17

6K 168 1
                                    

Pauwi na ako ng tumunog ang relo ko

"Agent Nerd on call" sagot ko

"Lagoon Pier , drug Lord Niebe Tan.. Now"

"Copy" sagot ko naman

Nag U turn naman na ako at dumiretso sa Lagoon Pier...

Sa Malayo ako nagpark..

Naglakad ako sa dilim... Inopen ko ang tracking application sa relo ko

Nakita ko sa perimeter nito na madaming nakabantay na armadong lalake..

Kaya naman nilabas ko na ang bagong senyorita ko nilagyan ko naman ng silencer.. Sa kabilang kanan ko naman ay ang bagong gawa kong bazuka version 3. 6 ... Maliit to pero deadly..

Lumapit ako sa dalawang nakapwestong bantay nila saka tinutukan ng baril..

Walang kahirap hirap na napatay ko sila ng walang ingay... ..

Kaya naman naglagay na ako ng needle sa baril ko at sinimulang paputukan ang bantay nila isa isang nagiging red dot naman sa tracker ko ang bawat napapatay ko ....

Pero bigla na lang nag ingay ang walkie talkie ng usang napatay ko sa tabi ko

"Pssh makaluma " bulong ko...

Dinampot ko naman...

Nagkakagulo na sila kaya naman pwinesto ko na ang bazuka v 3. 6 ko ...

"Any last wish Mr. Niebe Tan ?? " nakangising sabi ko sa walkie talkie nila

"Sino kang gago ka ??? Bat ka nanggugulo?? " nanggigigil sa galit na sabi nya

Napangisi naman ako..

"Haha.. Welcome to my Hell !! " swabeng sabi ko sabay kalabit sa bazuka..

Booom!!!!

Parang sayang saya naman ako sa nakikita kong sumasabog

Easy naman pala to... Kala ko ay aabutin ako ng syam syam

Hinalikan ko naman ang baby bazuka ko bago ako umalis...

May buhay pa pero hinayaan ko na sila kasi si Niebe Tan lang naman ang target ko.. Sorry na lang sa nadamay paharang harang kasi eh...

Sumakay na ako sa kotse ko at bigla namang tumunog ulit ang relo ko

"Agent Nerd on call"

"Very good .. Agent Nerd kaya ikaw ang top 1 eh o inspired ka lang?? "

"Salamat General... Pero trabaho ko lang talaga yan"

"Sabi mo eh... Makakauwi ka na"

"Okay General goodnight and goodmorning"

"Goodnight and goodmorning too Agent Nerd "saka binaba na nya ang telepono...

Pjnaharurot ko naman ang kotse ko kaya naman saglit lang ay nakarating na ako sa mansyon.

Dahil nga utos ng gwapong dragon talagang dito na muna ako magstay talaga na inaprubahan naman ni General...

Feeling ko pinagtutlungan talaga nila ako...

Pagdating ko naman ay isang napakagwapong masungit na dragon ang bumungad sa akin

" bat inumaga ka??? Saan ka galing?? Sino kasama mo?? "

"Hinay hinay lang .. Chill.. Hinga ka muna" sabi ko .. Inulanan ba naman ako ng tanong agad daig ko pa may tatay at may asawa eh..
"Nagkaurgent mission ako kaya inumaga ako.. Okay na ba?? "

"Anong mission yan?? "

"Confidential Archie.. Pagod ako gusto ko ng magpahinga.. " sabi ko naman

Eh totoo naman na pagod ako eh.. Nagulat naman ako kasi bigla nya akong binuhat ng pang bridal carry papuntang kwarto nya

"Hoy ibaba mo nga ako!! "

Yung dalawang kasama kong Agent pangiti ngiti at pasipol sipol lang ...

Ibinaba nya naman ako sa kama nya

"Hoy wag mong sasabihin na tabi tayo sipain kita dyan "

"Pwede din pero sabi mo pagod ka eh kaya next time na lang... Dito ako sa sofa" sagot naman nya sabay higa sa sofa pero nakangiti pa rin ng nakakaloko..

Di ko na lang sya pinansin at least di kami tabi...

Pagkahilata ko ay naalala kong di pa ako nagshower o nagpalit man lang pero talagang pagod na ako at yung mata ko kahit lagyan mo ng toothpick ay talagang pipikit na...

(Hirap ng maging agent no always pagod at puyat.. Kung ako sya. Puro eyebags na ako ... )

AGENT NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon