@lady_phoenix thanks ulit sa pag add! ^^ sana ay magustuhan mo ito... :))
Em-Em's POV:
Sumaglit lang kami sa hotel ni Gab para kunin ang mga gamit namin, malapit na rin kami sa bahay ngayon,bahay nina Gab... pwede ko na ring sabihing bahay namin hehe. Buong byahe namin wala siyang kibo huh, naku bipolar ba itong tao na toh? Nakakatakot tuloy eh,tsk.
Medyo talagang super lapit na namin biglang may tumawag na naman sa cellphone niya, syempre bago yun dahil nasira nga yung isa diba? Or sinira niya.
"Hello nak, where are you na?", boses ni mommy yun :DD
"Malapit na po, bayan na po kami ng Calumpit"
"ganun ba? Ahm anak, wag muna kayo umuwi..." wag? bakit kaya?
"bakit po?" with matching buntong hininga.
"ang daming media dito eh,hinahanap si Emarie" , Emarie talaga eh -.- .
"ah sige po... bye", baba ng phone, tas iniba niya yung way.
"Oh san tayo pupunta?"
"Sa hotel muna tayo ulit ngayon matutulog", hotel na naman???!!! tapos pagtatangkaan na naman niya ako dun???!!! ay ayoko na noh!!! x(((
"duuuh... ayoko nga!!"
"at bakit may angal? at duuuh ka ng duuuh nahahawa tuloy ako sayo sa lahat naman ng tomboy ikaw lang ang maarteng duuh ng duuh!"
"Umuwi na tayo! Hinahanap nila ako... sa tingin mo titigilan nila ko? kung kailangan ko mag explain mag eexplain ako sa kanila, niloko ko sila kaya malamang eh huhuntingin nila ako."
"Hay naku... wala ka na magagawa!"
"Ano ka ba?! Mas matindi pa nga sasapitin ko sa school eh... kung ayaw mo ako ibaba bababa ako dito kahit di mo ihinto, sige ka... madidisgrasya ako, mabubundol, masasagasaan, maghihingalo, mamamatay, ilalamay,ililibing--"
ENNNNNGGGGGKKK!
aray huh, sakit nun, bigla ba namang nag U-turn ng abno???!!! Pag eto eh nahuli ng mga alagad eh, naku kakalimutan kong ikinasal kami 2 days ago.
"Kita mo nga? Papayag karin pala, binubwiset mo pa ako."
"Eh ang dada mo eh. Di ko nga alam bakit inis na inis ka kay Jean eh ikaw mismo eh ang Dada." nye nye nye nye nye... kdot.
-------------------------------
Nakakabingi ang mga katok ng media, bakit ba sobra sila sa ginagawa nila sa akin? Grabeng isyu ba ito?? O wala lang talaga silang maikuwento? Hay naku.
"Emem aka Emem Milagrosa, totoo ba ang mga bali-balita na--"
"Em, alam mo ba kung ano na ang mga sinasabi ng tao sa'yo?"
"Iha, may fb page ka na... pero hindi na siya fan page anti--"
"Isara na nga natin yan!", sinara ni Gab yung window ng sasakyan niya, grabe sila...
"Hay naku Gab, hindi sila titigil noh, ibukas mo na yan"
"Tara na.", ok, wala na makakapigil sa akin, kailangan ko nang tapusin ito, binuksan ko na lang yung pinto at lumabas.
As expected(naks), pinagkaguluhan ako ng mga media, siguro mga 15 sila, lahat sinagot ko, lahat nagsorry ako. Akala ko ba patas sila... walang kinikilingan pero grabe, parang lalamunin nila ako ng buhay, panay sabi sila na niloko ko sila na sinayang ko ang oras nila sa kasinungalingan haaay...
"Naku iha, sayang ang pagod... ang lahat--"
"Sinungaling! ginamit mo pa ang pangalan ng --"
![](https://img.wattpad.com/cover/663594-288-k427921.jpg)
BINABASA MO ANG
Buntis Ako... Sino ang Ina??!!!
HumorSi Princess Emarie Munoz o si Emem. 4 years na siyang may pagka pusong lalake, nagsimula ang lahat noong 1st year college sila, pagkatapos niyang masaktan. Paano kung magbalik ang taong kinamumuhian niya at sabihin sa kanya na... Buntis Ka Nga... A...