Chapter 18: Abssss... @.@

3.2K 40 14
                                    



@ehzekiel_kharl thank you at nagustuhan mo ang story na ito :))

---------------------------------------------------------

EmEm's POV:

Kakauwi ko lang galing school, last day ng intrams ngayon, friday... bale nung first day at last day lang ako pumasok. 3:00 pa lang at may gusto sana akong hilingin kay asungot ngayon, pagbibigyan niya kaya ako? Pero siguro naman.

"Gab.", nagtetext na naman siya.

"Oh, nandito ka na?"

"Ay hindi wala pa ako dito, joke lang ako, imagination ba. Maya-maya nga magugunaw na ko sa paningin mo eh."

"Hmm, aga mo"

"Ay hindi hapon na noh"

"Hulog kaya kita sa pool?"

"~.~"

"Joke lang, bakit ba ngiting ngiti ka? Nahawa ka na kay Poknat noh?"

"Duuh, hindi naman, may sasabihin sana ako sa'yo eh ^.^"

"Ano?"

"Kasi total friday ngayon, walang pasok bukas at sa linggo, baka pwedeng..."

"Di pwede"

"Huh? Gara naman eh -.-", hindi pa alam di na pwede? Naglakad na lang ako papunta sana sa loob ng bahay.

"Hello Paco? Pakihanda yung kotse aalis kami ni Yucky, pupunta kami sa bahay nila.", 0.o bumalik ako.

"Eh gusto ko sana magovernight tayo ng 2 days"

"Paco", sa phone pa rin "Pakikuha yung mga nakaimpake na bahage sa kusina,pakilagay sa car, thank you."

"0.0"

"Ikaw, di ka na magbibihis?", tumayo na siya, aba! ngayon ko lang napansin eh nakapang-alis na pala.

----------------------

"Ano'ng naisipan mo?"

"Huh?"

"Sabi ko, bakit parang mas excited ka pa sa'kin? Nagulat kasi ako eh, akalain mo... nakaempake ka na pala?"

"Ala, isusurprise sana kita eh"

"Ganun? Wehhh?"

"Ok, joke lang yun, happy?"

"Sungit?"

"Kulit mo eh, gusto mo bumalik?"

"Hindi ah, miss ko na sila eh, hmm, ano yan?", napansin ko yung peklat niya sa noo, ngayon ko lang napansin, hinawi niya kasi yung bangs niya.

"Ah, peklat"

"Duuuh, i know right--"

"Wow! uma-IKR ka na ha.. haha"

"Di pa ako tapos sumisingit ka na sa pagsasalita."

"Eto na tayo... katok ka na"

Bumaba na kami ng kotse at kumatok, hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko ngayon, sobrang miss na miss ko na sila.

"Inay!!!", sobrang yakap ako kay inay pagbukas niya ng pinto, ganun rin siya at umiiyak na rin ako, hmm, ano kaya ang iniisip ni asungot ngayon?

"Em? Anak! Ikaw pala yan", ayan, group hug na kami!

"Ah nay, tay, kasama ko nga po pala si Gab", bumitaw na ako tapos pinakita ko si Gab, nagmano siya.

"Gab? Gab lang? Ang sweet niyo naman anak"

Buntis Ako... Sino ang Ina??!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon