Chinito

17 1 0
                                    

Hindi ko talaga alam na nag eexist sya. Wala akong idea na tao at buhay pala sya. But we do live in the same community, yes! Napaka walang pakelam ko lang talaga.

May program sa school ko ng HS, at dahil wala lang pumunta ako dun. Bakit? Kasi nagbabakasakali lang ako na may mga classmate ako dun. For reunion purposes.

Dun ko rin sya nakita. At being me, diko sya pinakealaman pero hindi ko alam na magiging part din pala sya ng magulo kong buhay. Destiny? Kinikilig kana siguro ngayon. But for me? I consider him as my WRONG MATE, I did a wrong move.

How? Ako yung tao na hindi naniniwala sa ligaw, bakit? Kasi sa panliligaw best foot forward, mga taong sa simula lang magaling.

Hindi rin tumatalo ng kaibigan. Kasi may paninindigan ako na pag kaibigan dapat hands off ka. Mas mahalaga ang friendship. Strangers lang dapat.

Naging kami, sobrang mahal nya ko. Binibigay lahat ng gusto ko. Oo, naging bangko ko sya. Pero hindi ko yun ginusto. Binigay nya lahat ng luho ko pero hindi ako nakuntento. Ang tanga ko ba? Ang gold digger ko ba? Pero tulad ng sinabi ko kanina hindi ko ginusto yun. Sya ang nag insist.

Pumupunta sya sa bahay namin. Sya din ang kauna unahang lalaki na naipakilala ko ng formal kay mama. Close din sila ng mga kapatid ko pati mga friends ko. Perfect naba?

Isang sabi ko lang ginagawa nya agad. Iniiyakan nya ko pag may problema kami. Naiinis ako kasi sobrang dependent nya sakin ako yung babae. Mas malakas pa ako pwera sa kanya.

Describe ko sya? Chinito, saktuhan yung katawan. Magaling maggitara, kumanta slight lang. Mapera. Galante. Mabait. Mayabang pero may control. At sya yung sobrang magmahal, handang magpaalipin sayo. Ganyan sya kabulag sa pag ibig.

Pinilit ko namang mahalin sya. Ginawa ko ang lahat para turuan yung puso kong tumibok para sa kanya pero hindi. Wala, wala akong napala.

Nakipaghiwalay ako sa kanya on a hard way. Pati sa mga circle of friends namin lumayo ako para makamove on sya. Sa lahat ng tao ako ang lumabas na masama, lahat sila pumanig sa kanya. Oo tama ka ng basa LAHAT sila, nawalan ako ng kakampi.

Pero inisip ko nalang. Ok lang to, para makamove on sya agad. Ayos lang na magalit sakin lahat basta sya makamove on.

Walang nakinig sakin. Lahat humusga at anong ginawa ko? Sinubukan kong mag explain pero walang nakinig. Kaya nagpatuloy nalang ako sa pananahimik. Ganun lang siguro talaga. Sya yung nasaktan kaya sya ang dapat panigan.

"Masamang babae." "Manggagamit." Yan ang tingin sakin ng lahat. May ibang nang away pero diko pinansin.

Anong natutunan ko sa pakikipagrelasyon ko sa kanya?

Ang pagmamahal pala hindi pinipilit. Di pala totoo yung natuturuan ang puso, o di lang ako good trainer? Sakin kasi di gumana.

Di pala nadadaan sa pwersa ang pagmamahal. Hindi porket lagi mo syang kausap at kasama, mamahalin mo na sya.

Siguro mamahalin mo rin sya pero hindi stable. Kasi ako ganun, mahal ko sya ngayon, mamaya hindi na. Mas madalas yung hindi kesa oo.

Bakit ko sya hiniwalayan? Simple lang. Hindi ko kasi nakikita yung sarili ko na lalakad sa altar habang sya yung nag aantay sa dulo. Nakaupo sa tumba tumba at nagkakape habang pinagmamasdan yung mga apo namin.

Kaya hindi na ako nag aksaya ng oras at panahon pa. Bakit mo pa patatagalin kundi mo naman nakikita yung sarili mo na susumpa sa harap ng Diyos ng sya ang kasama?

Magiging kumplikado at madaya lang kung tatagal pa. Ikaw alam mo na sa sarili mo na may hangganan kayo tapos sya patuloy na umaasa. Unfair diba? Huwag ganun. Lalo mo lang syang masasaktan.

Di rin mapapatungan ng anumang materyal na bagay dito sa mundo ang pag ibig. Hindi ito nabibili, ang pisikal na katawan ng tao kaya mong bayaran para bigyan ka ng serbisyo pero ang puso? Mahirap bayaran yan.

Dapat din sa relasyon pantay kayo. Hindi yung may isang superior. Bawal yun! Huwag kadin masyadong masanay sa presensya nya. Huwag mong ibigay sakanya ang manibela ng buhay mo.

Matuto kang magbalanse. Mahalin mo sya ngunit mas mahalin mo ang sarili mo.

Huwag mo ring panghinayangan ang opinyon ng ibang tao. Ako nakaranas ako ng kung ano anong masasamang salita ang pinupukol nila.

Masakit syempre. Paano nila nasasabi yon ni hindi naman nila alam ang buong istorya, ano bang alam nila? Yung ending lang naman diba?

Huwag mong ibaba ang lebel mo sa mga taong humuhusga sayo. Hayaan mo lang sila mapapagod din yan. Kaya lang dapat handa ka. Dapat sila ang unang mapagod hindi ikaw.

Desisyon kong iwan sya sa masakit na paraan. Puro masasakit na salita ang sinabi ko sa kanya at muli kong isinuot ang maskara na matagal ko ng tinago para matauhan sya. Nagpakasama ako kasi sa tingin ko pag nagalit sya sakin makakalimutan nya na ako agad. Tutal sinusuhulan naman sya ng iba.

"Wala kang awa." "Binigay na nga sayo lahat ganyan ka pa"

Tinanggap ko yung kaparusahan ng desisyon na pinili ko. Hanggang ngayon dipa rin nawawala yung ganyang thinking patungkol sakin ng mga tao. Pero ginusto ko nga to diba?

Kung magpapadala ka sa sinasabi ng iba wala kang mapapala. Matatalo ka lang.

Kahit galit sayo ang mundo tuloy lang dapat ang buhay. Kahit sarili mo lang ang sinasandalan mo tuloy parin ang laban. Kahit wala kang pinaghuhugutan ng lakas tuloy parin.

Bago ka pumasok sa relasyon siguraduhin mo munang mahal mo na nga. Yung totoong mahal hindi yung labas sa ilong. Pag nakumpirma mo ng hindi peke ang tibok ng puso mo saka ka sumagot ng OO.

Sa pesteng oo na yan maraming pwedeng mangyari. Dapat maging wais ka. Huwag pumatol kung kanikanino at basta basta. Matutong magmahal ng buong totoo hindi kalahati lang. Sala sa init, sala sa lamig.

Mahal mo sya araw araw hindi depende sa mood. Magpakatotoo ka sa sarili mo, sarili mo na nga lang niloloko mo pa. Huwag ganun bes.

Sana mahanap mo narin yung talagang para sayo,
Chinito.

Meron Akong KwentoWhere stories live. Discover now