Chapter 2
"Kyaaaaaaaaah. Ate Jessie!!! Nakakatext ko na si Jiro. Mga 1 week na"
Ate Jessie is also a nursing student. Irregular din sya at kaklase ko Algebra. Close sila ni Jiro pero hindi magkaklase. Masyado kasing luka si Ate Jessie kaya madaming kaclose.
"Takteng to. Sakit sa tenga ha. Oh san mo naman nakuha number nya? Eh hindi ka naman sakin nanghingi."
Oo nga pala. Nasabi ko bang sya ang pinakaclose ko? Si ate Jessie yung pinakagusto kong kasama sa mga nursing student ng school namin. Close naman ako sa mga kapwa ko 1st year at kaklase ko pero sadyang mas feel ko lang ang company with ate Jessie. Feel ko rin naman sila. Ewan ko ha, ang saya pala kasama ng luka no, saka para bang mas nagiging ako yung sarili ko pag luka ang kasama ko. Mamimiss ko nga yan pagkatapos ng sem na to eh. Graduate na kasi sya pagkatapos ng 1st sem.
"Jared. Wala ka nang kasawaan sa pagkkwento nyan. Halos ma-memorize ko na nga sa pagpapaulit ulit mo eh. Puro ka na Jiro-Jiro at Jiro. Wala bang iba?" singit ni Kate, kaklase ko. Kapatid sya ni ate Kaycel.
"Eh hindi pa alam ni ate Jessie eh. Binigay ni ate Kaycel. ^____^" sinagot ko muna ang pagsabat ni Kate at bumaling ulit kay ate Jessie
"Ganun? Landing landi ka naman?" ate Jessie
"Hmmm. Konti lang" with gesture na ginagaya yung nasa commercial ng mcdo.
Dumating na ang aming teacher at hindi naman ako makaconcentrate masyado kasi ang daldal ni Jessie. Dagdagan pa ng sinabi nyang malaki daw ang pwet ni mam na hindi magkasya sa upuan.
"Aabangan ko ang panahon na magagamit ko yang mga yan sa pagiging nurse ko" -ate Jessie
Napailing na lang ako sa daing nya. Kahit kailan talaga babaeng to. Pero may point naman nga sya eh, hindi magagamit yan sa profession namin. Tama na siguro ang 4 basic operations.
Natapos ang algebra namin. May natutunan naman ako kahit papaano. Recall lang naman yun sa algebra nung high school eh.
"Hoy wala kaming TFN. Sabay na ko sayo Jessie." -ako. Kakatamad maglakad alone no!
"Maka-hoy ka ah. Samantalang dati, kung maka-ate at maka-po ka pa sakin." Aba eh syempre kailangan yun kapag hindi pa kakilala. "ate, kailangan po ba talaga black shoes? Hindi ba pangit tingnan sa uniform?' Oh di ba ang bait na bata mo noon kapag hindi ka kilala?" Dugtong pa nya na may panggagaya sa tono ng pagkasabi ko sa kanya noon.
"Well. Mabait naman talaga ako eh. Sadyang hindi lang sa gantong panahon. Hahaha"
"Lukang to. ay by the way ......"
at nagkwento na lang sya tungkol sa exBf nya. Kinikilig nga ako sa kanila noon. Ang sweet naman kasi tas nagbreak. Kasalanan nung lalaki, a-anga-anga eh. Sabi nga nya, 'ako pa inayawan nya? Sa dami ng nakapila eh.'
Pero maynnanliligaw sa kanya ngayon. At dun na lang kako sya.
***
Weeks passed at gabi gabi pa din kami nagkakatext ni Jiro. And as always, ako yung nagi-start palagi ng conversation namin. Wala eh, gusto makatext eh.
"Bakla ka? Bagay kasi sayo. Hahaha"
*message sent to .<3*
Wala na ko maisip na topic so I picked that non sense thing. Eh kahit naman walang kasense-sense yung topic namin ni Jiro, kinikilig pa din ako eh. Ganun naman talaga ah, try nyo pa.
"Weh? Di ako bakla no." -sya
"Sowssss. Pakasal nga tayo?" Wiiiih. Shunga lang Jared? Mga nasa utak mo talaga. Ayos segwey eh.
Ano kaya irereply nito? Babarahin kaya o sasakyan nya?
*1 message received*
From: .<3
"Hahaha. Nakakatol ka naman."
Walang bago. Ganyan palagi nirereply nyan kapag nagsasabi ako sa kanya ng dapat na ikakilig nya. Kaso waepek, di naman kinikilig.
"Ay. Good night na nga. Bukas papakasal tayo. Gumising ka ng maaga ha"
Pak! Ako na ang nagpropose. Hahaha. Pero syempre biro lang yan. After 8 years nya na lang totohanin.
"Hindi ako nagigising nang maaga eh. Hahaha"
Kahit bangag na ako dahil inaantok na, nireplyan ko pa din sya.
"Sige, kahit sa hapon na lang."
Naramdaman kong may nagtext pero hindi na ko nag abalang basahin. Antok na talaga ako eh.
***
3am. Nagising ako kasi naiihi ako.
Pagbalik ko ng kama ko, nahagilap ng mata ko ang cellphone ko. Hindi ko binasa lahat, isa lang yung binasa ko. Syempre yung kay Jiro
"Let's play hide and clap. Hahaha. Ge goodnyt."
Lesheng hide and clap na pauso ng The Conjuring yan. Putek. Napabaluktot ng automatic ang mga binti ko at napatalikbong ako sa kumot ko. Gusto kong makatulog na pero hindi ako makabalik sa tulog ko.
Ayos to men. 3am pa lang gising na ko.
Maitext nga si Jiro.
"Jirooo! Di ako nakatulog kasi 3am ko na nabasa yung hide and clap mo. Kasalanan mong puyat ako."
As if naman na may pakielam sya sayo Jared. Yah, tanggap ko naman na wala syang care sakin, pang pass time ba sa mga time na bored sya.
Habang nag aantay mag 5am, nagmumuni muni na lang ako at nag isip ng mga bagay bagay.
Alam ko naman na walang gusto sakin si Jiro. At hindi talaga magkakaroon. Nakatext ko na sya noon. Naikwento nya na wala syang hilig sa lovelife na yan. Mahilig lang daw sya manlandi pero he dosn't like commitment. Medyo ganyan din ang pananaw ko. Mas gusto kong maging single dahil mas free akong makipagharutan sa iba nang walang magagalit. Isa pa, hindi ko na kailangan hatin yung oras ko diba?
At ganun lang ang nararamdaman ko kay Jiro. I just like him kasi malakas ang sense of humor nya. Marami pa din naman akong ibang crush, katulad ni Daniel. Yun nga lang, kung ira-rank natin si Jiro nga ang nasa top 1. Sa mga crush ko, ayaw kong paabutin ng 4 months kasi 'infatuation' na ang tawag kapag umabot ng 4 months. Katulad nga ng sabi ko, ayaw ko na may mas hihigit pa sa crush. Dapat hanggang crush lang!
Hindi ko pala dapat masyadong iniisip si Jiro. Mamaya ma-fall ako sa kanya, which is napaka-ayaw ko. Inis na inis kasi ako sa mga taong nagdadrama at iyak ng iyak nang dahil sa lintek na pag ibig na yan. Wala akong pakielam kung sabihin na natural lang sa nagmamahal ang nagpapakatanga. Sabihin na nating natural nga yan, eh wag naman sana sulitin no? Napapasama pa si Kupido nyan eh.
"Aaaargh. Hypothalamus!! Binabalaan na kita ngayon pa lang. Wag na wag kang mai-in-love! Kahit kanino. Kahit kay Jiro pa yan, kay Daniel o kahit kanino pa. Basta wag na wag!"
BINABASA MO ANG
Falling in LIKE
Teen FictionGo for it? Don't give up? oh noooo. Para lang akong nanliligaw nito ah. Eh pano kung di nga ako sumuko pero nagsawa naman? Gulo ba? Well bahala na nga. But I don't like relationships so hanggang in like lang dapat.