*** 7:09 P.M. ***
This was such a great day, alam mo ba iyon?
Kanina kasi, pinayagan ako ni Mama at Papa na sumama sa outing ng mga dati kong classmates sa high school.
Dati nang pinlano ng mga classmate ko ang outing na ito. Sabi ko nga, sana after three years pa, yung pagkatapos namin sa college para mas maging maganda yung reunion namin pero hindi nila ako pinakinggan. Hindi na sila makapaghintay na magkita.
Sinabi pa ng isa kong classmate na sa amin daw ang tagpuan. Siyempre, nagulat ako kasi hindi naman ako sinabihan. Pero okay na din kasi mas gusto ko yung makita ko rin sila sa personal.
Tapos ayun nga, pagkagaling ko sa lakad ko, naabutan ko sa amin yung mga lalaki kong classmates. Hindi naman kami gaano karami pero marami pa rin. Hehe. Ang sabi ko sa kanila, hindi ako makakasama sa kanila kasi hindi ako papayagan saka wala akong pera.
Pinilit ako nila at sabi nila, sila daw ang bahala sa akin, Kaya ayun, pinayagan na rin ako.
Sa Blue Reef kami naligo. First time. May slides. May mga duyan sa ilalim ng mga cottages. Malawak ang dagat, ang paliguan. First time kong na-try ang slides at masasabi ko namang satisfied ako kahit na nahihirapan akong huminga.
Nakita ko ulit si Relisa, ang bestfriend ko. Ayun, haha. Hindi pa rin naman kami marunong lumangoy kaya hanggang tingin na lang kami sa iba naming classmates na sobrang nag-eenjoy na sa pagligo.
Naging masaya naman kahit na ginabi kami talaga ng uwi.
Masasabi kong sulit na sulit ang araw ko na ito. Kahit na may pasok bukas. TT_TT
YOU ARE READING
The Memoirs
NonfiksiEvery person has her own story. Every person has something in her that no one understands. Every moments is special in every way. Everything happens for a reason. This is a public diary of yours truly, iluvmycielo :)