October 7, 2016

7 1 0
                                    


*** 12:54 P.M. ***



Nawala na yung bigat sa dibdib ko, Dee. Nakahingi na ako ng sorry kay Sir Ang. Tama nga sila, ako yung mali. Ako yung namali ng decode at interpret sa sinabi ni Sir. Masarap sabihing buhay pa ang pag-asa ko. Kanina lang, pinakita ni Sir kung ano ang final grade ko. I expected lower but he gave me higher than that. I'm so thankful, Dee.



Sobra! Sobra-sobra! Dahil binigyan pa rin ako ng second chance ni God at ni Sir.



*** 2:03 P.M. ***



Umiyak si Alma. Mali ko na naman. Ako na naman ang may kasalanan. Hindi ako nanunumbat, Dee, ha. Sinasabi ko lang na nagkamali na naman ako.



Sabi ni Sam, para daw nagpapansin ako dahil sa mga texts ko. Ganun pala yun? May punto naman siya. Mukha ngang ganun.



Mali ko kasi hindi ko naisip na ganun pala yun. Tama nga naman siya, ano ba naman ang pakialam ng ibang tao sa buhay ko.



Nahiya ako, Dee. Sobra. Sinisisi ko yung sarili ko kasi nagkaganun si Alma.



Alam mo bang, hinahanda ko na ang sarili ko? Na baka, maiwan akong mag-isa. Masakit isipin, masakit gawin, pero kailangan. Ayokong dumating yung time na bigla-bigla, wala na; bumitiw na sila. Tapos ako, nanatiling nakakapit pa.



Ayokong magalit si Alma sa akin. Pero mukhang sa ginagawa ko, doon papunta.



Minsan, alam mo ba, naisip ko, gusto ko na lang mag-isa. Kasi ayokong masaktan. Ayokong isiping may kaibigan ako tapos iniwan din kalaunan.



Parang lahat ng bagay na ginagawa ko mali. Wala na akong nagawang tama.



Kaya kahit masakit na, kahit hindi nila sinasadyang saktan ako, nanatiling tikom ang bibig ko. Dahil ayokong humantong sa away. Ayokong mawala sila sa akin.



*** 4:46 P.M. ***



Nasabi ko sa iba ang tungkol sa problema ko. Nasabi ko pero hindi ako umiyak. Hindi nabawasan.



Kailangan kong umiyak, Dee. Kailangang-kailangan ko. Pero hindi ko magawa. Wala pa yung taong magbibigay ng simpatiyang kailangan ko.



Nasabi ko sa mga erns ang tungkol din dito. Pero hindi ako umiyak. Ayokong makita nila akong mahina. Ayokong dumagdag sa iisipin pa nila.



Napakahirap. Pero kailangang lumaban.

The MemoirsWhere stories live. Discover now