trehdyks_15 thanks sa pagaantay :))
================================================
Gab's POV:
"Emarie?", wala na siya pagdilat ko. Tumingin ako sa paligid pero ako lang naman ang mag-isa. "EMARIE!"
Bakit ganito ang pakiramdam ko? Ang bigat. Ano na ba'ng nangyayari sa amin? Wala siya sa baba, malamang nasa labas siya. Niloloko niya lang ba ako o seryoso na ito?
Hinanap ko siya sa labas, lahat ng kotseng makita ko sinilip ko pero wala siya.
"Emarieeee!"... nasaan siya? Saan siya pwedeng pumunta? Ano bang laro toh? Laro nga ba?
"Tao po...", kumakatok ako kina itay, nakalimutan ko, may doorbell nga pala sila kaya pinindot ko yun nung walang nagbubukas ng gate.
"Oh iho! Kamusta?!", nakangiti pa si inay nang sumalubong sa akin, at nakikita ko na parang sumisilip siya sa bandang likod ko.
"Si... si Emarie po? Nandiyan po ba siya?"
"Wala si Em? Hindi mo siya kasama?"
"Ah,hindi po, sige po mauna na po ako.", nagmano ako at nagmadaling sumakay ng kotse... naririnig ko pang sumisigaw ng 'sandali' si inay pero di ko na pinansin.
Pag-uwi ko sa bahay, hindi ko na inexpect na maaabutan ko pa siya, pero ang mas di ko inexpect eh nung si Hummer lang ang sumalubong sa akin. Parang litong-lito siya sa mga pangyayari.
"Sir Gab, wala sila dito... wala na sila."
"Sinong sila?"
"Sina Poknat pati si Paco, nakita ko naghahakot sila ng gamit ni ma'am Em."
"Mga gamit ni baby?"
"Hindi po nila kinuha, wala nang natirang gamit ni ma'am eh, nasaan na po ba siya?--"
Hindi ko na pinakinggan yung sumunod niyang sinabi, basta ang intindi ko parang iniisip niya na ninakaw nina Poknat yung gamit ni Em. Pumunta ako sa kwarto namin at binuksan ang cabinet, wala silang tinira kahit isang hikaw.
Napasandal na lang ako sa pader at napapikit. Ang bilis ng mga pangyayari, kanina lang kasama ko siya, she even kissed me, then suddenly eto na.
"Hummer, saan sila nagpunta?"
"Ayaw nila akong sagutin."
"Ano pang nakita mo?"
"May... may sumundo sa kanila, kotse, maroon."
"Kotseng maroon?...", walangya! Sinasabi ko na eh! It was him! Walangya ka Felix, humanda ka kapag may mangyaring masama sa mag-ina ko.
Parang kidnapping na yung ginagawa niya ha? Ano bang pwede kong ikaso sa kanya?
Umalis na muna ako ng bahay. Bwisit! Kung alam ko lang na ganito pala sana di na lang ako pumikit kanina, o kaya sinabi ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal, baka kung ginawa ko yun, nagbago yung isip niya. Ang tan*a mo Gab! Pinakawalan mo siya. Pero ano ba ang nagawa ko? Bakit niya ako iniwan?
"Dad.", sinalubong niya ako sa salas nila.
"Gab, ano? bakit bigla ka naparito? may nangyari ba? Si Em?"
"Siya nga yung dahilan kung bakit ako napunta dito dad wa--"
"Wait, siya nga pala, ano ba nangyayari sa asawa mo? Alam mo ba ang ginawa niya kay tita Chanda mo kanina? Binuhusan niya ng pagkain at tubig..."
"Wh-what?", I can't imagine it.
"Gab, good thing you're here!", nagfafade in na boses ni mommy ang narinig ko, may kausap siya sa phone and she seems so happy.
BINABASA MO ANG
Buntis Ako... Sino ang Ina??!!!
HumorSi Princess Emarie Munoz o si Emem. 4 years na siyang may pagka pusong lalake, nagsimula ang lahat noong 1st year college sila, pagkatapos niyang masaktan. Paano kung magbalik ang taong kinamumuhian niya at sabihin sa kanya na... Buntis Ka Nga... A...