Interview with John Drei Hong
Pinky: Magandang araw. Iniisa isa ko talaga ang Tigers para maiba naman. Sumasakit talaga ang ulo ko kapag magkakasama sila, e. Bukod sa hindi naman talaga sila mga gwapo, ang gugulo pa nila. Pasalamat lang talaga sila may ABS sila. Hihi.
Drei: Dyosa, game na. Dami pang sinasabi.
Pinky: Excited lang? Rush hour ka?
Drei: Hindi dyosa. Aba, aalagaan ko pa ang anak ko!
Pinky: Ayan na nga ba tayo sa usapang anak, e. Mga binatang ama. Lalandi kasi, e.Drei: Simulan mo na dyosa. Ano bang mga tanong? Multiple choice ba 'yan o enumeration?
Pinky: *poker face*
Drei: Joke lang! Iba talaga kapag tatay na. Para akong laging nagmamadali.Pinky: Dahil nagmamadali ka, sige. Tapos na ang interview.
Drei: What the fu---paya. Papaya, dyosa. Hehe.
Pinky: Unang tanong. Tao ka ba?
Drei: *poker face*
Pinky: Sareh! Okay. So eto na seryoso.
Drei: Ano na dyosa? Kinakabahan ako.(Ang baklaaa!)
Drei: Halikan ko kaya kayo? Sabihan niyo pa akong bakla, hahalikan ko talaga kayo diyan.
(Bakla ka! Baklaaaa!)
Drei: *pokerface*
Pinky: Magsimula na nga. Ang dami pang segway, e.
Drei: Game.
Pinky: Single ka ba ngayon?
Drei: Single dad.(Woooo! Ako nalang ang nanay ng anak mo!)
Pinky: *napapailing*
Drei: Thanks, fans!
Pinky: So totoo ang tsismis na may anak ka na?
Drei: Oo. Wala akong dahilan para i-deny iyon. May anak na ako. Tatay na ako. Kaya niyo pa rin ba akong mahalin?(Yes! Yessss!)
Pinky: Ano ang pangalan ng anak mo?
Drei: Drake Sen Hong
Pinky: So ang full name niya is Drake Sen? Bakit Sen? Senator ganern?
Drei: *pokerface*
Pinky: Ano nga?
Drei: Nanay niya ang nagbigay ng pangalan sa kaniya.
Pinky: Sinong bang nanay niya?
Drei: *tumikhim* secret walang clue
Pinky: Seriously?
Drei: Hindi pwede. Sa takdang araw malalaman din nila.
Pinky: Eto nalang, sa iyo ba lumaki si Drake? Ikaw ba ang nag-alaga at paano siya napunta sa 'yo?(Silence...)
Drei: Pinuntahan ako ng nanay niya at sinabing buntis siya. Pero hindi ko siya pinanagutan.
(OMG.)
Pinky: Iresponsable!
Drei: Nagsisi naman ako. Tch.(Silence again...)
Drei: Hindi basta bastang babae ang nanay ng anak ko. Palaban 'yon. Tch. Dahil hindi ko nga pinanagutan. Noong una akala ko, nawala na siya kaso pagkatapos niyang manganak..."
(Suspense music)
Pinky: Ano? Pagkatapos niyang manganak?
Drei: Lumabas na ang baby.
Pinky: *pokerface*
Drei: Seryoso na! Pagkatapos niyang manganak, umalis siya. Lumayo at iniwan nalang basta ang baby namin sa hospital. Wala akong choice kung hindi kunin iyon. Syempre anak ko 'yon.(Aww...)
Pinky: So ibig sabihin, andon ka nung ipinanganak si Drake?
Drei: Yeah. Tinawagan ako ng kaibigan ng nanay ni Drake na manganganak na daw. Kaya ako, nagmadaling pumunta sa hospital pero ang naabutan ko nalang, iyong anak namin. Wala na siya. Hindi ko na siya makontak no'n pati 'yong kaibigan niya.Pinky: Kasalanan mo naman kasi. May reason naman siguro 'yong babae kaya siya umalis at iniwan ang baby niyo.
Drei: Pero mali pa din 'yon. Mahirap magpalaki ng baby lalo na kung wala namang gatas na lumalabas sa akin. Tch."(Wahahahahaha!)
Pinky: Pwede namang feeding bottle. *pokerface*
Drei: Basta mahirap. Naranasan kong magpalit ng pampers, mapuyat sa gabi at magpatahan ng baby. Tangina para akong sumugod sa gyera.
Pinky: Nagsisisi ka ba?(Silence...)
Drei: Noong una galit ako. Kasi nawala ang pagkabuhay binata ko. Kailangan kong maging full time daddy sa anak ko. Kaya naman minsan, hindi ko maiwasang murahin ang nanay niya sa isip ko. Pero kapag tinitingnan ko ang anak ko, doon ko nare-realize na masarap maging ama.
Pinky: So touching.
Drei: Habang lumalaki siya, doon ko nakikita na kamukha ko siya at lumaking gwapo.
Pinky: Oo nalang.
Drei: Pero ang masaklap nito...(Thrilling music..)
Drei: habang lumalaki siya, nagiging manyak at playboy. Tungunu hindi ko alam kung saan siya nagmana. Siguro dahil no'ng baby siya, lagi kong dinadala sa bahay ni Ken kasi may baby din siya noon, kaya pinaglalaro namin lagi ang mga anak namin. Puta.
(Hahahahah!)
Pinky: So pareho pala kayo ng kapalaran ni Ken.
Drei: Oo nga, e. Nauna lang ang sa akin ng ilang buwan tapos ayon dumating 'yung anak niyang nasa planggana. Wahaha!
Pinky: Sa tingin mo, saan nagmana ang anak mo?
Drei: Hindi ko nga alam. Baka kay Ken. Nakakapagtaka. Napaka-inosente ng anak niya. Minsan nga naiisip ko baka nagkapalit kami ng anak.(Hahahaha!)
Pinky: Hala! Baka nagkapalit nga kayo!
Drei: Hindi. Kamukhang kamukha ko ang anak ko, e. Kaya malabo. Sa panget na 'yon ni Ken. Tch. Sigurado nga akong napakaganda ng nanay ng anak niya kaya gwapo. Sigurado akong hindi sa kaniya nagmana.
Pinky: At least naman, graduate na kayo sa Malandi University at ngayon, may responsibilidad na kayo.
Drei: Oo nga dyosa, e.
Pinky: Nasaan pala ang anak mo ngayon?
Drei: Iniwan ko muna kay Ken. Kalaro ang anak niya at anak ni Palermo. Tungunu nagkasabay sabay pa kaming maging ama. Batang ama amputa!(Wahahaha!)
Pinky: Pero masaya ka naman?
Drei: Sobra dyosa.
Pinky: Wala na akong matanong. Tapusin na natin ang interview na 'to. Gusto ko lang naman i-confirm kung totoong tatay ka na.
Drei: Oo nga. Kailangan ko na ding sunduin ang anak ko doon kina Sarmiento. Baka kung ano ano na natututunan noon doon.
Pinky: Last, your message to your son?(Silence..)
Drei: Isa lang ang masasabi ko. Drake Sen Hong. Tungunu tigilan mo ang pagkahilig sa boobs. Ipapaampon talaga kita. Tch.
(Wahahahaha)
Pinky: Dito nagtatapos ang interview kay Hong! Ngayon, malinaw na. May anak na siya! At tatay na siya. Sa susunod, interview with Kenshin and Drake! Abangan.
(Close curtains)