5: Tenses

6.3K 102 4
                                    

I just needed a breather, malapit na yata akong mabaliw eh. Hahaha hi :)

“Ayoko na.”

When those two words were said, only one feeling rushed within me. Relief.

I smiled after a long and awkward pause. “Then go.” I said flatly and motioned to the door.

She stood there, crest-fallen, but I’ve had enough. No pain was felt, no pity. Sawang-sawa na ako sa ganitong scenario. Pang-ilang beses na nga ba ‘tong nangyari? I’ve lost count already. Ngyon na nga lang naiba ang ilang parte, tulad ng response ko at ang kanya.

“Kung napapagod ka na, pagod narin ako. Ayoko narin. Matagal naman na kitang sinukuan eh—”

As soon as those words left my mouth, I saw her slowly, weakly, walking out of my door. She was also out of my life, and as wrong as it felt, I was happy.

Finally.

~

“Umayos ka nga.” sabi ni Billy habang hinihila ako palabas ng bar. Inaalalayan naman siya ni Vhong, pero hindi nila ako marestrain dahil hindi naman nga ako lasing gaya nang pinipilit nila.

“Maayos naman ako ah. Nakaka-dalawang bote palang naman ako. Bitiw nga, kaya ko maglakad mag-isa okay?”

Binitiwan narin nila ako pagkatapos kong pumalag nang pumalag sakanila. Hinarap ako ni Billy sakanya at sinuntok ang dibdib ko. “Sabi mo okay ka? Sabi mo wala kang pakialam? Bakit gabi-gabi kang umiinom?”

Pinakita naman ni Vhong ang hawak niyang sigarilyo na nakuha niya sakin kanina. “Matagal ka nang tumigil diba?”

Inabot ko naman ito pero tinapon na ni Vhong sa sahig ang sigarilyo at tinapakan nang paulit-ulit. “Kung ginagawa mo ‘to dahil sakanya, edi makipagbalikan ka.”

I shook my head. “Not everything’s about her.”

“Then what is this about?”

“Simula nung maging kami, tinigilan ko manigarilyo para sakanya. Minsan nalang din ako umiinom. Ngayong wala na kami, ito na, pwede ko nang gawin ulit lahat nang ‘to! Bakit niyo ko pinipigilan?” nagsimula na akong maglakad pabalik sa bar nang hatakin nila akong dalawa para pigilan.

“Ano, pagkatapos lang ng apat na buwan tsaka mo natandaan na hiwalay na nga pala kayo kaya ngayon ka lang uminom? Ngayon lang ba nagsisink in sayo lahat?”

“Nalulungkot ka. Namimiss mo siya. Face it, Vice. You miss her.”

“I don’t. Ako yung nakipaghiwalay, diba?”

Natawa naman si Vhong. He folded his arms and looked at me intently.  “Ah, kaya pala tumatakbo ka sa pintuan kapag may kumakatok at kapag kami ang nakikita mo, nadidismaya ka. Kaya pala pag may pangalan na katunog ng kanya, lumilingon ka. Kaya pala nakita ka namin nung isang araw sa office na tinitignan yung facebook niya—”

Nagulat naman ako at tinulak siya. “Gago!”

“O ano, deny pa?” sabi ni Billy. “Just get her back, okay? You’re miserable without her and you know it. You want her back, you need her back.”

“Don’t tell me what I feel.” I said. I started to walk towards my car. Hindi nila ako pinigilan.

~

I blasted my car’s stereo, and Sum 41’s With Me started playing. I was singing along when I stopped mid-sentence when I remembered one memory.

I don’t want this moment to ever end, where everything’s nothing without you.

Half-truths | Vicerylle OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon