Part 11

50 1 0
                                    


"musta ka na cas? " chat sakin ni bench

"ok na ako" reply ko naman sa kanya

"buti naman kung ganun.. Nga pala sa sunday sabay tayo off nood tayo sine sa cyber fort" aya ni bench

"wow sige gusto ko yan,anung movie? " excited na reply ko

"bakit ang hirap kong mahalin" sagot nya

He he he promote pa rin title.

"sige, gusto ko yan si amanda valdez ba bida jan? " tanong ko

"uu yung sa channel 9" reply naman ni arnold

"oh sya sige kita na lang tayo sa linggo, maglilinis muna ako ng kwarto ni amo." nagpaalam na ako baka di ko pa tapos trabaho ko masermunan pa ako ni madam.

"ok sige,mhuwah... " si bench at may kiss pa talaga

"mhuwah pa? " loko ko sa kanya

"bakit ayaw mo ba? " bilis bg reply

"bakit sinabi ko ba? " sagot ko naman agad

"hindi,yun naman pala eh wag ka na kumontra jan. Yaan mo na lang akong mahalin ka." si bench nagdadrama

"naku pass muna ako jan sa love na yan." sagot ko naman

"bakit naman,wag ka mag sawang magmahal cas kasi pag nagmamahal ka at nasaktan minsan dun mo makikita yung true love." si bench na akala mo eh si papa jack makapayo

"asus!!! San mo naman napulot yang hugot mo? " asar ko sa kanya

"totoo yun from the bottom of my heart." sagot naman ni bench

"hala sya ayan sige na nga maya na natin ituloy yang love love na yan linis na ako humahaba na usapan eh." putol ko na sa usapan namin.

"ok sige bye" sagot nya

Katatapos lang ng pinanuod naming movie kasalukuyang nililibot na lang namin ang cyber fort sa likod kasi nito ay may park naupo muna kami sa damuhan kain ng chips saka kwentuhan.

Ang saya ng mga oras na yun parang walang problema ine-enjoy nyo lang yung moments.

"cas kung ligawan ba kita sasagutin mo ako? Seryosong tanong ni bench sakin habang nakahiga sa damuhan at nakatingin sa mga mata ko.

"huh anu ba yang sinasabi mo kakabreak pa lang namin ni arnold saka friend lang turing ko sayo" nakakailang kong sagot sa kanya

"ganun ba sige na nga basta pag handa ka ng mahalin ako andito lang ako aaahh." sabi nya sakin

"mas mabuti na tong ganito tayo walang pressure di ba? " sagot ko naman

"ok sige sabi mo eh" tipid nyang sagot sakin.

Maka ilang buwan na rin ang lumipas paminsan minsan ko na lang naalala si arnold na gang naun eh wala pang paramdam ok na rin yun at least madali akong makaka move on sa isip ko.

"hello nak mag babakasyon si mama sa jan anu gusto mo pasalubong? " excited kong balita sa aking anak na miss na miss ko na talaga.

"chocolate.. Uwi ka na mama? " tanong sakin ng aking anak

"opo miss na yan ni mama eh" maluha luha kong sagot

"ok sige na ma,bakasyon ako jan sa sunod na linggo pero 10 days lang. Ok na rin ang importante makita ko anak ko kahit ilang araw lang miss ko na yan eh". Bilin ko sa mama ko

"ok sige nak antayin ka na lang ba namin oh sunduin ka pa sa airport? TAnong ng mama ko

"hindi na wala naman ako masyadong dala isang maleta lang hand carry. Saka kaya ko naman umuwing mag isa" sagot ko

"ok sige! " sabi ng mama ko

Nakalapag na ulit ako sa pinas parang kailan lang ang bilis ng panahon isang taon na pala akong nawala.

Parang ilang buwan lang ang lumipas eh.

"wow sarap nito sinigang na miss ko tong pagkaing pinoy" takam na takam ako sa mga luto ni mama

Pinagluto ako ni mama ng mga paborito ko alam nya kasing ngayon ang uwi ko kaya pinaghandaan nya ako.

"musta na anak ko? MAy pasalubong si mama sayo robot saka chocolate" excited kong yakap sa anak ko at iniabot ko sa kanya ang mga pasalubong ko.

"Oh eto ma para sa inyo tong mga damit na to tapos eto kay papa tong sapatos." habang kinakalkal ko ang mga pasalubong ko.

Nailigpit ko na rin mga kalat ko halos wala nang laman maleta ko kasi wala naman ako masyadong dalang damit kasi may mga damit pa naman akong naiwan sa bahay kaya di na ako masyadong nag dala ng damit ko mga pang alis lang kung sakaling papasyal kami ng anak ko.

Nailigpit ko na rin mga kalat ko halos wala nang laman maleta ko kasi wala naman ako masyadong dalang damit kasi may mga damit pa naman akong naiwan sa bahay kaya di na ako masyadong nag dala ng damit ko mga pang alis lang kung sakaling papasyal k...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ginala ko ang anak ko sa mall sa wonderland panay laro nya dun halos maka 500 pesos na sya ng token eh lahat halos sinakyan yung mga rides.

Kumain sa labas kasama sila mama at papa. Lahat yun ginawa namin at bonding kami ng anak ko..

Mabilis na natapos ang sampung araw nakakabitin ang bakasyon ko.

Paalaman na naman heto at naiiyak na naman ako kailangan ko na namang iwan ulit ang anak ko.

Hay konteng tiis lang magkakasama rin tayo nak mag iipon lang si mama kahit isang maliit na bigasan lang siguro ok na saming mag ina yun.

BAck to reality na naman kunyang na naman ako.

PAgod na pagod ako ngayong araw na to dami kasi linisin sa loob ba naman ng sampung araw na wala ako eh natambak na labahin nila pati plantsahin naku po ang tamad talaga nila.

"cas nakabalik ka na pala, musta sa pinas? " chat agad sakin ni bench kasi alam nya na pabalik na ako naun.

"ayun nakakamiss naman anak ko hay naku homesick attack na naman." reply ko.

"konteng tiis lang cas isipin mo na lang na para sa kanya naman yang ginagawa mo eh." payo ni bench

"uu lam ko naman yun eh nalulungkot lang ako kasi parang bitin tapos parang ayaw ko na nga sana bumalik kaso konteng ipon pa kailangan ko." malungkot kong tugon sa kanya.

"cheer up sa off punta tayong ocean park pasyal tayo! " yaya nya sakin.

"wow talaga? Kaso wala pa ako pera kauuwi ko lang di ba alam mo naman gastos sa pinas? " nalungkot ako bigla.

"wag ka mag alala sagot ko na entrance mo ako naman nag aya eh." bawi nya sakin

"talaga wow sige sige hindi pa ako nakakapuntang ocean park eh." excited kong sagot sa kanya.

Itutuloy.....






Bakit ang hirap kong mahalin? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon