28

4.4K 111 0
                                    

Nasa akin na ang blueprint

Alam ko na kung saan ilalagay ang mga bomb..

Minarkahan ko lahat ng red na X ang mga dapat lagyan

"Agent Sky at Agent Jack" tawag ko sa kanila

"O bakit Agent Nerd?? " tanong nila

Sinenyasan ko silang lumapit

Pagkalapit nila ay inilagay ko yung blueprint ng hideout nila

"Gusto ko puntahan nyo lahat ng may red X at ilagay nyo to ng hindi napapansin.. "

"Wow ano tong maliit na to?? Cctv ba!? " si Agent Jack

"Nope .. Basta ilagay nyo yan... Sa tamang marka bawal magkamali"

"Masusunod Agent Nerd" sabay sumaludo ang dalawa...

"Agent Cross and Agent Maroon"

"Yes Agent Nerd? "

"Puntahan natin ang mga nag eensayo"

They lead the way naman papunta doon..

Pagkarating namin sina Archie at General ang nag eensayo sa kanila...

"Salute!!!!In posisyon " sigaw ko

mangilan ngilan lang ang sumunod yung iba nagtatawanan pa

"Hahaha.. Miss nawawala ka ata?? At bakit ka namin susundin? Isang babae hahahaha" sabi ng mayabang na tauhan ni Archie

Kaya naman napataas ang kilay ko

Sa aming mga Agent ay wala namang umiimik

Linapitan ko yung mayabang ...

"Oo babae ako.. Means di ako kasing tapang at kasing galing mo?? " tanong ko sa kanya

"Yun nakuha mo din miss kaya kung ako sayo manood ko na lang sa amin ... Libre mong mapapanuod ang mga muscles ko"

Nandiri naman ako sa sinabi nya

At dahil nga nakakadiri ito kinabig ko sa tyan...

"Aaaaah!! " napasigaw sya sakit

Ikinawit ko ang paako sa left leg nya... At natumba sya

Isa isa ko namang chinop sa kamay ang mga tyan ng nakapaligid na nagsitawanan kanina

At ngumiti sa kanila

Puro daing nila....

Lumakad ako paharap...

"In position!! " sigaw ko ulit. At agad na nagsitalima nila...

"Pinapanood ko kayong nag eensayo kaya alam ko na kulang pa kayo sa konsentrsyon... Tandaan nyo isang butas lang ay patay na kayo.. Kaya kung ako sa inyo ay dapat kayong magconcentrate. At wag puro laro at kalokohan"

Bigla namang tumunog ang relo ko

"Dixon anong kailangan mo?? "

"Naiinip na ako Irish baka pag nainip ako eh si Irene ang mapagbalingan ko .... Lumalakad ang oras kaya lakad ka na naeexcite na ako sa gagawin mo"

"Wag mo namang ipahalata na gustong gusto mo ng mamatay Hudas...maghintay ka lang baka malay mo mamaya o bukas o sa makalawa ay naliligo ka na sa sarili mong dugo" gusto ko syang gilitan ng leeg

"Haha kung magagawa mo... Bilisan mo ha namimiss na kita haha" nanindig balahibo ko sa narinig

"Tik tok tik tok" sabi nya sabay pinatay na

"Aaaaaaaarggghhh" galit ako sobrang galit na galit ako...

"Okay ka lang Maria? " tanong ni Archie

Tumango na lang ako...

"Makinig kayong lahat... Maghanda kayo bukas ng gabi ay lulusob na tayo"

May nagulat at may naexcite naman.....

Wala naman na akong pakialam sa reaksyon nila

Ang mahalaga ngayon ay mabawi ko ang aking kapatid at ang anak nya. At mapatay ang taong pumatay sa ina at lumapastangan sa kapatid ko....

Pagsisisihan mo ang araw na nakilala mo ang isang tulad ko Dixon Theodore

AGENT NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon