19

5.7K 141 1
                                    

Natapos ko na ring gawin yung sa sasakyan nya... Naging kambal na nga eh..

Pumasok ako sa kwarto ko di ko alam na sumusunod pala si Archie

"Uy Dagger bat ang ganda?? Akin na lang"

"Hanla to lahat na lang hiningi??? Di pwede yan nag iisa yan ... "

"Eh gawan mo na lang ako"

"Di nga pwede ... Alam mo ba na ya. Lang ang pagkakakilanlan ko yang gold dagger ko.. "

"Na enhance din ba to?? " tanong nya

"Ah oo .. Patayin mo yung ilaw dali"

Pinatay nya naman

"Woaaah.. Kaya pala gold dagger .. Arang umaapoy"

"Hahaha umaapoy talaga yan.. Hawakan mo... "

Hinwakan nya naman at napaso...

"See kaya tsupii ka muna at magpapalit lang ako para makapagplano na" sabay tulak sa kanya sa pintuan

"Pwedeng panuotin na lang kita " habang ngingisi ngisi

Aba loko tong dragon na to ...

Pak!! Ayan batok para sayo

"Hehe joke lang pala" saka sinarado ko na yung pintuan...

Naalala ko na naman si Dixon Theodore. .

"Dixon malapit na tayong magkita"

Bigla namang nagvibrate yung relo ko...

"Shit!! "

Sinagot ko

"Kamusta Maria Irish De Lara?? Naalala mo pa ba ako aking anak?? Hahaha"

"Kahit kailan di kita naging ama Tang*na mo"

"Masyado ka namang hot ata Irish.. "

"Ano pa ba kailangan mo?? "

"Kailangan ko ??? Alam mo naman ang kailangan ko... Kailangan ko ang bagong invention mo .. Di na kasi mabenta yung ninakaw ko nuon eh kasi lahat may gamit ng ganun sa underground society"

"F*ck you .. Di mo ako utusan o empleyado para hingan ng invention mo .. Kaya bahala ka sa buhay mo"

"Ouch naman aking anak masyado mo naman sinasaktan ang damdamin ng ama mo"

"Tandaan mo never kitang naging ama .. Di ako galing sa sperm mo g*go!! "

"Hahaha ... Bibigyan mo ako Irish o kikitilin ko ang buhay ng nakakabata mong kapatid na si Maria Irene De Lara... Mamili ka"

"F*ck you!! Animal ka !!! "

"Hahahahaha... 24 hrs Irish ... Dito sa Mansyon... Tiktok! Tiktok! "

At pinatay nya na...

"Aaaaaaaaaaaargggghh!!! " sinipa ko ang side table kaya naman nabasag ang lampshade ....

"Okay ka lang Maria?? " nag aalalang tanong naman ni Archie.....

Para naman akong nagbreakdown na nakita ko sya...

Napaiyak ako .. Hindi... Napahagulgol ako...

Niyakap naman nya ako...

"Dixon walanghiya ka!!!!!! "

"Dixon?? Si dixon Theodore??? "

Tumango naman ako...

"Kaano ano ba sya?? Bakit sya?? "

"Step father ko sya.... " tumayo naman ako at pinahid ang mga luha ko

Nagpalit ako ng black tight short at isang black sando...

Nakalimutan ko na may tao pala sa kwarto ko...

Nilagyan ko ng tig 50 poisonous needle ang apat na senyorita ko...

Nilagay ko naman sa legs ko...

Ang dagger ko ay sinukbit ko din

Ang bazuka v 3. 6 ko nilagay ko na rin sa likod ko.. At naglagay din ako ng pin sa buhok ko...

"Teka saan ka pupunta?? "

"Wag kang makialam archie"

"Sasama ako "

"Ano ba?? Problema ko to at ayaw ko ng sabit"

"Tutulungan kita kaya magtiwala ka lang sa akin... Alam ko ang problema mo nalaman ko lahat kay General. " natigilan naman ako

"Sinabi nya sayo ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa akin???"

"Oo alam ko na alam mo na ako si Agent King" oo pala agent pa rin sya kaya naman walang mapaparusahan kung sakali man...

"Hintayin mo ako at magbibihis ako. "

Hununtay ko naman sya...

Brinaid ko naman ang buhok ko saka nilagay yung black flat boots ko na half leg..

"Tara na!! " aya nya.. Nagulat naman ako sa kanya

Ngayon ko lang sya nakitang naka combat...

Nakablack shirt sya at ang dalawang espada ay nasa likuran nya...

Dahil natulala nga ako ay hinila na nya ako..

Humanda kang Dixon Theodore ka

AGENT NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon