*** 3:51 P.M. ***
Kanina, may naganap na Motivation Seminar kasama ang isang alumni na naging topnotcher sa CPA Board Exam noong 2009. Top three siya at proud to be a UCLM graduate siya,
First time ko siyang makita at masasabi kong ang gwapo niya. Kamukha ni si Paul Jake ng PBB.
Nakaka-inspire. Sobrang daming matututunan mula sa mga experience niya. Doon ko lang talaga naramdaman ang sobrang kagustuhan kong maging topnotcher din katulad niya. Masasabi kong marami kaming pagkakatulad.
Humingi kami ng advice sa kanya at pinagbigyan niya naman kami. Nagkausap pa kami saglit. Lol!
Pinarangalan din ako bilang isa sa mga Dean's Lister ng department namin, having 1.45 GPA.
Pero pagkatapos ng seminar, abot-abot naman ang kaba naming mga freshmen dahil ipinost na ng president ng organization namin ang resulta ng qualifying exam namin.
Si Cynthia, tinanaw niya tapos lumapit sa amin. Ang sabi niya, hindi niya daw nakita ang pangalan ni Alma. Umiyak si Alma pati na rin kaming dalawa ni Kyle. Tapos nalaman lang namin na nakapasa pala kaming apat, except kay Doris. Haha! Epic din ang mukha ni Alma noong time na iyon.
Pakiramdam ko nga ay parang 'end of the world" na. Haha! Grabe.
Masaya ako kasi nakapasa kaming apat. Okay lang kung hindi makapasa si Doris kasi nagdecide naman din siya noon pa na lilipat siya ng ibang school.
Hinanap ko si Doris at nung nakita ko, niyakap ko siya at umiyak ako. Nakakalungkot isipin na maghihiwalay na kami. :(
Tapos hinanap ko rin ang pangalan ni ate Jessa, yung pinakamature sa aming lahat na tinuturing ko na ring kapatid, hindi siya nakapasa.
More than 100 ang nag-take ng exam. pero hindi umabot ng fifty ang nakapasa.
Sobrang nakakalungkot.
Hindi ko alam kung magiging masaya ako o malulungkot. Parang may part din sa akin na sinisisi ang sarili ko dahil sa score ko nakabase kung sino ang papasa. Two-third ng highest score ang cut-off. Ninety ang score ko kaya lahat ng may score sixty pataas, nakapasa.
Pero inisip ko na lang, tama naman si Mr. Armenion, yung topnotcher, baka may ibang plano ang Diyos para sa kanila.
Sana nga lang, kapag nagkataong magkita kami, hindi pa rin mawawala yung friendship na nabuo sa pagitan naming lahat.
YOU ARE READING
The Memoirs
No FicciónEvery person has her own story. Every person has something in her that no one understands. Every moments is special in every way. Everything happens for a reason. This is a public diary of yours truly, iluvmycielo :)