"sobrang nag enjoy ako bench salamat" pasalamat ko kay bench sa pagtreat nya sakin sa ocean park.
"ala yun nu ka ba makita ko lang nag enjoy ka ok na ako." sagot naman nya.
Pauwi na kami nun pagtapos ng isang buong araw na pamamasyal. Kapagod pero sulit naman sa mga view at rides,kahit na takot ako sa cable car kasi may fear ako sa heights.
"ok sige cas bye ingat ka pag uwi huh? " paalam nya nang nasa mtr na kami.
"ok thank you ulit." paalam ko na rin kay bench.
NAkahiga na ako sa kwarto. Tingin sa phone sa fb,may message pala ako di ko napansin. Si arnold.
"cas bhe,miss na kita. " chat ni arnold sakin.
Di ko alam kung matutuwa ba ako o rereplyan ko ba kasi sa totoo lang masama pa rin loob ko sa kanya.
Arnold calling.....
Miss call.. Nakailang miss call na sya.
Sasagutin ko na ba?
Arnold calling...
Oh sige na sagutin ko na to."hello" casual kong sagot
"bhe sorry na narealize ko di ko pala kayang mawala ka please bumalik ka na sakin." pagsusumamo ni arnold sakin.
"hindi ko pa alam arnold kung kaya ko pang pagtiwalaan ka ulit eh sa lahat ng ginawa mo sakin masakit na lalo na pag paulit ulit yung balewala ka tapos maalala ka lang pag na bored sya.. Alam mo yung pakiramdam nun? " sagot ko naman.
"hindi na mauulit bhe promise mag babago na ako" makaawa nya sakin.
" ewan ko di ko alam" sagot ko
"sige na bhe please? " pilit nya ulit.
"bigyan mo lang ako ulit ng chance please mag babago na ako promise". Promise pa nya.
"ok sige subukan ko" sagot ko sa kanya.
Gusto ko lang kasing siguraduhin kung may nararamdaman pa ba ako sa kanya kung ganun pa rin ba. Uu sige na tanga na kung tanga eh masama bang sumubok ulit at magbigay ng chance,malay nyo naman di ba magbago pa sya. Linya ng mga tanga sa pag ibig.
Off na naman nagkita kami ni arnold kumain nood sine. Pasyal ikot ikot check in.
Check in...!!!!
Uu check in nga syempre namiss namin ang isat isa di ba pero wag na nating idetalye kasi di na sya sing sarap gaya ng unang motmot..
Parang iba na feeling di ko alam kung nakukulangan na ba ako oh anu pero habang ginagawa namin yun para namang iba na ang nasa isip ko,
Si bench...Uu si bench ang naiisip ko.
Hindi ko rin maintindihan pero bakit si bench pumasok sa isip ko?. Hindi kaya inlove na ako kay bench at di ko lang maamin sa takot ko na baka masaktan ulit ako.Hay naku tama na pantasya kay bench.
"bye bhe" paalam nya nung nasa mtr na kami.
"bye" paalam ko na rin sabay kiss sa lips pasok sa mtr.
Naiisip ko bakit ganito na pakiramdam ko kay arnold parang iba na. BAka naninibago lang ako kasi medyo matagal tagal rin kaming di nagkita eh.
Baka bumalik din ulit yung feelings antayin ko na lang muna baka nalilito lang ako sa nararamdaman ko."cas musta bakit di ka yata nag paparamdam aahhh." si bench
Kinabahan ako bigla sa message nya na may halong kilig.
Bakit ganun..
" hi bench musta na? " reply ko.
"ok lang namiss kita" sagot nya
"hhmm nagkabalikan na kami ni arnold" balita ko sa kanya.
"ganun ba? MAhal mo pa rin ba sya? " matamlay nyang tanong na ramdam mo kahit di mo nakikita ang itsura nya.
"huh uu naman." alanganin kong sagot kasi kahit ako di ko rin matiyak sa sarili ko kung mahal ko pa ba talaga sya.
"ganun ok sige cas kung san ka masaya masaya na rin ako para sayo.sige na huh may gagawin pa kasi ko". Tila iwas nya sakin.
"ok sige" yun na lang nasagot ko kasi ramdam ko naman na nasasaktan sya anu ba ginagawa ko sa lalakeng wala namang ibang ginawa kundi pasayahin lang ako.
Tapos eto ako balik sa lalakeng hindi ko alam kung sex lang habol sakin.
Samantalang si bench anjan kahit walang kapalit.Naka 2 months na rin nakalipas di na nagparamdam pa sakin si bench.
Hindi ko na rin sya nakikitang mag cocomment ng kakulitan sa HKC.Namimiss ko na sya sa totoo lang.
Samantalang eto si arnold kasama ko na naman pero parang wala ka ring kasama kasi panay cellphone tapos pag may dumadaan na mga kita dibdib o kita singit panay lingon naman na nangingiti pa ang impakto parang hinuhubaran na lahat ng babaeng dumadaan.
"arnold, ayoko na." bigla kong nabigkas.
"bakit busog ka na ba? "takang tanong nya sakin kasi di ko pa nagagalaw yung pagkain habang andun kami sa loob ng yoshinoya.
"hindi naman to tinutukoy ko" sagot ko.
"eh anu? " takang tanong nya sakin.
"gusto ko na makipag break sayo" nasabi ko rin.
"bakit may iba ka na noh?" galit na sagot nya.
"hindi ko namaramdam na mahal pa kita gaya ng dati." mahina kong sagot sa kanya.
"bakit sinu ba kapalit ko huh at magkaganyan ka. Pasalamat ka pa nga binalikan pa kita eh tapos ngayon makikipag hiwalay ka ayos ka rin eh noh! " galit nyang sabi sakin
"kita mo kaya ayoko ng mahalin ka pa eh kasi parang utang na loob ko sayong maging syota mo.!! " di na ako nakapagtimpi kaya nasagot ko na rin sya.
"lahat naman ginagawa ko para sayo eh pero bakit di ko maramdaman sayong minahal ako bakit para sayo parang ang HIRAP KONG MAHALIN alam mo bang nawalan ako ng tiwala sa sarili ko simula ng mahalin kita kasi di mo maiparamdam sakin may halaga ako na maganda ako kasi sa tuwing kasama kita sa iba nakatingin ang mga mata mo kung hindi sa phone mo sa mga babaeng dumadaan nakahawak ka nga sa kamay ko pero di mo ako matignan ng may pagmamahal,sinubukan kong intindihin yun pero ngayon narealize ko hindi naman pala talaga ako mahirap mahalin eh mali lang yung taong minahal ko." ayun sumabog na ako.
"bahala ka siguro kasi may iba ka lang kaya ka nagkaganyan." sisi nya sakin.
"so ako pa rin pala ang may kasalanan dito ako pa rin pala ang may problema dito".. NAiiyak kong sagot sa kanya.
TO be continue.. Patapos na po sya konte na lang work muna ako may bago na po akong isusulat para sa mga kabet. SAna magustuhan nyo.
BINABASA MO ANG
Bakit ang hirap kong mahalin?
Historia CortaKwento ng isang dalagang ina na umaasang may magmamahal pa sa kanya someday.. From ofw in hongkong