Chapter 39: Joke?

1.6K 28 7
                                    

@mydamnstories hi! thanks sa pagbasa... eto na po ung UD :))) you caught my attention kasi nagvote at inadd mo yung 50(One-Shot) ko... nagulat lng ako kasi may nagbabasa pala nun hahaha. :))) thanks ulit.

============================================================

EmEm's POV:

Maghapon na akong nakababad sa TV ha! Bat ba ayaw ulit i commercial yung presscon nina Gab? Eto naman kasi si Paco eh pa suspense pa!

*Araaay araaay nakuuuu... kay sakit naman ng ginawa mo....*

Lanya talaga si Paco! Sabi na eh kaya hiniram yung phone ko kahapon! Pinalitan na naman yung ringtone! Dati yung Isang Linggong Pag-Ibig tapos yung Di Ko Kayang Tanggapin! >.<

Oh, si Felix pala toh ah... bakit kaya?

"Hello Felix? Ok lang ako dito... napatawag ka?"

"Heard the news?"

"Isa ka pa eh! News news ka rin eh! Ano bang news yan?! Baka magpabitin ka rin ha!"

"You'll be shocked!"

"Eh ano nga ba kasi yun?"

"Gab and Aubrey are getting married..." , joke ba toh?

Jean's POV:

Kapagod lang! Ang sarap sa feeling ng may boyfriend, kaya kung ako sa inyo magjowabels na kayo hanggat maaga para forever masarap sa feeling! Hahaha... joke lang ha... wait for the right time mga iho mga iha.

Ayun nga... kakagaling ko lang mula sa date namin ni papa Jackson ko. Kumain na kami ng dinner kaya dumeretcho na ako sa room ko, naligo and nanuod ng TV.

"I have an announcement. Hindi lang ito renewal ng contract ng mga company namin... but this is anannouncement for engagement of my daughter Aubrey and the heir of GAB Gabriel... in that way mas mapapadali na ang connections namin. Matagal na po silang nagmamahalan."

*drop jaw*

joke ba to?

Gab's POV:

Bwiset na buhay toh! Walangya talaga sila eh!!! Lalo na tong si Aubrey!!! At kalahating dimonyo din talaga ang amain niya eh.

After ng announcement niya. Umalis na siya dala yung contract namin. Ganun ba yun? Pwede ba yun? Sinundan ko siya sa office niya.

"Tito?! What was that? Joke ba yun?"

"Bakit iho? May problema ba??"

"Opo! Bakit niyo sinabi yun sa media?!!! Alam niyo ba yung trouble na ginawa niyo?"

"Look at this paper.", pinakita niya yung contract namin na walang pirma niya.

"Blackmail ba yan?!!"

"No iho, gusto ko lang magkasundo tayo... pakasalan mo ang anak ko... pipirmahan mo to."

"Kahit ano pa yan... blackmail na yan eh!"

"Simple lang naman ang hinihingi ko ha... just be... selfless Gab. Isipin mo ang family mo."

"Kaya namin toh, kaya namin kahit wala--"

"No Gab... you can't! Do you think your company can stand without us? No...", so biglang sumingit si Aubrey sa usapan...

So kanina pa siya nasa tapat ng pinto at pinakikinggan kami? Pauso ba talaga nila ni tita Chanda na biglang sisingit sa usapan kapag gusto na nilang mang-insulto???

"Ano?! Ikaw babae ka walang hiya ka talaga!"

"Hoy iho! Remember! I am here... her father!"

"Hayaan mo siya dad. Kahit ano naman ang gawin niya eh engaged na kami!"

"Alam ng lahat na nasa States si Emarie para dun manganak!"

"It's time para malaman nila yung truth Gab! Let go of that feelings! Let go of her! You don't need her anymore! Iniwan ka na nga niya eh!"

"Desperada ka na nga!"

"Just marry me Gab... that's all I wanted!"

"Kasal pa kami ni Emarie! Alam mo naman yun diba?!"

"Pwede naman yun eh... Gab! Please! Madami naman akong kilala na kahit may asawa pa nagpapakasal na!", she must be crazy...

Ano'ng gagawin ko? Grrr... pano ko ngayon tatakasan toh? Nalaman na ni mommy yung news na toh kahit na nasa hospital siya. Nasa bahay ako ngayon, bahay nina daddy... kelangan ko gumawa ng paraan. Ayokong makasal kay Aubrey!

Kinabukasan tinawagan ko si Jeanie para may kausap naman ako. Nagkasundo kami sa tingin namin na baliw na talaga si Aubrey. I mean hating aside... she must be really suffering from stress and depression.

"Alam mo Gabby, intindihin na lang natin siya... wala naman siyang perfect family... wala siyang true friends, she must be really sad. Baka talaga madami nang bumubulong sa isipin niya kaya ganun..."

"Naisip ko nga rin yan eh.", kaya ayun nga... eh... basta yun na yun.

*pot pot! pot pot!*

Grabe namang maka busina yun! Sino ba yun?

Sinilip ko sa gate kung kaninong kotse yun at nakita ko... yung kotse ni Felix!!! Walangyang lalake!!! kapal talaga ng panga nito eh! Hindi ko pinagbuksan kaya nagulat ako nang bumisina ng isang mahaba...

*POOOOOOOOOOOOOOOT!!!!*

Para bang pinagkakalandakang... 'Hoy! May kotse ako! Pagbuksan niyo ako...'

Kaya ayun at nilabas ko siya. Pasugod ako syempre. Siya naman, lumabas ng kotse niya, aba at nakashades pa! Maaraw ba sa loob ng kotse niya?!!!

"HOY FELIX PAULINO!", yun na nga eh, susuntukin ko na siya eh... bigla siyang nagsalita...



























"Sige! Ipakita mo sa asawa mo ang pagiging basagulero mo! Ipakita mo kung paano mo ako suntukin!"

Pagtingin ko sa kotse... yun na nga...

==================================================

eto na... 2 yung nagawa ko kagabi... :)) mamaya ko upload yung kasunod ;))

vote/comments are appreciated!

Buntis Ako... Sino ang Ina??!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon