Not Now

13 0 0
                                    

Nagkakilala kami sa isang event sa lugar namin. Nagkagusto sya sakin, sobrang vocal nya kahit kanino na gusto nya ako pero may isang hadlang. Hindi pa sya handa.

Nakakabanas ba? Pero yun daw kasi. Wala naman akong pake kasi diko naman sya gusto.

Natutuwa lang ako sa atensyon na binibigay nya sakin. Sa bawat kwento nya sa mga tropa nyang ako ang bida. Sa mga planong binuo nya para sa akin at kanya.

Una palang nilinaw ko na sa kanya na ayoko ng masabihan ng paasa. Nakakasawa din palang matawag ng ganyan. Diko naman intensyon na umasa sya. Walang motibo purong pagkakaibigan lang.

Sa kanya umulan ng mga promise at pangako na yan. "Pagkatapos ko at ok na ang lahat saka magiging tayo." Yan ang sabi nya. What the! Ako di nya manlang tinanong kung gusto ko ba sya?

Nakakainis na umaarte syang nagseselos pag may kausap akong iba. Humihingi ng oras at nagagalit pag hindi pinagbibigyan. Inaalam lahat ng ginagawa ko sa bawat oras at minuto. Daig pa ang nanay ko kung manermon sa mga maling gawa ko.

Describe ko sya? Matangkad, magaling magbasketball, nakakatuwa kausap at sinungaling. Oo grabe! Yan talaga ang pinakadahilan kung bakit ayaw ko sa kanya.

Yung tipong paniwalang paniwala ako sa lahat ng kinukwento nya pero peste lang! Kalokohan lang pala ang lahat.

Wala naman akong pakelam kung mayaman sya o hindi. Wag lang syang magsisinungaling kasi yun ang pinakaayaw ko sa lahat. Gagawa ng kwento para lang isipin ng iba na lamang ka. Wag ganun boi!

Dahil nauurat ako sa asta nya iniiwasan ko na sya. Hindi ko na sinasagot yung tawag nya at siniseen ko na sya sa chat. Nakakainis na kasi.

Para sakin friends parin kami pero siguro pagnawala na yung malisya saka lang kami babalik sa dati.

Ayos narin siguro to. Lumipat na tayo sa walang kabuluhang natutunan ko sa aming kwento.

Diko sya nagustuhan kahit kelan. Isinali ko lang sya dito sa kwento kasi may naisip lang ako.

Posible pala talaga yun? Mahal mo ang isang tao pero hindi ka handa. Hindi na si pagkakataon ang problema dito kundi sarili mo mismo. At mas mahirap yun.

Parang "we find the right love at the wrong time" ang level ng drama.

Siguro kasi alam nya lang ang priority nya. Na mas mahal nya talaga yung pamilya nya kesa sa sarili nya. Nakakahanga kasi halos lahat ng kabataan ngayon puro pag ibig ang bukambibig pero sya, alam nya kung ano ang mas mahalaga— pag ibig sa pamilya.

Sa pagmamahal pala mahalaga ang timing. Kasi kahit gaano nyo kamahal ang isa't isa pagdumating na si problema matitibag parin kayo. Bakit? Dahil hindi strong yung foundation. Dahil hindi kayo handa.

Sa love pala hindi lang sarili ang hinahanda kundi pati future nyo din.

Kailangan din ng maturity, hindi petiks lang kasi hindi na tayo bata— I mean forever bata. Dapat handa ka lagi. Kahit anong pagsubok dapat matatag ka lang.

Ok ang sabaw ko talaga ngayon kaya walang kwenta to sorry na. Pasensya na patawarin mo na ako. Kung ayaw mo neto sige skip ko nalang.

Kailangan din ng katapatan sa iyong kapareha. Huwag kang mamuhay na puno ng kasinungalingan at pagpapanggap kasi dulo dulo mabubunyag din naman ang lahat.

Sa pagsisinungaling mo, maaaring masira o mawala yung taong pinaka pinahahalagahan mo. Bakit? Kasi nasaktan mo sya. Hindi lang basta kundi sobra, kasi pinaniwala mo sya sa mga bagay na sa imahinasyon lang naman talaga.

Kung pinagkatiwalaan ka ng isang tao dapat patunayan mo na worth it ka sa tiwala na yun, hindi yung lilikha ka ng panibagong tao para lang masabi mong karapat dapat ka.

Kung talagang mahal ka ng boyfriend/girlfriend mo tatanggapin ka nya kahit gaano pa kabaho yung paa mo. Kahit tatlong beses ka lang maligo sa isang linggo at kahit sobrang lakas mo maghilik.

Ganyan ang tunay na pag ibig. Mahal mo sya kaya tanggap mo yung buong sya. Kasi nga walang perpekto sa pagmamahal.

Hindi rin pala sa sarap lang. Dapat sa lungkot at ligaya kasama mo sya. Kasi kung tuwing masaya lang saka sya nandyan abah! Kabahan kana. Kasi tuwing mahirap saka sya nawawala— kung kelan mas kailangan mo sya.

Sa bawat laban na kahaharapin nya dapat suportahan mo sya. Kaya kung hindi kapa handang labanan ang mga panira sa inyong istorya edi magtumigil sa muna sa isang tabi.

Ihanda mo muna yung sarili mo sa pinakamalaking laban na sasalihan mo sa buong buhay mo— Ang laban ng pag ibig. Bakit pinakamalaki? Kasi nakataya dito ang buong pagkatao mo.

Siguraduhin mong handa kana talaga. Ipunin lahat ng balisong at baril. Pag aralan kung paano tumira ng bulls eye at dumipensa ng malupit.

Ang pag ibig bigla bigla lang dadating yan. Maaring yung makasalubong mo sa daan, yung makatabi mo sa bus, o yung hindi sinasadyang naisali pala sa selfie mo. Baka yun na yung poreber mo.

Anong pinopoint ko sa kwento nato? Dapat lagi tayong handa. Magkaroon na tayo ng membership sa girlscout.

Kung hindi kapa handa wag kang sumabak. Kasi talo kana nga mananakit kapa ng iba. Huwag ka ding sumugal kung feelings ng ibang tao ang nakataya. Huwag kang maging selfish na porket mahal ka nya maggo kana.

Kailangan mo ring maging tapat sa mahal mo. Kung talagang mahal mo sya.

Walang perpekto kaya huwag kang maghahangad ng prince charming mo. Siguro yung knight in shining armor mas maganda. Yung kaya kang ipaglaban hindi yung hanggang pakilig lang.

Katulad ng sinabi ko kanina, hindi puro tawa lang pag nagmamahal, darating at darating talaga sa punto na iiyak ka pero hindi sana yun ang maging dahilan para sumuko ka. Kundi yung pagsubok pa na yon ang magpapatatag sayo— sa inyo ng mahal mo.

Kailangan nyo ng malupit na teamwork para marating nyo yung finish line— tumandang magkasama— kaya magpakatatag kayo pareho. Ang isa't isa ang sandigan. Ang bawat isa ang kukuhanan nyo ng lakas sa tuwing nanghihina.

Siguro yang dalawang bagay— pagiging tapat at handa— isa rin yan sa susi ng masayang relasyon.

Salamat sa Aral,
Mr. Not now

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Meron Akong KwentoWhere stories live. Discover now