Is this LOVE??Chapter 18

111 5 1
                                    

Vince’s POV

Tumawag sa akin yung President ng school, pinapapunta niya ko sa St. Louise hall..Nakakaasar talaga tong bagong president ah..May saltik ata, kung makapag-utos oh agad-agad…Wala naman akong choice baka paalisin nga ako sa school..

Pagakarating ko doon ay inayusan na ako ng make-up artist..Pagkaayos sa akin ay tinawag ako nung President..

“Hey Vince! Hmmm..You look great! Could you do me a favor..” sabi nito sa akin..Hindi pa ba favor tong ginagawa kong pagmodel sa kanya tapos may pabor na naman ito! Anak ng Tokwa naman , bakit ba ang malas ko ngayon…hindi ko pa nga nakikita si Minah oh..Ano ba Vince para isang araw lang kung makadrama ka dyan! Attracted ka lang sa kanya, ok kung umasta ka dyan! Ano bay an kinakausap ko na sarili ko sa isip na parang baliw…

“what is it?”T^T, iritado kong tanong..

“uhmm could you look for your partner? She’s just  around here,,hindi yon lumabas ng hall don’t worry..Nakasuot siya ng pang HRM na uniform just like you^___^” tsskk ngumiti pa talaga ito sa akin..ngayon ginawa pa niya akong taga-hanap ng tao…

Lakad-lakad…Nahanap ko na ata yung partner ko, nakaupo ito ,at parang umiinom.. lumapit ako dito at nagsalita..

“Excuse me Miss, are you my partner? Hinahanap na tayo..” tapos ay humarap ito sa akin..O______O

(O//////////o)

Ang ganda!! Pero wait , si Minah ito!!! Lalo siyang gumanda sa ayos ng buhok at make-up niya…Whuuu parang sumikip bigla ang dibdib ko…Ano ba toh? Hindi siya sumagot..hmm..parang namumula ata yung pisngi niya..blush on siguro yun..tska parang nagulat ko siya..Malamang lumapit kasi ko at nagsalita mula sa likod noh? Baka kinabahan pa toh sa biglang pagsulpot ko

“Minah?? Ikaw yung partner ko?”-Ako..

“Ha?? Ano kamo? Ahh oo ako nga..”yun ang sabi niya..tapos ay tumalikod na ito at nagsimulang maglakad..tahimik lang kami..pero napansin kong mali yung tutunguin niya direksyon kaya bigla kong napahawak sa kamay niya..O_O parang may naramdaman akong kuryente …sinabihan ko siyang doon sa kabila ang daan,,sinabi naman nito na ligawan ito..Hmm kaya pala pinahanap pa siya nung President..tska nung inutusan ko siyang bumili ng miryenda ay matagal siya..Naligaw kaya siya?

Ng makarating kami kela President ay nagsalita ito…at napansin kong nakatingin sa kamay ko…hmm..O___o Siete O///O

Hawak ko pa pala ang kamay ni Minah! Agad ko naman itong binitawan..Ano ba yan,, nakakahiya…ang tagal ko na palang hawak ang kamay niya..

“Sorry” bulong ko dito,,>.<…bakit nga ba ko nag-sorry? Ahmm.. dahil hinawakan ko ang kamay niya ng walang permiso,,at matagal-tagal ko rin yon..Ang lambot kasi ng kamay niya..

At dahil naguguluhan na ang utak ko ay lumapit na agad ako sa photographer para maumpisan na ang photoshoot.. ako ang nauna, pinapanuod ba ko ni Minah? Malamang naka-upo nga to sa tabi ng photographer oh!

Tapos ay si Minah naman,, Mabby nga pala ang tawag sa kanya ng mga tao…Habang kinukuhanan siya ng litrato ay hindi ko maiwasang mapangiti^_____^…Hindi pala ko malas ,,swerte pa pala ko.. Binabawi ko ng may saltik yung president..

Matapos ang shots ni Minah ay magkasama na kaming dalawa si pictorial..Buti na lang at nakocontrol ko ang ngiti ko .,hindi masyadong lumalapad ang ngiti ko^_^..

“Okay that’s all! Sa makalawa na lang ulit..Busy kasi ko bukas..Pack up na!”-biglang sigaw nung photographer..nag thank you naman ako,,at nakakatuwa lang dahil sabay pa kami ni Minah…

Nag-aayos na ang mga staffs ng biglang may nalaglag..nabitiwan nung isang staff yung isang malaking kahon tapos ay tinamaan yung isang malaking post eng ilaw… ng sundan ko ito ng tingin ay nasa harap lang ng ilaw si Minah…at ilang sandali na lang ay babagsak na ito kay Minah…Nakatalikod pa ito na parang may hinahanap..

Bigla akong tumakbo at lumundag para mailigtas sa Minah…tinulak ko siya papalayo,,halatang nagulat ito,,at hayun nagdagnan lang naman ako ng malaking post eng ilaw sa likod..Aray ah…pero atleast hindi si Minah ang nasaktan..buti na lang at umabot ako…teka.,,parang nagdidilim ang paningin ko,, napahawak ako sa ulo ko at may nahawakan akong parang basa…dugo kaya ito…at tuluyan ng nagdilim ang paningin ko   _________________________________

Minah’s POV

Ngayon ay nasa clinic ako,,paikot-ikot na parang timang..Ano ba?? Hindi ko mapigilang mag-alala…Niligtas ako ni Vince sa kapahamakan,pero tinamaan din ito sa likod at sa ulo…May dugo yung ulo niya kanina, kaya ngayon ay nakabenda ito…Kanina pagkumakabog ang dibdib ko sa pag-aalala,,sinabihan naman na kami ng school physician na ok naman ito, he just passed out..pero hindi pa rin maalis ang kaba ko sa dibdib hangga’t hindi ito nagigising..

Ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa tanang buhay ko, as in grabe ang sikip ng dibdib ko tapos kumakabog pa ng malakas ang heart ko,,chest pain talaga,,may angina pectoris ba ako??

Relax lang Minah , chill chill lang..ayos lang si Vince…sabi yun ng doctor,so relax,,, inhale,,exhale! Umupo ako sa tabi niya at pumikit,,nagdasal, muna ako kay Lord..at pagdilat ko ng mata ay…GISING NA ITO!!!!WHHEEEEWWW!!!!

“Vince! Kamusta na ang pakiramdam mo?!?! Kilala mo ba ko?? Ayos ka lang??ANo ba kasi ang ginawa mo at niligtas mo pa ko napahamak ka pa tuloy…..”At biglang tumulo ang luha ko…ang dai kong nasabi infairness bago tumulo ang luha ko… para na ring nawala yung tinik sa dibdib ko….

“Minah?? don’t cry..Why are you even crying? I’m fine… Come on stop crying^____^”-tapos ay ngumiti ito sa akin….sabi niya stop crying kaya nagstop na ko sa pag-iyak…Grabe bakit ganito katindi ang pag-aalala ko sa kanya? Is it because I’m the reason he is on this state or because of….love?

Is it? I’m not sure…let’s not talk about it right now..Ang importante ay nagising na si Vince…

Tapos ay narinig kong may pumasok sa clinic..

“Hiroshi!?!Oh honey are you alright??”-narinig kong sabi nung pumasok..Ano daw HONEY!!?? Argghhh nakakapang-init ng dugo ah! Pero wait parang medyo matanda na ang boses nung babae…>.< No way!! May sugar  mommy si Vince!!!???!!

Lumingon ako dito at nakita ko yung babae,,Wow ang ganda!! Medyo matanda na nga…Mukang rich toh,hmmm…may isa pang kasama..O__O ang guwapo!! Pero parang old na din, kasama nung babae?? Wait…Medyo nakakaramdam na ko…

Parents ata sila ni Vince!!! Ang alam ko ay tinawagan ni Kuya bee ang parents ni Vince kanina..

Lumapit agad yung mommy ata ni Vince..

“Honey, are you alright??”

“ah, Yes mom”-sagot naman ni Vince

“Glad to hear that son^__^”sabi nung dad niya…

Hayy naku Minah, layas ka na dito,,may family bonding oh panira ka..tska ang dumi talaga ng utak mo! inisip mo pang sugar mommy niya yung real mom niya!!Lumayas ka na..panggulo ka lang!!

Paalis na ko ng…

“Minah, wait where are you going?”-biglang sabi ni Vince

“Ah sa labas,,uuwi na?”-ako

“Oh…sige.. but before you leave I want you to meet my parents.. Mom, Dad ,she is Minah..the reason why I’m in the clinic.”sabi pa nito na nakangiti..

Wow ah ayos rin tong si Vince kailangan pa talagang sabihing ako ang may kasalanan at nahimatay siya ah! Bad image agad ako niyan sa parents niya..Pero..Hmm?? Nakangiti pa ang mga ito sa akin..

“oh, Nice to meet you iha! So you’re the girlfriend of my son?”sabi nung mom niya sa akin

“Ah, hindi po,,hindi..kasamahan lang po niya ko bilang model for the school..”>/////< kyaaaa ano ba tong mommy niya ,,masyado naman! Girlfriend agad? Hindi ba puwedeng kaibigan lang??

“Ah sige po nice to meet you! Bye!”-sabi ko at dali-dali ng lumabas..hmmm? bumilis na naman ang tibok ng puso ko…

HotNerdy X-gangLeader!?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon