Pare

27 1 0
                                    

Hindi ganun kagaling ang memorya ko kaya pagpasensyahan mo na ang kakaunting kaganapan na naaalala ko pa. Pero wag kang mag alala pinipilit namang sipatin ng utak ko ang mga pangyayari noon. Sana nga lang tamang ala ala ang rumehistro sa munti kong utak.

Itong pangalawa naman ay hindi ko talaga gusto. Napaka kapal nga siguro ng mukha ko ano? Feeling maganda ako kase ako pa yung umaayaw. Pero masisisi nyo ba ako kung may hinahantay lang talaga ako (Oops, sa mga susunod na chapter pa) Wala kami masyadong moment kase naman butihing estudyante ako samantalang sya ay pakawala at puro cutting na mag aaral kaya pasensya na.

Tropa sya ng pamangkin ko (kaedad ko lang pamangkin ko wag kang ano dyan) kaya medyo naging malapit din kami. Ako kase yung tipo ng tao na kaibigan ng bayan. Kahit hindi kita kilala kakausapin kita ganun ako ka-FC (feeling close) pero kung hindi ko magugustuhan ang aura na bumabalot sa kaluluwa mo wag ka ng umasa na lalapitan kita.

Kahit mga adik, basagulero at walang pangarap sa buhay ay kaibigan ko kaya nga walang makakanti sakin nung hayskul. Ayun siguro yung isa sa dahilan kung bakit kame nagkalapit.

Pero kase ewan ko ba? Bakit nga ba nasama pa sya sa istorya? Kung walang kwenta si Kirat mas walang kwenta ang samin ni Pare (yun nalang tawag ko sa kanya kase tropa lang talaga)

Naging teacher namin yung ate ni Pare. Ayun pinipilit ako na maging kame daw, boto daw sya sakin mga ganun ganun na salita. Pero alam mo ba masaklap? Nung umalis na sya ng school namin (Practical lang kase nya) di nya na ako pinansin tapos pati sa fb di nya ako inaaccept. Haist!! Galit kaya yun sakin? Matinde kasi. Kalimutan naba?

Wait... Kwentuhan nalang kita about sa ate nya. Wala kasi ako makwento tungkol sa kanya.

Major in math kase yun si mam tapos tinanong namin sya kung magaling sya dun? Hindi daw. Actually ilang beses syang bumagsak sabi nya. Nagtaka naman kame. "Bakit eto po ang pinili mo kung dika naman pala magaling dito?"

Diba kadalasan sa tao pipiliin nya kung san sya magaling para dina sya mahirapan at mag-excell pa? "Iba ako sa kanila, hindi dahil sa mahina ka sa isang bagay eh tatakasan mo na. Gusto ko lang patunayan sa sarili ko na kaya ko." Yan yung speech nya na diko makalimutan.

Ok mabalik tayo kay pare. Alam nyo ba may naging gf sya. Ibang section tapos ayun mula nun iniwasan nya na ako. Himala nga, pero alam mo ba ang weird padin kase ramdam ko yung mga mata nya sakin.

Isang araw nicorner ako nila ng mga kaibigan nya kasama sya at gf nya. Ayun f2f (face to face) kame. Awkward nga non! Siguro dahil una sa lahat diko naman sila close. D-U-H as if naman magselos ako diba? Edi ayun iniwan ko padin sila. Tapos tumakbo ako dun sa taong pangarap ko pero pangarap nalang talaga ata kase di nya naman ako pinapansin. Tropa lang din tingin nun sakin. Nafriendzone ako sakit (Oops sa ibang chapter pa nga pala to)

Pagtapos ng corner session namin na yun. Kinagabihan tinext nya ko. Oh diba kahit di kame masyadong close may number padin kame ng isa't isa. Ganun talaga. "Diko naman talaga mahal yung babae na yun. Inutusan lang ako ng tropa ko na ligawan sya. Diko naman alam na seseryosohin nya yun." Diko sya nireplyan. Bukod sa wala akong load dahil ginto para sakin ang bentesingko ay as if I care? Ano naman sakin diba?

Ayun. Kinaumagahan casual ako sa kanya, parang walang kahit anong nangyari. Ano bang dapat ireact ko diba? Kahit hindi na sya malapit sakin lagi padin syang nagtetext at pinipilit na maghihintay daw sya.

Kahit ngayong kolehiyo na kame tumatawag at nagtetext padin sya. Tuloy ang komunikasyon. Tulad padin ng dati. Pero ngayon may iba na, may gf na sya (ulit) Kahit di naman nya sabihin sakin "may tenga ang lupa may, pakpak ang balita" sabi nga nila.

Pero ngayon masaya na ako para kay Pare kasi nga may gf na sya. Sana nga totoong sila na ang life time partner kasi nagkameeting the parents nadaw. Pano ko nalaman? Kasi yung mga kaklase naming tsismosa ang nagsabi malamang. May gf daw sya ngayon na RK (Rich Kid) madalas daw yun ang nanilibre sa kanila at binibigyan din si Pare ng pera. Bahala na sya sa buhay nya. Matanda na sya.

Ang masaklap lang, ang kumakalat sa buong universe ay ako daw ang naghahabol sa kanya mula noon. Haist! Diko na pinatulan ang walang kwentang tsismis nakakapanget lang. Basta pinaliwanag ko kay mama at alam ko sa sarili ko kung ano ang totoo ok na yun.

Anong natutunan ko? Syempre wala nanaman. Epic failed nalang lagi ako. Pero seryoso siguro kahit paano meron naman kasi nga ang isang tao pagdumating yan sa buhay mo may ituturo yan sayo. May ibibigay syang lesson na kakailanganin mo din di man ngayon pero sa kinabukasan. Malay mo naman diba? Kapakinabangan mo yun.

Lahat ng tao may karapatan na maging kaibigan ka. Wag kang manghusga ng kapwa. Hindi porket mukhang magnanakaw ng tuyo, lalayuan mo na. Pag tila tumitira ng usok ng tambutso, mamatahin mo na. Yan ang hirap sa ating mga tao. Pag mukhang di katiwa-tiwala, iniiwasan na natin. Di dapat ganun ang buhay dahil mas madalas kung sino pang madungis sa panlabas ay ang may malinis na kalooban. Parang durian lang yan. Mabaho ang amoy pero masarap pala.

Si Pare, tinuruan nya ko na sa pagmamahal pala kasama talaga ang paghihintay. Siguro patunay din yun na mahal mo sya kasi nga hinihintay mo sya. "true love waits nga diba?" pero sa tingin ko hindi sa lahat ng oras applicable ang kataga na yan. Sa pagmamahal kasi kailangan mo din malaman ang tamang panahon para sumuko. Hindi robot ang tao, napapagod din. Ang mga machine nga pagnasobrahan na sa gamit nasisira diba, Tayo pa kayang tao? Lalo na mga tamad. Madaling mapagod. Kahit gaano ka kasipag magmahal mapapagod kadin balang araw.

Kailangan mo din ng break. Kung nararamdaman mong wala ka namang mapapala sa kanya at hindi naman talaga sya yung bigay sayo ni Lord tantanan mo na. Mahirap kaya ang unrequited love. Nagsasayang ka lang ng oras at panahon kasi imbis na masaya kana kasama yung tamang tao para sayo, naghihintay ka padin pala sa inaakala mong tamang tao.

Si Pare din ang nagparealize sakin na pagnanloko ka ng ibang tao, wala kang ibang higit na niloloko kundi ang sarili mo. Madaling sabihin na mahal kita pero mahirap maramdaman. Base sa mga obserbasyon ko, kung sino pa ang nanloloko sila pa ang natatalo. Kasi sa bandang huli sila din ang naiiwang mag isa.

Hindi madaling hanapin ang tunay na kaligayahan kung nakukulong ka sa mundo ng kasinungalingan.

Pare, salamat sa pagkakaibigan.

Meron Akong KwentoWhere stories live. Discover now