Ang aking kwento pero kwento lang huh hindi true to life pilingera lang

150 1 0
                                    

Kasalukuyang nag lalakad ako sa isang mall sa monumento papuntang agency sa ermita halos takbuhin ko na nga ang lrt sa sobrang excited ko dahil sa wakas dumating na ang aking visa papuntang hongkong..

"sa wakas makakaalis na rin.. Thanks god nasambit ko.
habang nagmamadali at humahangos sa paglalakad ng mabunggo ko ang isang lalakeng nagmadali rin that time..

"sorry miss" sabi nya sakin

nahiya naman ako kasi ako naman tong nakabunggo sa kanya so para makabawi
"ako nga tong sorry kasi nagmamadali ako eh sorry aahh" sabi ko na lang

Ok lang! Sagot naman nya

Nakarating na rin ako sa lrt sa wakas
Ang haba ng pila tapos ang init pa kaya tagaktak ang pawis ng inyong lola..

Nakasakay na rin ako hanggang sa marating ko na ang pedro gil kailangan ko ng bumaba mabilis na naman akong naglakad ng makasabay ko rin sya sa bandang 7-11 kumaliwa rin sya akalain mo yung cute na nakabunggo sakin eh parehas lang pala kami ng pupuntahan..

Tinitigan ko sya syempre para mapansin di ba tapos pag napapatingin sya iniiwas ko na lang tingin ko sa iba

"Hindi mo ba tatanungin pangalan ko" sabi ko sa isip ko pakipot konte dapat di ba kasi dalagang pilipina tayo.

Nakatitig pa rin ako sa gwapo nyang mukha hindi naman sya maputi kayumanggi ang balat nya matangakad sya parang player..
Ewan kung anung games basta mukha syang player.

Ayun di pa rin ako makamove on sa supladong gwapong yun..

Nakuha ko na ang tiket ko kasi sabi urgent daw ang employer ko napuno na daw ng alikabok ang bahay at kailangan na kailangan ko ng gomora asap.

Pag kauwing pag kauwi ko sa bahay niyakap ko agad ng mahigpit ang aking anak kiss ko sya sa noo sa lips hugs ng mahigpit
"mamimiss ka ni mama nak" sabi ko habang pinapahid ang luha ko

Bakit ma aalis ka?
Tanong ng apat na taong gulang kong anak na lalake

"Uu nak eh kailangan mag work ni mama kasi wala tayo pera may sakit si lolo wala trabaho si mama wala tayong kakainin" naiiyak ko pa ring paliwanag sa kanya
"ayoko!!! Dito ka lang ayokong umalis ka.. Hu hu hu "... Iyak nya
Halos madurog na ang puso ko sa sakit kung bakit pa kasi pinagpalit at iniwan tayo ng ama mo naisip ko tuloy ngayon kailangan nating mag sakripisyo mag ina

Kinabukas madaling araw palang umalis na ako

"alis na ako ma yung bata aaahh bantayan nyong maigi anak ko"

Hindi ko na sya ginising hinalikan ko na lang ng marahan baka kasi magising pa at humabol sakin

Marahan kong sinara ang kwarto at nagpaalam na sa mama ko di na ako nagpahatid malapit lang naman ang malabon sa airport saka taxi para wala masyadong gastos

Nasa naia terminal 3 na ako nakapag check in na rin kahit 7:15 am pa ang flight ko at 4 am pa lang maaga kasi kong nakarating kasi wala namang traffic sa madaling araw..

Umupo ako sa upuang mahaba sa tapat ng gate 109 kung saan yung flight ko..

Di ko namalayan nakatulog na pala ako nagulat na lang ako ng marinig ko ang flight number ko papasok na pala sa loob ng eroplano tumayo agad ako kahit na may tulo laway pa ako sa sobrang himbing ng tulog ko

Nakaupo na ako sa seat ko buti na lang sa tapat ng bintana makikita ko rin yung pilipinas mula sa taas manghang mangha ako sa ganda ng ulap ang ganda naman dito sambit ko sa sarili ko..

Ng makalapag na ang eroplanong aking sinasakyan sa hongkong halos maiyak pa rin ako sa sobrang lungkot na di ko mawari kung bakit ba ako naiiyak anu batong nararamdaman ko gusto kong bumalik sa eroplano at bumalik ulit sa pinas.. Naiiyak na naman ako pero nilakasan ko na lang loob ko sabi ko para to sa anak ko saming mag ina.

Ayun nakarating na ako sa bahay ng amo ko at last nakilala ko sila ok naman sila.. Mabait naman may libreng wi fi parehas sila may work kaya ako lang naiiwan lage sa bahay mag isa pa fesbuk fesbuk lang...

Search ng friend gang sa makita ko sa people you may know ang isang pamilyar na mukha..

"Add ko nga to" sabi ko sa sarili ko

"I accept nya kaya ako.. Bahala na basta add kita" salita na naman ako mag isa

Nahomesick na naman ako naalala ko na naman anak ko hay naku mag chachat na lang ako para malibang naisip ko

Bakit ang hirap kong mahalin? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon