I know right, sobrang tagal na ng last ud ko. Sorry naman. =)) anyway, gusto kong magpasalamat sa lahat ng nakaappreciate sa 3D! Glad you liked the story. :)
Mag-aala-una na ng madaling araw ay nakadungaw parin si Vice sa bintana, inaabangan na naman ang pagdating ng kotse na pagmamay-ari ng mga nakatira sa tapat ng bahay niya. Parang hindi na nga siya nakakatulog gabi-gabi hanggang hindi niya nasisigurong nakauwi ang sasakyang yon, minsan pa nga inaabot na siya ng pasado alas-tres kahihintay sa naturang sasakyan at hindi rin naman niya alam exactly kung bakit nga ba napaka-laking bagay nito para sakanya.
Lumabas siya ng kwarto para uminom ng tubig bago tuluyang matulog, at nakita niya ang pagbukas ng ilaw sa sala ng tapat-bahay. Sinalubong ng isang anino ang kararating lang at pagod na pagod na anino—tila isang eksena mula sa pelikula— at napangiti si Vice sakanyang sarili sa tanawing ito.
Good night.
~
At kada umaga, pagsisisihan din ni Vice kung bakit nga ba kailangan niyang hintayin ang pagdating ng sasakyan na yon dahil kinulang na naman siya sa tulog. Gustong-gusto na niyang ibato ang alarm clock niya sa pader para tumigil na ‘to sa pag-kalampag sa tahimik niyang umaga at makabalik nalang sa tulog pero alam niyang kailangan na niyang bumangon para pumasok sa trabaho at para sa napakarami pa niyang responsibilidad sa buhay. Pinatay niya ang alarm clock at antok na antok pang naglakad papasok ng banyo para maligo.
Isang college professor si Vice na pinagsasabay din ang pag-aaral niya for a masters degree sa parehong university kung saan din siya nagtapos ng kolehiyo. Wala siyang nakukuhang sweldo sa iilang units na tinuturo niya dahil iyon narin ang kapalit ng libre niyang pag-aaral para sa degree, at tanging maliit na food and transportation allowance lang ang ibinibigay sakanya ng university buwan-buwan na kahit paano ay napagkakasya naman niya sa sarili.
“Uy nagyayaya sila, kita kita daw mamaya. Sasama ka ba?” bati ni Vhong, co-professor at batchmate niya nang mag-time in siya sa department bago siya pumunta sa unang klase niya ngayong araw.
“Sige susubukan kong makahabol. May klase ako hanggang 8 eh.”
“Cut na yan.” biro ni Vhong.
Natawa naman si Vice at sinuntok si Vhong sa braso. “Sira ulo, ano ‘to undergrad? Basta sasabihan kita kung makakahabol pa ko.” at nagpaalam na siya para pumunta sa room.
Nag-quit si Vice sa trabaho niya sa isang government agency isang taon narin ang nakalilipas. Maayos naman ang pay niya doon at tatlong taon narin siyang nagtatrabaho doon mula nang makagraduate siya pero sadyang hindi na niya gusto ang ginagawa niya kaya siya nag-resign. Sa isang taon namang yun, nagpalipat-lipat siya sa iba’t ibang trabaho na kadalasan ay malayo sa linyang pinagtapos niya, sinusubukan kung saan nga ba siya magiging kuntento pero wala parin talaga. Hanggang sa pinayuhan na nga siya ni Vhong na mag-pursue ng masters for a while, baka daw sakaling bumalik ang interes niya sa profession pag nagtagal. Unang semester palang ni Vice ngayon sa pagtuturo at muling pag-aaral.
Gumraduate ng cum laude si Vice kaya hindi naging mahirap para sakanya ang makahanap agad ng trabaho. Napakaganda sana ng future niya sa field nilang yon dahil napapadala narin siya sa ibang bansa para maging representative for conferences, pero hindi parin pala talaga niya sigurado kung yun nga ba ang future na gusto niyang kalakihan at katandaan.
-----
Nag-panic si Vice nang makita niya ang oras pagkagising niya: 11:32 na, at kanina pang 8 am ang una niyang klase. Bumangon na siya at patakbo na sana sa banyo nang maalala niyang Sabado nga pala ngayon, wala siyang pasok. Pero dahil sa adrenaline rush nawala narin ang antok niya kaya naligo nalang din siya. Buong araw nalang siguro siyang mag-iistay sa coffee shop para mag-aral, wala naman siyang ibang plano ngayon.
BINABASA MO ANG
Half-truths | Vicerylle Oneshots
FanfictionCollection of oneshots. Hindi po ako masyadong mag-uupdate dito ha. Kapag may naisip lang bigla. :)