10

7.1K 199 2
                                    


Agad akong nagbihis....

Lumabas ako ng mansyon at sumakay kaagad sa Kotse ko...

Ng maistart ko ang makina nya ay pinainit ko muna bago ko pinaharurot ng mabilis..

Pupunta ako sa opisina at magrereport muna kay General para alam ko ang mga hakbang na gagawin ko

3rd person

"Gentlemen nalaman na ni Agent Nerd" banggit ni General

"Bakit di ba sya nakaenkwentro nung unang gabi nya doon?? " nagtatakang tanong ni Agent Jack..

"Anong ibig nyong sabihin?? " tanong ng galit na kararating na si Agent Nerd

Napabuga naman ng hangin ang ibang agent..

Walang nagsalita...

Lahat ay natahimik .. Batid nilang galit ito...

"Ano magsasalita kayo o isa isahin ko kayong babalian ng buto?? "

"Ah.. Eh... Ka.. Kasii... Agent N. Nerd.. " nauutal na si Agent Cross

"Didiretsuhin mong magsalita o puputulan kita ng dila ?? " galit na galit na ito...

Natakot naman silang lahat... Ngayon lang kasi nilang nakitang ganito kagalit si Agent Nerd na mas nakakatakot pa kaysa sa General nila..

Parang anumang segundo o maling salita o galaw ay talagang babalian nya ng mga buto ang. Mga kasamahan nya...

"Kumalma ka muna Agent Nerd " mahinahong sabi naman ni General

"Kalma?? Paano ako kakalma General??? Paano ?? Kung sa umpisa pa lang ay alam nyo na pala lahat .. At dahil sa hindi nyo pagsabi nito ay kamuntikan ko ng ikamatay.... "Galit na galit na sabi ni Agent Nerd

" magpapaliwanag ako Agent Nerd"

Lumukot naman naman ang noo nya

"Siguraduhin nyong reasonable yang dahilan nyo General... Ubos na ang pasensya ko sa mga rason nyo noon"

Sabay hampas nya sa mesa ni General

"Agent Nerd sa totoo ay anak na ng Leader ng organisasyong Black Dragon si Normal Emil Archie Mondragon noon pa... Sya ay nag iisang anak pero salungat sya sa gawain ng ama nya kaya naman nagtrain sya at nakapasa bilang isang Agent .. Sya si Agent King.. Ang misyon na hinahawakan nya ay pagpatay ng mga Leader ng mga tiwaling organization kaya naman nung napatay nya ang leader ng Winged Organization at ang humaliling Leader nito ay pinatay ang kanyang asawa na si Margarethe at ang Ama nya kaya naman sya na ang humalili sa posisyon ng naiwan ng ama sa organisasyon na nila... "

Kumalma naman na Si Agent Nerd at napalitan ng Awa ang ekspresyon nya sa mukha..

"So nagrerevenge sya?? " tanong. Ng dalaga

"Maaring ganun nga ang gusto nyang mangyari kaya ikaw ang pinadala ko dahil ikaw ang pinakamagaling sa istratehiya matutulungan mo sya sa bagay na ito o kaya naman ay babaguhin mo sya" sabay ngiti ng General na ikinakunot naman ni Agent Nerd

Pagtingin niya naman sa ibang kasamahan ay malapad din ang mga ngiti..

"Tutulungan ko sya sa balak nya... Pero alam na ba ng gobyerno ito?? "

"Isa itong top secret mission Agent Nerd at mismong pamahalaan ng Amerika ang nag aproba... Kung nagtataka kung bakit ganun kaimpluwensya si Agent King o si Mr. Mondragon sya na ang makakasagot nyan sayo... Pero pwede ka pa namang mamili Agent Nerd" sabay ngisi nila

Nainis naman ang dalaga.. Batid nya na ibinubugaw sya kay Archie...

"Tigilan nyo ako.. Aalis na ako... Salute!!! " napaunat naman ang a
Lahat at sumaludo sa kanya...

Sa mansyon naman ay naghalong pag aalala at galit na si Archie.. At hinhintay ang dalaga na dumating...

(Ano kaya talaga ang magiging choice ng ating Agent Nerd??


Eto yung chapter na kinainisan ko.. Sinave ko pero di nasave!!! impromptu pa naman ako magtype walang draft draft kainis.. Kaya revised na itong part na to...

Hope you like it..
Happy reading sa inyo)

AGENT NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon