"Eh ayaw ko nga nyang gown. Dito na lang ako sa dress. Kasi naman ang usapan dress eh, kaya dress ang pinaghandaan ko."
"Dali na Jared, maiiba ka. Ipinagdala na nga kita oh." Ramdam ko ang effort ni ate Jess pero naiilang akong maggown eh.
"Aigooo. Ge na nga. Patingin nga?" Nag aabang lang sya. "Ang haba eh. Tapos tingnan mo yung likod oh. Backless kung backless eh. Nakakahiya'
"Neng san ka nakakita ng long gown na hindi mahaba? Saka mahihiya ka pa ba? Nakita mo na ba yung sa iba? Mas daring pa jan no."
Nauwi din kami sa pagsusuot ko ng gown. It was a white long gown. Simple pero pagtalikod, dun lalabas ang buong likod ko. Umabot sa lumbar region ng likod ko ang walang tela eh.
Nagpunta ako ng cr para magsalamin. Tapos naman na ko mag ayos eh, inaantay na lang sila.
"Ang ganda mo Jared. Well lagi ka naman talaga maganda pero mas maganda ka ngayon." Ako ang nagsabi nyan sa Dyosang nakikita ko sa harapan ko ngayon.
"Ang porma natin ah" Nakakagulat naman tong pumasok na to. Akala ko sumagot ng kusa yung kaharap ko. Saglit nga, sa pagkakaalam ko ay nasa girl's cr ako ah. Eh bat may lalaki dito?
"Hm. Ako lang ang maporma. Di ka naman nakaporma eh."
"Sabi ko nga. Yaan mo, kapag nagkaron din ng ball ang department namin magiging maporma din ako."
"Oh eh di ako naman ang hindi nakaayos nun. Eh bat ka ba andito sa girl's cr? Sa kabila ka dapat ah. Magladlad na ikaw Kiele para hindi na umaasa yung mga babae sayo. Hahaha" -ano kaya magiging reaksyon nila kung malaman nilang bakla ang Campus heartthrob no?
"Mas gusto ko yung salamin dito eh. Saka gabi na kasi kaya ang akala ko wala nang tao. Kilala mo ko?"
"Oo naman. Sikat ka kaya. Kiele everwhere ang naririnig ko pag nasa school ako eh. Sige, una na ko ha. Baka hanap na ko eh." -kung hindi lang ako nagmamadali, chichikahin ko muna to eh. Sayang chance.
"Wag muna.."
"Ha? Bakit?" -taka kong tanong. Ano kaya kailangan nito.
"Wag ka muna umuna. Bata pa."
"Sira. Hahahaha." Akala ko naman kung ano. Lakas din pala ng sense of humor nito.
Paakyat na ko ng hagdan ng magring ang Cellphone ko.
*Jiro calling*
Kyaaaaaaaaah. Jiro calling oh. Si Jiro tumatawag *^_^*
Inhale. Exhale. Bago sagutin.
"Oh hello." -medyo mahinhin kong pagsagot
"Nasaan na daw ang first year? Wala pang first year dito."
Ang gwapo ng boses. Tengene lengssss.
"Papunta na. Inaantay ko lang sila."
"Bilisan nyo ha. Wala pang first year dito eh."
"Excited ka lang makita ako eh. Wag ka mag alala, makikita mo din ako."
"Nakakatol ka na agad? Asan na ba kayo?"
"Dito lang kami sa gilid eh. Basta wag ka excited, makikita mo din akong magandang crush mo"
"Sige" And he ended our phone convo.
Ayieeeeeee. May history na si Jiro sa call history ko. Kenekeleg ekeeeee.
***
Masayang nag start ang Nurses' ball. Habang wala pang program, lumapit sa amin si Miss A, adviser namin.
"Oh kamusta kayo jan? okay lang?"
"Yes mam. Tingnan mo mam oh, candy galing kay Jiro." -ako ang nangunang sumagot. Pero nadagdagan ng pagmamalaki sa candy na binigay ni Jiro.
"Ay Jiro. Jiro halika dito dali. Papicture naman kayo nitong si Jared." what the efff. Nagulat ako kay mam pero oo, kinikilig ako. Kaya naman gustong gusto ko si mam. Nakikiride din sa amin.
And from the table next to us, tumayo si Jiro at lumapit sa akin.
"Tayo na ikaw dali Jared."
Grabe kinikilig ako. Sa sobrang kilig ko ay nataranta ako. Nakalimutan kong tinggal ko nga pala ang sandals ko.
"Ku. Talaga namang excited eh. Ay, nakatapak."
Picture. Grabe, siguro sa mga pictures na yun, bungisngis na ko. Ang daming nagpipicture. Hahaha
"Akbayan mo Jiro" rinig ko pang sabi sa tabi. Hindi ko alam kung sinong nagsabi dahil ako ay tunay namang kinikilig ng mga panahong iyon.
Pagkatapos ng moment na yun ay napatalon pa ko bago bumalik sa pagkakaupo ko.
"Mam papicture din daw si Lelay kay Jiro. Yieeeee." galing ang sentence na yan sa isang third year.
"Friend. May karibal ka." bulong sakin ni Lyra.
"Oo nga eh. Di bale, tiwala naman ako dahil mas maganda ako."
At this time, hindi ko alam kung ano dapat kong mafeel. Kilig dahil kay Jiro o inis dahil may karibal ako? Pero mas nananaig pa naman kahit papaano ang kilig ko.
BINABASA MO ANG
Falling in LIKE
Teen FictionGo for it? Don't give up? oh noooo. Para lang akong nanliligaw nito ah. Eh pano kung di nga ako sumuko pero nagsawa naman? Gulo ba? Well bahala na nga. But I don't like relationships so hanggang in like lang dapat.