay nakakapagod.

~

Isang buwan. Di ko inakala na ang daming magbabago sa isang buwan lang. Yung mga dating maayos, nagugulo. Yung mga dating magugulo, nagiging maayos. Okay narin siguro yon, at least may balance lahat ng bagay. Hindi naman pwedeng puro sarap nalang, imposible naman talaga yon eh. Pero kahit alam kong imposible, hinihiling ko parin.

Katulad ngayon. Hinihiling ko na sana maging okay na lahat, lalo na kami. O baka dapat na kong bumitiw? Baka dapat ko nalang hayaan. Hindi ko na siguro kailangang maghabol. Nagawa ko narin naman siguro yung part ko, sinubukan ko naman eh. Bakit ko pa ba kailangang hintayin na matapos siya sa pag-iisip niya?

Hindi ba pwedeng suklian nalang lahat ng bagay?

~

Kasalanan ko rin siguro kaya umabot pa kami sa ganito. Sana mas binigyan ko siya ng oras. Sa lahat naman kasi ng tao, akala ko siya ang makakaintindi kung bakit hindi ako laging nandyan. Sana siguro naging mas sweet ako, mas maalaga. Sana binigay ko lahat nang maibibigay ko. Sana sakanya ako nagconcentrate. Ngayon tuloy kailangan ko pang magmakaawa para hindi siya umalis, para hindi niya ako iwanan. Parang kailan lang hindi kami mapaghiwalay, pero ngayon hindi mo na maipagtabi. Sabi ko naman kasi, dapat hindi ko binubuo yung mundo ko sa mga permanenteng tao.

Nasa huli nga ang pagsisisi.

~

Siguro nga katangahan lang yung sinasabi nilang magagawa mo ang lahat kapag mahal mo ang isang tao. Yung hindi ka mapapagod kahit sinaktan ka na nang paulit-ulit. Babalik at babalik ka parin sakanya, hahabol nang hahabol, kakapit nang kakapit, maghihintay nang maghihintay. Yung konti nalang patatayuan ka na ng monumento bilang modernong martyr. Akala ko okay lang, akala ko pwede ko paring ipilit yung sarili ko. Hinintay ko naman siya eh, pero hindi siya dumating.

Naglakad lang ako nang naglakad kanina, nakatulala, walang pakialam kung dahil sa pagiging absent minded ko eh bigla akong maholdap at masaksak. Wala na akong pakialam sa kahit ano. Tuyong-tuyo na ang mga mata ko, wala nang maiiiyak pa kahit inuutusan na ‘to ng utak kong humagulgol. Wala na.

Katulad lang din siya ng iba, dumaan lang at hindi tumigil para manatili.

[A/N: At dahil may TKJ sa title, basahin niyo na ng pabaligtad starting from the last entry. ;)]

Their love is not lost, it is actually found. We can always turn our lives around. 

Half-truths | Vicerylle OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon