*** 6:10 A.M. ***
Iiyak ako ngayon.
Iiyak ako sa hindi ko malamang dahilan. O alam ko naman talaga pero ipinagkakaila ko lang? Hindi ko kasi matanggap, Dee.
Malapit ko ng matapos ang kwentong binabasa ko. Nabwebwesit ako sa totoo lang. Nabwebwesit ako dahil natatamaan ako. Kahit hindi naman talaga dapat. Sobrang layo kaya ng koneksyon ng kwento sa'kin. Pero sapul na sapul ako eh. Ewan ko nga lang kung bakit.
Iiyak ako ngayon. Kasi hindi pa man natatapos ang kwento, pakiramdam ko, mauuwi na sila sa wala.
Sobrang bigat ng dibdib ko. May nakapasan. May mabigat na bagay akong dinadala. Parang broken-hearted lang. Para nga lang sa kanila.
Pero sige na, para sa akin. Para sa akin kung bakit ako iiyak. I still want to deny it. At kahit kailan, hindi ko tatanggapin 'yon.
Pero, Dee, ang hirap. Hindi ko naman tinanggap di ba? Pero bakit masakit? O sadyang OA lang ako at emo? Posible kayang utak ko 'yung nagsabing hindi ko pa tinatanggap pero matagal na palang tinanggap ng puso ko'yung katotohanan. Not knowing, unti-unti na rin palang kinikilala ng utak ko 'yon.
Iiyak ako ngayon. Magluluksa. Kailangan kong ilabas 'tong bigat sa dibdib ko. Para pagkatapos, okay na ako. Iyak ko lang naman ang kailangan. Haha! Ang weird ko talaga.
YOU ARE READING
The Memoirs
Non-FictionEvery person has her own story. Every person has something in her that no one understands. Every moments is special in every way. Everything happens for a reason. This is a public diary of yours truly, iluvmycielo :)