Mr. Bubbles

5 1 0
                                        

Schoolmate ko sya in college. Yes, same school but different program. Medyo weird to kaya sana tyagain mo.

Lagi kaming nagkakasalubong sa school kahit saan. Ang kyut nya sobra. May mga time na para akong baliw na tulala pag nangyayari yon. Oo nakakahiya diba? Pano naman kasi pinapakita nya sakin ang nakakatunaw nyang mga ngiti lagi.

Fast forward tayo, one time nung nakatambay kami ng mga tropa ko sa food court may lumapit samin na dalawang babae. Nakaearphone ako nun kaya wala akong pake.

"Miss pwede daw po bang makuha yung number mo sabi ni JJ?" Nung di ako sumagot. Kinalampag nung mga kaibigan ko yung mesa. Baliw diba? "Ha?" Syempre as usual yan naman ang unang reaksyon ng lahat.

Inulit nung dalawa. "Sino ba yun?" Adyo malay ko? Dinaman ako sobrang pakawala na magbibigay ng numero agad agad. Pachoosy minsan.

"Sya yung nakakasalubong mo sa school blaah blaah." Dinescribe sya. Tumpak bes! Sya nga yung kras ko. Binigay kona.

Nagkatext kami ng 2days, oo dalawang araw. Umamin sya na crush nya ko, some sweet nothings pagkatapos nun bigla syang nawala. Yes! Sana nga bula nalang sya.

Naghintay ako. Tinatawagan kopa nga sya pero wala na talaga. Ayun, bumagsak na yung pader ng pag asa na itinayo ko para sa kanya. Wala na.

At kundi rin ba naman napagtitripan nagkasalubong kami sa SM at may kasama syang babae, nakaakbay pa bes! Nakita nya ko, tinitigan nya pa nga ako.

Nagkasalubong ulit kami, ibang mall naman kasama nya tropa nya. Nakipagtitigan sya sakin as in sobrang tagal, lumapit pa kaya nilayasan ko sya. Kabanas!

Umamin na gusto nya ko tapos makikita ko may kaakbay? Ano to lokohan?

Mula nun dina ulit kami nagkikita pa. Tsk! Buti nalang di ako umamin sa kanya. Buti nalang talaga nagpakipot ako kunware, buti nalang talaga.

NaBREAKFREE zone ako dun sa hinayupak na yun! Yon daw kasi ang tawag sa hindi naman kayo pero kailangan mo magmove on. Saklap diba? Marami tayo dyan wag ka mag alala dika nag iisa. Cheer up! Nagkalat tayong mga assumera sa tabi tabi, marami kang kakampi.

Natutunan ko sa kahihiyan na to? Mabuhay ang mga pabebe at pachoosy!

Bago ka gumawa ng desisyon matuto kang magmasid muna, pag aralan ang kinikilos ng iba. Kung pinaglalaruan ka lang o sineseryoso ka. Matuto kang magbasa, hindi ng letra kundi kilos at pananalita.

Hindi lahat ng daraan sa buhay mo may ambag, may ganap. Hindi rin lahat ng daraan sa buhay mo pangmatagalan, dahil mas marami ang panandalian lang.

Mga panandaliang tao na magbibigay din sayo ng panandaliang saya.

Hindi ka naging handa sa pagdating nila ngunit dapat maging handa ka sa pag alis nila. Kasi kundi mo magagawa yon, talo ka. Ikaw ang iiyak at magmumukhang tanga sa dulo.

Wag mong panghinayangan ang mga taong nanloloko sayo. Kaawaan mo sila dahil balang araw mararanasan din nila ang ginawa nila sayo. Kung ikaw kinaya mo, sila hindi mo alam kung kakayanin ba nila?

May mga tao talagang sinilang ng paasa. Bobolahin ka at nasayo na yon kung magpapalinlang ka. Sa laro ng pag ibig, ang unang maniwala ang syang matatalo at ang matatag hanggang huli ang panalo.

Huwag ka din bumigay agad porket gwapo, matangkad, cute, maporma etc. Huwag kang magpadikta sa tinitibok ng mata mo.

Sa dalawang araw na nagkatext kame oo aaminin ko kinilig ako sa lahat ng sinabi nya. Napaniwala nya ako.

Ako kasi yung tao na mabilis magtiwala. Pero kung katulad kita dapat maging mapagmatyag ka. Huwag kang bulag!

Minsan kasi nasa harap mo na nga ang ebedensya iniiwasan mo pa. Maging mapanuri sa bawat galaw.

Kung iniwan ka naman ng wala manlang pasabi tulad ko dapat maging matatag ka. Ikaw ang nagdala sa sarili mo sa balon na kinasasadlakan mo ngayon. Matuto mong iahon ang sarili mo.

Tulungan mo ang sarili mo na gumising. Huwag mong kunsintihin na babalik pa sya. Kasi kung totoo man yon, edi sana nagbigay manlang sya ng magandang pamamaalam tama ba?

Ang mga taong tulad ni JJ dapat sinasapak ng tatlong beses sabay hulog sa bangin. Dapat ng ubusin ang lahi ng mga pafall dito sa mundo.

Marami ang nasasaktan at nagdurusa ng dahil sa mga paasa na yan. At ikaw naman tong si uto uto na pumayag maging biktima.

Tsk! Hindi porket crush mo sya, bibigay kana. Moral lesson natin yan bes. Mag aral na muna! Tama lang na magkaroon ka ng kras. Oo kras lang muna kasi sabi ng iba inspirasyon daw yun.

Dahil dun gaganahan ka pumasok. Gagalingan mo sa school at pinakamahalaga sa lahat gaganda ka. Kasi gusto mo sa paningin nya maganda ka. Kaya insperado ka araw araw.

Dapat ang crush puro mabuti lang ang dulot sayo, pag iba na or yung kabaliktaran na ang epekto nya sayo aba tantanan mo na! Dapat ang ibinibigay sayo nyan motibasyon hindi depresyon.

Si Mr. Bubbles na almost lover ko ang nagpatatag pa sakin. Nagpakita na kaya kong lampasan ang kalungkutan na dulot nya. At dahil dun mas lumakas ako para harapin ang mga susunod pang hamon ng buhay. Mga susunod na heartbreak.

At dahil sa tinuro nya ayun, mapanuri na ako ngayon. Dina basta basta nagbibigay ng numero kung kanino at hindi nadin nagpapadala sa mga mapandarayang ngitian nila.

Hindi ako galit kay Mr. Bubbles, nagpapasalamat pa nga ako sa kanya. Kasi kundi sya dumating siguro walang lesson na sumampal sakin ngayon. Kundi sya dumating wala akong matututunan sa buhay.

Si Mr. Bubbles hindi nya naman siguro intensyon na lokohin at paasahin ako, may mas malalim na rason pa sya kung bakit nya nagawa yon.

Pinapaniwala ko nanaman ang sarili ko sa kasinungalingan? Hindi. Minumulat ko lamang sa katotohanan. Wala akong karapatan na husgahan sya. Magkaiba kami ng utak.

Malay ko ba kung lumayo sya para sa ikabubuti ko din naman diba? Dapat sa mga ganitong sitwasyon hindi ka one sided. Hindi puro ikaw lang, matuto mo ring alamin at intindihin yung parte nya.

Natuto na, este nauto na pala at dina dapat mapangalawahan pa.

Salamat sa pagtuturo,
Mr. Bubbles

Meron Akong KwentoWhere stories live. Discover now