23

5K 131 0
                                    

Agent Nerd

Nagising ako sa masarap na amoy galing sa kusina...

Minulat ko ang mata ko

"Waaaaaaaah!!!!!! " sigaw sabay karipas na tumayo palayo sa kama

Bigla namang nagsilitawan ang apat na topless na lalake...

Yung panglimang toplesa ay parang nagising din sa hiyaw ko ..

"Agent Nerd okay ka lang ba?? " tanong ni Agent Cross

"Inano ka ni boss?? "Tanong din ni Agent Maroon

"Bat ka humiyaw?? " tanong din naman ni Agent Sky

Sunod sunod nilang tanong yan si Agent Jack ay nakangisi naman...

"Anong ginagawa nyo dito?? " nakakunot na noo naman ni Archie

"Ikaw !!!! Anong ginawa mo sa akin kagabi bat katabi kita??? "

"Tsss" yan lang ang sinagot nya...

Tumayo naman sya saka tinulak palabas ng kwarto ang apat saka nilock amg pintuan at hinila ako ulit sa kama

"Hoy Archi anong ginagawa mo??? "

."sshhhh napuyat akong nagbantay sayo... Tulog muna tayo"

Saka niyakap at ipinatong din ang paa sa akin

Aba kala mo mawawala ako..

(Sa labas naman.. Ang apat na pinaalis ay ang tenga ay nasa pintuan at nakahandang pumatay kung may gagawing kababalaghan si Archie... )

Dahil wala na kong nagawa ay pinabayaan ko na lang sya.. Nakatulog na din ako...

Pasado alas dos ay nagising kami pareho at pumanhik na para kumain...

"Ano ng plano natin?? " tanong ko kay Archie

"Magpagaling ka muna.. Kami na lang kayang makipaglaban at wag ka ng sumama"
Sinamaan ko naman sya ng tingin

"Di pwede kailangan kpng mabawi ang kapatid ko"matigas na sagot ko

"Alam mo ba na sya ang pinakamagaling na reaper ni Theodore at Winged Organization.. Hindi yun basta sasama sayo"

"Alam ko"tipid na sagot

Una pa lang alam ko na yun eh pero nagbabakasakali pa rin ako na matatauhan sya at sasama pa rin sa akin...

" di ko alam kung sasabihin ko pa ba to o baka naman alam mo na" natigilan naman ako sa tinuran na yan ni Archie

"Spill it"

"5 years ago kumalat ang isang balita sa underground society ang naging anak ni Dixon Theodore kay Irene.. Ang sabi nila noon ay pinapainom daw palagi ang kapatid mo ng drugs at hinahalay kaya nabuntis sya... Maaring ang anak nya ang pumipigil para di tanggihan ang mga pinapagawa ni Dixon at di sumama sayo.. Sa palagay ko lang "

Napakuyom ako ng kamay

Ang baboy mo Dixon pati kapatid ko na anak ng naging asawa mo hinalay mo...

Di ko namalayan na napaiyak na ako.. Niyakap naman ako kaagad ni Archie

"Ssssh tahan na.. Ipaghihiganti natin sya... Wag kang mag alala babawiin natin sya at nang anak nya" pag aalo nya sa akin

"Kasalanan ko to kung di ako naduwag noon di sana mangyayari to sa kanya.. Di na sana nya ito mararanasan" sinisisi ko talaga ang sarili ko sa nangyari sa kapatid ko...

"Maria 12 ka pa lang noon... Ano naman ang magAgawa ng isang labingdalawang taong gulang na bata kahit na matapang ka na noon Maria di mo sya kakayanin"

"Pero kasalanan ko pa din dapat kinuha ko sya dapat isinama ko si Irene dapat gumawa ako ng paraan para dalawa kaming nakataas noon"

"Di pa huli ang lahat Maria, magtiwala ka sa sarili mo at sa amin .. Tutulungan ka namin " pinunasan nya naman ang mga luha ko..

Napatingin ako sa mga mata nya at puno ito ng sinseridad kaya di ko mapigilang maniwala at magtiwala sa kanya...

Oo kailangang maging matapang ako ngayon..

Kukunin at ilalayo kita sa impyernong yan Irene... Sana mapatawad mo ang ate...

AGENT NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon