Kamusta ka? Sana wag ka magsawa at maboring sa babasahin na ito. Hindi ko alam kung anong mga mabubulaklak na salita pa ang dapat kong gamitin para lang makumbinsi kita na wag akong layasan at tapusin ito hanggang huli.
Sakatunayan, lahat ng mga sitwasyon na mababasa mo dito ay mga pangyayari sa walang kwenta kong buhay. Oo literal, habang binabasa mo ito alam kong di mo maiiwasan na husgahan ang aking pagkatao. Mag enjoy ka habang pinauulanan ng kritisismo ang buong sistema ko. De joke lang, besprends tayo, peaceyow!
Sige sisimulan ko na.
Isa lamang akong tipikal at normal na taong naninirahan sa magulo at malapit ng mawasak na mundo. Kabilang sa mga taong nagdurusa dahil sa pang aabuso ng mga naunang henerasyon. Ano pa nga ba ang kinabukasan na naghihintay sa mga sanggol na hindi pa naiisipang buoin ng kanilang mga magiging magulang sa kaawa awang mundo.
Hindi ako isa sa mga sumusulong ng "save the Earth" na yan. Pero taga suporta naman nila ako. Nahikayat rin sana kitang magkaroon ng kahit munting pakialam sa ating kapaligiran.
Oh sige mapunta na tayo sa totoong tema at paksa ng babasahin na ito. Ang tunay na sentro ng ating talakayan—PAG IBIG. Ikukwento ko sayo ang naging journey ko sa paghahanap ng lintik na forever na yan. Alam ko na who cares ang nakatatak sa mga neurons mo ngayon pero may matututunan ka dito (sana) kaya magpatuloy ka padin.
Konting oras at pasensya lang naman ang hinihingi ko sayo kase medyo mahaba ito pero sana malibang ka.
Minsan hindi lamang katok sa pinto ang dapat nating buksan kundi maging katok ng bagong kaalaman.
Tama na bang basihan ang pagkakaron ng maraming ex-boy friend ang pagiging malandi? Hindi ba pwedeng adventurous lang sya? Nakakatawa. Ang lame ng excuss na yan kung iisipin pero pwede namang ganun lang naman talaga diba? Marami na kase ngayon ang haplit magpalit ng boyfriend, parang nagtatanggal lang ng tutule sa mga tenga nila. Pagkalikot ng mga dumi, itatapon na ang walang laban na cotton buds.
Ano na nga ba ang PAG IBIG sa ngayon?
May nakapagsabi sakin na "Ang halaga ng isang bagay ay nakadepende sa kanyang presyo" Ikaw, magkano ang pag-ibig mo?
Kung matatapos man ang fairy tale nyo diba't kasalanan nyo naman yun pareho? Di naman pwedeng ikaw o kaya naman ay sya lang. Dapat pareho kayo. Kase dalawa kayo ng pumasok dyan. Kayo nga ang main cast ng istorya. At sa inyo nakadepende kung ano ang magiging genre ng love story nyo, mas masaya sana kung action diba? Pangit kung purong drama, at common naman kung romcom. Try nyo din kaya yung horror, astig siguro nun no? Pero higit sa lahat, sa inyo rin nakadepende ang ending ng istorya. May mamamatay, maghihiwalay, makakahanap ng iba o kung suswertehin magpapakasal pa.
Huwag kayong bumilang sa mga tanga na nakadepende kay Destiny. Si destiny ay para sa mga mahihina at uto utong tao lamang. Mga nagpapaloko at madaling maniwala. Mga umaasa at mabibigo. Hindi ko sinasabi ang mga ito para siraan yung destiny na yan na hinahayaan mong magpatakbo ng buhay mo. Utang na loob! Huwag mong hayaan na talunin ka ni destiny na yan. Malakas ka! Tao ka, salita lang sya kaya wake up!
Ang gusto ko lang ay maging matapang tayong lahat. Di naman sukatan ng kaduwagan ang pag atras minsan. Alam mo ba mas bilib pa ako sakanila kase umaatras sila para wala ng masaktan pa. Iniisip nila yung kapakanan ng iba kesa sa mga sarili nila.
Ok, tama na ang sermon session. Ang gusto ko lamang sabihin ay maraming mukha ang pagmamahal. Nakakabulag, nakakabingi at nakakapipi. Daig mo pa ang paralitiko pagtinamaan ka ng bwisit na pag ibig na yan. Madalas kang nawawala sa tamang pag iisip at nagiging sunud-sunuran nalang. Huwag kang magpatalo sa pag ibig. Ngunit talunin mo sya gamit ang charms mo!
Pero may aaminin ako; alam mo ba na walang kinalaman lahat ng kinuda-kuda ko sa mga isi-share ko dito. Kung meron man siguro konti lang. Alam ko na sa mga oras na ito buang at lutang na ang tingin mo sakin. Sige lang. Husga pa more.
At dahil alam ko na urat na urat at naiinis na ka na sa kadaldalan ko ay sisimulan ko na ang talaga ang tunay kong pakay. Pasensya sa paghihintay.
