“Hanggang titig ka nalang ba dyan?”
Natigilan naman si Vice sa pagtitig niya sa pagdating ng mga kaibigan niya at tinabihan siya sa stone benches. “Gusto mo maglaway pa ko?”
“Eh bakit hindi mo kasi ligawan?”
“Hindi nga ako kilala nyan.”
“Edi magpakilala ka muna. Tapos ligawan.”
Umiling-iling naman si Vice habang nakangiti. “Langit yan brad.”
“Umakyat nang maabot.” Vhong then cleared his throat at kumanta. “Kung ayaw may dahilan, kung gusto parating mayroong paraan!”
Dinugtungan naman ni Billy ang kanta. “Gumawa nalang tayo ng,..”
“BABYYYYY!” sabay-sabay nilang sigaw at tumawa pagkatapos.
Napahinga naman nang malalim si Vice. “Bakit kasi ang ganda niya. Putik brad perfect eh. Matalino, maganda, mabait, talented… Para kang nakatama ng ilang milyon sa lotto.”
“Tama na kaka-FLAMES dyan Viceral, may exam bukas. Turuan mo na kami.” sabi ni Billy at nilabas na mula sa bag niya ang makapal na libro ng Physics.
Kinuha nalang ni Vice ang nakasabit na specs sa damit niya at sinuot ito and tried his best to ignore his long-time campus crush who is seated exactly 10 meters away from him.
~
Mag-aalas dos na ng madaling araw at nakasubsob parin ang mukha ni Vice sa makapal na libro niya ng physics. Hinilot-hilot niya ang ulo at ipinikit saglit ang mga mata dahil narin sa pagod. Napahinga siya ng malalim at binuksan ang laptop.
“Saglit lang talaga. Wala na akong naaabsorb eh. 45 minutes lang.” bulong nito sa sarili. Tinype agad niya ang “Ana Karylle Tatlonghari” sa search bar ng facebook niya.
Tinitignan nanaman niya ang mga pictures nito. Kagabi lang ang huli niyang pag-stalk dito kaya wala namang nadagdag na bagong photos, pero paulit-ulit parin niyang tinitignan ang mga ‘to. Naniniwala naman siyang hindi naman masama at nakakatakot ang ginagawa niya, at least hindi niya sinesave ang pictures na ‘to sa laptop o sa phone niya para lang titigan at gawing wallpaper.
Para naman siyang tanga na nakangiti lang sa screen. Umungol naman si Billy mula sa higaan niya kaya ibinaba agad ni Vice ang laptop, pero hindi naman ito nagising. Roommates niya sina Vhong at Billy at classmates din sila, pero siya nalang ang gising dahil sa pag-aaral dahil siya naman ‘tong GC daw at natural na masipag at matalino.
Binuksan na niya ulit ang laptop at sinara na ang tab ng wall ni Karylle, kahit pa labag ito sa loob niya. Natulala siya saglit sa screen habang nag-iisip kung anong pwede niyang gawin. Nagtype siya sa address bar ng omegle.com.
Omegle: Talk to strangers!
What do you wanna talk about? Add interests (optional)
First time niyang itry ang site na ‘to, nalaman lang niya ang tungkol dito dahil sa dinami-dami ng confession posts sa page ng school niya na nagkakakilala thru the site. Nagtype siya ng unicorns, physics, math, at ang school niya.
Looking for someone to chat with…
You’re now chatting with a random stranger. Say hi!
You: Hello!
Stranger: hi:)
Stranger: weird ng interest mo haha
You: Haha! Para namang ikaw hindi.
You: Kaya nga tayo yung magkausap ngayon eh
Stranger: cute naman kaya ng unicorns! ;)
BINABASA MO ANG
Half-truths | Vicerylle Oneshots
FanficCollection of oneshots. Hindi po ako masyadong mag-uupdate dito ha. Kapag may naisip lang bigla. :)