Kirat

28 1 0
                                    

Nung grade 2 hanggang grade 3 may naging boyfriend na daw ako. Matinde diba? Hindi ko rin masukat akalain na nangyari talaga yun sakin. Puppy love lang daw yun kung tatanungin mo ang ibang tao pero para sakin? Isa lamang yung hindi ko din alam.

Mga magulang, kapatid at kaibigan lang namin ang nagsabi na naging kami nga daw. Jusko naman! Ni wala nga kaming kamalay-malay pareho nun.

Basta ang alam ko lang sabay kame pumapasok kase umaangkas ako sa bike nya. Seatmate kami lagi, este cheatmate pala. Nililibre nya ako pag recess na (minsan lang naman, maralitang dayukdok ko talaga) Pinapasuot nya sakin yung jacket nya pagtinatamad syang magdala. At pag may sakit at nag iinarte ako, sya ang nagbo-volunteer na ihatid ako sa bahay.

Yun nalang yung mga natatandaan ko. Pasensya naman daw sabi ni memory.

Pero ang diko makalimutan ay yung sinabi ng nanay nya sakin nun; "Nak lika dito kutuhan kita para mas magustuhan ka ng anak ko" Oh diba? Adyo! Malay ko ba sa mga ganun na pangyayari. Kaya tuwing recognition day yung mama nya ang nag aayos sakin. Chuckie siguro tingin sakin ng mama nya, gustong gusto kasi pinipinturahan ang mukha ko at binubuhol ang buhok ko.

Tapos ang nakakatawa pa, nung naghalungkat ako ng gamit ko nung isang araw nakita ko yung isang box na love letters nya. Kamusta naman yun diba? Imagine mo yung papel nung grade2 na malaki ang sulatan tapos kung gaano sya kapanget magsulat. Harubebe! Sasakit pilikmata mo kakabasa.

Tapos nakita ko din yung isang tambok na envelope na punong puno ng picture nya nung bata pa sya. Medyo sira na yung iba nun. Laughtrip talaga. Diko pala nabalik yun? May pangblackmail nako sa kanya ngayon. Napakalupet nalang talaga. At akalain mo yun! Ang sinop ko pala? Achievement yun!

Alam mo ba kung ano pang nakakatawa? Kung corny ka edi wag kang tumawa. Lungkot ng buhay mo. De joke, sadyang mababaw lang talaga ako. Classmate at kapitbahay ko kaya yon, hanggang ngayon.

Naalala ko nung hayskul pa kami (Oops muntik mo ng malaman na matanda na ako) kinakantahan kami ng mga klasmeyt namin ng "Muling ibalik ang tamis ng pag ibig, muling pagbigyan ang pusong nagmamahal" Kaloka lang diba? Pero para saming dalawa, wala lang yun.

At eto pa! Alam mo ba, maraming nagkakagusto sa kanya nung hayskul kami pati mga bading (totoong buhay to walang joke) Diko din alam sakanila, di naman sya masyadong gwapo para sa akin pero kase shy type kaya malakas daw ang dating. Di nga kumakausap ng babae sa room yon pero babaero, mas trip nya yung mas matatanda sa kanya. Kaya ayun yung forever nya 23 sya 19. Ayos diba? (Haist sana wag nya to mabasa)

Madami ring tao ang nagsasabi na "bagay kayong dalawa" Sobrang pareho kasi kami ng trip sa buhay, baliw kami pag magkasama. Click na click kami kumbaga. Pero tinatawanan nalang namin yun kasi nga may gerlpren sya, selosa pa naman yun. Tsk! Ayoko ng gulo.

Hmm.. Pano nga ba sya idescribe? Magaling sya mag gitara, artist at singer din sya. Bipolar; minsan mukhang tumira ng kopiko78 madalas mukhang pinalaklak ng isang sakong tsokolate. Di sya katalinuhan, saktuhan lang at sobrang nakakatawa sya sumayaw. Gala sya, magaling magluto at kirat ang mata. Kaya itago natin sya sa tawag na KIRAT.

Pero sa ngayon pag napag uusapan namin yun pareho nalang kaming tumatawa. Oo, magkaibigan parin kaming dalawa. Para samin isa nalang yung magulong parte ng nakaraan.

Ok at dahil ayoko ng dagdagan pa yung istorya namin ni Kirat gusto mo bang malaman kung ano natutunan ko nun?

Siguro nagtataka ka kase wala naman yun kakwenta kwenta. Pero talagang piniga ko ang mga taba ng wrinkles at kilay ko para makaisip ng tinatawag na LESSON LEARNED.

Wala sa edad ang pagmamahal sabi nga nila. Hindi ba maganda na habang bata palang nag eexplore ka na? May nalalaman kana. Para pag dating ng tamang edad mo para pumasok sa seryosong relasyon may bala kana. Dikana madaling mapaikot ng mapanlinlang at madayang pag ibig.

Pero huwag mo akong gayahin kase ngayon kung tatanungin mo ako, mamatay man ang dolphine sa gubat ayoko din ng pangyayari na yun. Choosy ko diba?

Kaya kung totoo man yun o hindi ang mahalaga hanggang ngayon magkaibigan kami. Magka-bagang kami. Masaya ako kasi kahit hindi kami nagkatuluyan at natapos dahil sa masaklap na kamuwangan ay ok lang dahil ayoko din naman.

Pahalagahan mo yung mga tao na kaibigan mo mula bata hanggang ngayong pagtanda dahil bihira lamang sila. Sila yung mga totoong tao na mahirap hanapin dahil natatabunan ng mga matagal mabulok na plastik na kakalat kalat lang sa paligid kaya mag ingat kadin.

Habang bata ka, manatili kang bata. Mag enjoy ka sa buhay at hayaan mo lang ang lahat. Sumabay sa agos. Minsan ka lang maging bata kaya huwag mong pangarapin na maging matanda agad. Hindi mo na mababalikan ang mga pangyayari nung bata ka pa kaya dapat lang ay namnamin mo ang hangin ng kabataan at talikdan muna ang problema na lumalamon sa mundo.

Napakasarap maging bata na candy at teddy bear lang ang pinahahalagahan. Pag umiyak ka andyan agad ang nanay mo na handang tumumba ng toro maiganti ka lang sa mga kalaro mo. Manunuod ka lang ng Barney and friends, Powerpuff girls, Dora and Diego at Tom n Gerry saka ka tutulog ng mahimbing katabi ng anghel na nagbabantay sayo.

Matuto kang magmahal habang bata, mahalin lahat ng nakapaligid sayo. May hininga man o wala. May kabuluhan man o wala. Kasi maaaring magkaroon din sya ng malaking parte sa future mo, hindi man in a romantic way pero malay mo sa mas kapakipakinabang na bagay. Magpahalaga ng mga alaala, mabuhay sa ngayon at maexcite sa hinaharap.

Salamat sa alaala,
kirat

Meron Akong KwentoWhere stories live. Discover now