12

6.8K 176 9
                                    


At dahil nga gusto nga daw ako ng prinsipeng ito ay di na nya ako binitawan..

Tapos na ang klase at nasa malapit sa gate na kami

"Ihahatid na kita"

"Hindi na.   kaya ko na" sagot ko

Di ko pwedeng sabihin na may sundo na ako at ang sundo ko ay ang pinakamayaman at pinakagwapong dragon...

"Sige na ihahatid na kita gabi na oh" parang nag aalala nyang sabi

Malamang gabi na.. Night Class nga eh...

Bigla namang lumitaw si Archie...

Para naman akong asawa na nahuling nanlalake

"Mag eexplain ako" mabilis kong sabi kay Archie

"Bitawan mo sya" matigas na tono nito kay Blake .

"Bakit sino ka ba ha??  Ako na ang maghahatid sa kanya "

Nagtitigan naman silang dalawa

"Asawa nya ako kaya ako ang dapat maghatid " sagot naman ni Archie.. Sabay ngisi nya

Parehas naman kami ni Blake na nagulat sa sinabi nya...

Binigyan ko naman sya makahulugang tingin

'Ano bang pinagsasabi mo jan??  Humanda ka mamaya sa akin'

"Ah eh blake sa kanya na ako sasama ha...  Kita na lang tayo bukas" paalam ko

Kumunot naman ang noo ni Archie

Magsasalita pa sana eh pero hinila hila ko na papunta sa sasakyan nya...

"Kaano ano mo sya?? " tanong nya sa akin

"Admirer ata baka bukas suitor na" pangiti ngiti kong sabi

"Bawal kang ligawan"

"Aba mister. Di mo ako anak para pagbawalan ha saka nasa tamang edad na ako no"

"Di talaga kita anak ....  At may karapatan ako misis  dahil simula ngayon ay sa bahay ko na ikaw titira" napalaki naman ang mata ko

"May sarili akong tirahan no"

"Delikado ka na kaya 24/7 ay dapat nakikita kita para mabantayan"

"Teka mister ha...  Misyon ko na bantayan ka hindi  ikaw ang magbabantay sa akin.. "

"Pwes magbantayan tayong dalawa.. As easy as that misis" malokong lokong ngiti nya

"Misis??  Miss pa lang ako Mr.  MOndraagon .. Tandaan mo Miss pa lang ako.. " aba ginawa pa nya akong  may asawa.

Teka mukha na ba akong may asawa??  Hanla...
May Wrinkles na ba ako..

Tumingin naman ako sa salamin at bininat binat ang mukha ko...

Di naman ah..  Para nga akong 18 eh... Loko to ah..

Tinatawanan pa nya ako...

Pinalo palo ko naman ang braso nya

"Aray!!  Maria nagdidrive ako" angal niya

Bigla naman ako namula...

Hanla muscles nya yummy... 

Bat ba ako ganito?? Eh everyday naman ako nakakakita nyan...

"Maria nagblublush ka ba?? " tanong ng katabi ko

Hanla tinakpan ko ang mukha ko

"Hindi ah..  Hwag ka ngang tumingin sa akin" kainis bat ba namumula ako...

"Okay!! " masayang sagot naman ng dragon na to...  Sabay sumisipol sipol pa...

Kainis!!!!!!!!!!!!!!

(Kanino kayo bet?? )

AGENT NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon