13: Kalachuchi

5.8K 181 34
                                    

A oneshot collaboration with Cath (@K3VForever)!!! Abangan niyo yung isa pa naming collab sa Vicerylle One Shots naman hopefully within the week ;) anyway, dinededicate namin ito sa pinaka-sadistang author na kilala nating lahat, the pam legs hahaha happy happy birthday Pam!! O diba ang special mo samin :)) -- LyCath :)

Paano nga ba nasusukat ang pagiging masaya at kumpleto ng isang buhay? Sa dami ba ng pera at ari-arian na maiiwan niya sa kanyang mga kamag-anak sa oras na pumanaw siya? O sa dami ng taong dumalo sa libing niya?

Isang karo ang mabagal na umaandar papasok ng sementeryo kasunod ang iilang taong nakasuot ng itim at nagpupunas ng kanya-kanya nilang mga luha. Isang matandang babae at magandang bata na magkahawak ang kamay ang nangunguna sa prusisyon, tahimik lamang na naglalakad at paminsan-minsan ay pinagmamasdan ang palibot na nitso at lapida, hindi umiiyak. Karamihan sa mga naglalakad sa likuran ng karo ay hindi sila kilala, ngunit batid ng kaunti kung bakit sila naririto.

Tumigil ang karo sa tabi at inilabas na ng ilang kalalakihan ang kabaong na sakay nito at ipinatong sa mga bakal na pansamantalang sasalba dito mula sa kadiliman ng ilalim ng lupa. Naupo na ang mga bisita habang nag-lakas loob naman ang matandang babae na lumapit sa kabaong at buksan ito upang masilayan ang patay.

"Lola?" bulong ng batang kasama ng matanda habang hinihila ang manggas ng damit ng kanyang lola. "Pwede ko rin po ba makita?"

Nginitian niya ang apo at dahan-dahan itong kinarga sakanyang mga bisig, tila hirap na hirap dahil sa marurupok na niyang likod at balakang.

Tumitig lang ang bata sa patay, pabalik-balik ang tingin doon at sakanyang lola, naghihintay ng anumang reaksyon mula dito. "Lola Ana?"

"Hmm?"

"Wala ka po bang sasabihin?"

Marahang ipinatong ng matanda ang kanang kamay niya sa salamin ng kabaong, tila nais haplusin ang mukha ng taong nasa loob nito, ngunit hindi na posible. Nginitian niya ang apo at inayos ang buhok nito. "Nasabi ko na yata lahat nang maaari kong sabihin sakanya noong kasama ko pa siya, marahil higit pa." natahimik sila sandali at nagpatuloy na ulit siyang magsalita. "Si Jose lang ang tanging minahal ko sa buong buhay ko, Marian."

FLASHBACK

Bibihira ang pagdating ng isang tamaraw FX sa lugar na iyon kaya ganoon na lamang ang paglingon dito ng bawat taong madadaanan ng sasakyan. Inilabas ng dalaga ang kanyang ulo sa bintana, nilalanghap ang sariwang hangin ng La Union na hindi niya kailanman naranasan sa Maynila.

"Ana, mag-ingat ka dyan hija." paalala ng papa niya na nagmamaneho ng sasakyan.

Ngumiti lang si Ana sa side mirror. "Woooooo!" sigaw niya habang nakapikit ang mga mata, walang pakialam kahit nakakain na niya ang sariling buhok dahil sa lakas ng hampas ng hangin.

"Anaaaaaaaa!" sabik na sabik na pambungad ng pinsan niyang si Anne at mahigpit na niyakap ang pinsan. Tawang-tawa naman ang kanilang mga magulang na pinanonood lang ang madamdamin nilang pagtatagpo.

"Anne, oo nakuha ko na, namiss mo ako." natatawa-tawang sambit ni Ana at tinatapik na ang likod ng pinsan para pakawalan siya sa yakap nito.

"Pasensya na, nadala lang. Sakto pa naman at bakasyon napakarami nating magagawa dito!" hinila na niya si Ana papasok ng kanilang bahay at hindi na tumulong sa pagpasok ng mga gamit.

"Nasaan naman sina Vhong at Billy? Alam namang ngayon ang dating namin, hindi man lang ako sinalubong." naka-ngusong pagmamaktol ni Ana at nilibot ang tingin sa paligid ng bahay. Napakatagal na ng huling beses na napunta siya dito, lagi naman kasing ang pamilya nina Anne ang bumibisita sakanila sa Maynila dahil parehong abala ang mga magulang ni Ana para makauwi ng La Union. Pinilit na nga lang ni Ana ito bilang regalo sa ika-18 niyang kaarawan at kung hindi daw talaga kayang magtagal ng kanyang mga magulang doon ay magpapaiwan na lang muna siya, basta't doon siya sa buong tatlong buwan na bakasyon. Hindi nga sumama sakanila ang kapatid niya dahil wala naman daw siyang gagawin doon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Half-truths | Vicerylle OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon