Part 13

58 1 0
                                    

"bakit sinu ba pinagpalit mo sakin huh at ang lakas ng loob mong makipaghiwalay? " sagot ni arnold sakin.

"wala akong pinagpalit sayo! Natauhan lang ako. Kung pinahalagahan mo sana ang nararamdaman ko baka hindi tayo umabot sa ganito. Di sana hindi ako napagod mahalin ka." panunumbat ko.

Alam kong mali ang isumbat kung anu man ang pagkukulang nya pero mas maigi na rin para at least alam nya kung bakit nawalan na ako ng pagmamahal sa kanya.

"ok sige bahala ka na sa buhay mo" yun lang sinabi ni arnold at nilayasan na ako.

"hiwalay na kami ni arnold" chat ko kay bench.

"bakit? Niloko ka na naman nya? " reply nya sakin.

"hindi nakipag hiwalay na ako sa kanya" sabi ko naman.

"bakit? " takang tanong nya sakin

"wala lang narealize ko lang kasi na di sya worth it" reply ko.

"di ba mahal na mahal mo yun panu mo naman nasabing di sya worth it." tanong ni bench.

" sa off pede ba tayo magkita? Para dun na lang tayo mag usap." pag iiba ko sa usapan.

"ok sige" tipid nyang sagot sakin.

Wala naman ako maisip ibang isagot kundi 👍 yun lang,alam ko may tampo pa rin sya sakin.

Sunday na off na naman.

Pinuntahan ko si bench sa pier 10 alam ko andun lang naman yun tumatambay eh.

At yun nga nakita ko sya may kausap syang babae di ko kilala pero baka member din. Papalapit na sana ako ng makita kong hinawakan ng babae ang mukha ni bench at pinisil pa ang pisngi. Nailang naman na tuloy ako kaya imbes na lumapit ako napatalikod na lang ako kasi naisip ko kasalanan ko to eh.

Kung sana sinagot ko na sya noon nung nangliligaw sya di sana di sya naghanap ng iba.

Tatakbo na sana ako palayo sa kanilang dalawa napansin pala ako ng babaeng kausap ni bench at itinuro ako kay bench na papalayo na ako sa lugar na iyon.

"cas!! " tawag ni bench sakin.

Hihinto ba ako o aalis na ba ako.

Tuloy pa rin ako sa paglakad palayo sa kanila.

"cas!! Sandali lang san ka ba pupunta bat umalis ka? " tanong ni bench sakin.

"huh aahh eh wala. Baka kasi nakakaistorbo ako sa inyo ng jowa mo kaya alis na lang sana ako" sagot ko naman na kahit masakit sa dibdib eh pinilit ko pa ring itago.

"huh jowa sinung jowa? " takang tanong nya.

"yu-yung kausap mo kanina" medyo nauutal pa ako sabihin kasi nagseselos ako sa totoo lang.

"ay yun si mavhie hindi ko jowa yun friend ko yun". Paliwanag nya sakin.

"talaga nakita ko kasi hinawakan nya pisngi mo. " sagot kong may tila ba halong tampo.

"sus porke hinawakan sa pisngi jowa agad, eh may dumi mukha ko eh kaya pinunasan lang. Bat ka pala nandito? " tanong nya sakin.

"wala lang may gusto sana akong itanong sayo eh,kung ok lang? " sagot ko naman.

"anu yun? " tanong nya.

"hhhmm yung special offer mo sakin noon nakapromo pa ba? " pahapyaw ko sa kanya.

"anu yun sinasabi mong promo? " nagtatakang tanong nya sakin.

"aahh yung kung aantayin mo lang ako pag nagbago na isip ko? " nahihiya kong tanong sa kanya.

"aaahh yun sensya na cas hindi na eh! " sagot nya sakin.

"ganun ba? Sige aahh sensya na sa istorbo alis na ako". Matamlay kong sagot sa kanya.

Tumalikod na ako sa kanya hindi ko na inantay pa ang sasabihin nya kasi nangingilid na ang luha ko bukod sa napahiya na ako eh ang sakit sakit pala ng madisappoint.

Palayo na ako tuloy sa paglalakad. Paakyat na ako sa escalator papuntang bridge patungong worldwide ng may humatak sakin sa gilid ng escalator piniringan pa mga mata ko kaya di ko nakilala kung sinu.

Nagulat na lang ako ng halikan nya ko.

Sabay hawak sa pisngi ko at sabihin saking..

"sabi ko sayo andito lang ako pag nagbago isip mo. Tapos umalis ka agad di mo man lang inantay sasabihin ko,hindi na yun available kasi ipaglalaban na kita. Hindi na ako mag aantay pa baka maya balikan mo na naman sya eh. Hindi sya desserving sa isang gaya mo dapat sayo iniingatan at minamahal." paliwanag nya sakin.

"aaahhh bench nakakakilig naman yang sinasabi mo. Ang haba haba naman ng hair ko, i love you na bench... Mahal na pala kita at yun ang narealize ko kaya ako nakapagdesisyon na." sagot ko sa kanya sabay yakap at ako na ang humalik sa kanya..

"mahal naman na kita cas eh inaantay ko lang naman mabagok ka para makita mo yung totoong nagmamahak sayo." sagot nya sakin.

"i love you bench" bulong ko sa kanya.

"i love you more cassey!! " tugon nya sabay halik sa noo.

Ilang buwan na ang lumipas masaya ang naging relasyon namin ni bench patapos na rin ang contract ko at di na ako pinag renew ni bench kasi buntis na ako pinauwi na nya ako ng pinas at sya na lang daw ang magtatrabaho sa hongkong antayin ko na lang daw sya hanggang sa makaipon kami.

Sininop ko lahat ng padala nya kaya meron na kaming bigasan.

Malapit na rin syang umuwi para magkasama sama na kami sa pinas tulungan na lang kami sa maliit na negosyong aming nakayanan pag ipunan sa pagtatrabaho sa hongkong.

At namuhay kami na simple at sama sama ng aming mga anak.

Sana magsilbi silang inspirasyon satin na someday uuwi tayo na may kahit man lang maliit na pagkakakitaan na pede nating palaguin kasi di ba aminin masarap pa rin mamuhay sa pinas kasama ang pamilya at ang taong pinakamamahal natin.

At wala ng mas sasaya pa pag tinanggap ka ng lalakeng minahal mo.
Pag natanggap nya anu pa man ang nakaraan mo.

Thanks for reading hope you like it.

Thanks for reading hope you like it

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Bakit ang hirap kong mahalin? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon