"ok sige add kita" reply ko naman sa kanya
View profile bloody hell
Eto na nga sya ayun add friend.."ok na add na kita,sige na mya na lang ulit work work na muna ko... " sent message ko sa kanya..
"ok thanx sa add! " reply nya
At tinapos ko na ang usapan sa isang malaking like 👍
Tinuloy ko na mga gawain ko kailangan ko tong tapusin bago pa mag siuwi mga amo ko.
Holiday na naman nakipag meet up sakin si bloody kahit na sinabi ko pa sa kanyang kasama ko jowa kong si arnold..
Ok lang naman daw sa kanya ng makilala rin naman daw nya ang maswerteng lalaki ng buhay ko..
Peir 10 sya nakipag kita kasi dun naman tambayan ng mga connect alam ko din naman yung pier 10 kahit sa totoo lang eh di pa ako nakakatambay dun kasama ang HKC..
"hi,bloody right? Am cassey to nga pala jowa ko si arnold.. "
"hi cassey ang ganda mo pala sa personal din noh..? "walang prenong sabi ni bloody kahit na alam naman nyang kasama ko si arnold.
"nice to meet you pare.. "baling naman nya kay arnold
"nice to meet you too.. " tipid na reply ni arnold
Napatingin na lang tuloy sakin si arnold na tila ba nag tatanong ang mga mata nyang sinu ba yan ang angas pero di lang masabi dahil ayaw rin naman nyang makabastos.
"so san nga pala kayo tatambay? " tanong ulit ni blood
"aaahh actually dumaan lang talaga kami dito kasi gusto ko rin makita ang tambayan ng connect,pero yung mga friend ko andun sa worldwide inaantay kami iinom kasi kami sa ale ale.." sabi ko naman
"hindi man lang ba muna kayo tatambay dito maya dadating na ibang mga members para naman makilala mo rin sila.. " pilit ni blood sakin
"hindi na siguro next time na lang kasi mga friend namin kanina pa mag aantay eh,sige aahh nice meeting you ulit blood,blood ba talaga pangalan mo yung totoo kasi di ka mukhang vampire eh.. "biro ko sa kanya
"hindi screen name ko lang yun bench talaga totoo kong name. " paliwanag ni blood bench pala real name
"aaahh sige bench maganda naman name mo bat pinalitan mo pa..sige na una na kami aaahh" nag paalam na ako
Kasi nakasimangot na si arnold na parang o.p na o.p na talaga panay text na nga lang sa cellphone ang ginagawa eh na para bang sya ay may sariling mundo.
"sige pre!! " paalam ni bench kay arnold
Pero hindi naman sya kinausap nito tinanguan lang sya sabay akbay na sakin at inalis na ako sa lugar na yun kinawayan ko na lang si bench senyas na una na kami..
Lumakad na kami paakyat sa escalator patungong tulay sa ifc papuntang worldwide kasi andun na rin mga friend ko nag aantay na rin..
"bat ngayon lang kayo? Tanong ni bryan..
"eto si cas tanungin mo nakipag kita pa dun sa kachat mate nya buti na lang sinamahan ko ang angas angas naman ng bench na yun pa blood blood pang nalalaman eh mukha namang walang dugo.. " si arnold na di maitago ang inis kay bench or blood isang tao lang naman
Nasabi nyang walang dugo kasi maputi etong si bench maganda ang kanyang kutis akala mo nga eh chinese din..
"sus selos ka naman jan sinabihan lang akong maganda eh selos ka agad!! " pang aasar ko kay arnold
"sus ako magseselos dun di hamak na mas gwapo naman ako dub noh.. Saka sinabihan ka lang maganda naniwala ka naman agad niloloko ka lang nun noh.. " ganti naman nya sakin
At ako na ang napikon..
"ganun so panget ako sa paningin mo huh? Ganun ba yun? Hindi ko nga narinig sayong sinabi mong maganda ako eh hindi mo nga rin nilalike yung mga profile pics ko kaya pala kasi di ka nagagandahan sakin samantalang yunv ibang babae pinupusuan mo pa!! "pikon na sagot ko
at talagang napikon na ako ng tuloy mag wo-walk out na sana ako kaso mabilis nyang nahatak braso ko kaya napatumba ako pabalik sa dibdib nya sabay yakap sakin.
"pikon ka noh dito ka lang!! " sabi ni arnold
"kita mo mang aasar ka pero ikaw din naman pikon niloloko ka lang eh dami mo na sinabi tara na nga inom mo yan.. "si arnold pa rin na pinisil pa ang ilong kong oily ba naman sa init eh..
"ha ha ha pikon talaga yan si cas pero sya malakas rin mang asar.. " sulsol pa ni bryan
"tara na tawid na tayo bago pa kayo mag kapikunan jan. " yaya naman ni joyce
At tumawid na kami sa hindi tawiran na lage naman naming ginagawa papunta sa ale ale wag lang matiyempuhan na may mabilis na sasakyan at kung hindi ay matsutsugi ka.
To be continued... Work muna ulit
BINABASA MO ANG
Bakit ang hirap kong mahalin?
Short StoryKwento ng isang dalagang ina na umaasang may magmamahal pa sa kanya someday.. From ofw in hongkong