May biglaang meeting daw ang mga Nursing students. Wala naman akong balak sana pumunta sa meeting na yun kaso sumagi sa isip ko si my labs. Baka nandun yun.
Sa meeting, busy ang mata ko sa paghahanap kay Jiro. Hindi na ko nakikinig sa mga pinagsasasabi ng officers ng department dahil about lang naman yun sa Nurses' ball which is hindi naman namin aattendan.
Jiro.. Jiro.. San ka na? Kainaman na, pinaghahanap pa ako eh. Masyado talagang pakipot.
Eh bat parang kahit isang second year wala naman dito? Tss. Sayang lang oras pagpunta dito.
"First year. Anong isasuggest nyo?" -president ng club.
"Wala po. Dahil wala din naman pupunta" Yan ang dapat sasabihin ko pero tinamaan ako ng pagkamabait ko kaya hindi na lang ako umimik.
At sa kasamaang palad hindi din umimik ang mga kaklase ko.
"Ano? Baka wala kayong balak pumunta ha? First year, bawal ang hindi aattend ha." Galing ng utak ng president namin no? Mind reader. Nagkatinginan na lang kaming mmagkakaklase, napakibit balikat naman ako.
"Pano yan? Hindi daw pwedeng hindi aattend? Meeting ulit tayo mamaya. Yung tayong first year lang. Hahaha" -bulong ni Hansel.
Pag uusapan pa ba yan? Masyado silang mabait para mahikayat agad ng mga ibang officers.
***
"Attend na tayo. Nakakahiya sa mga ate at kuya eh" -Lyra.
"Oo nga. Mag eenjoy naman tayo dun." -Kate
Hindi ako umiimik at taimtim na pinanonood sila. Bahala sila. Kung ano mapag usapan nila dun na din ako. Ayoko nang nai-stress ang mga neurons at ang organ sa central nervous system na nasa cranial cavity ko. Brain po in short. Pinalalim ko lang kaunti para utak nyo ang ma-stress. whahaha.
Habang nag uusap usap sila, pumuslit ako at lumabas ng zero-one. Nagugutom na si tummy ko kaya pumunta muna ako ng tindahan.
"Tita Arren pabili pong sky flakes at c2."
Napatingin ako sa lalaki sa kaliwa ko.
Shemss. Ang gwapo talaga ni Kiele. No wonder kung bakit heartthrob ng campus to eh. Dati kong textmate yan, sa maniwala kayo o sa hindi. Pero di nya ko kilala. Nakatext ko lang naman yan dahil sa isa kong kakilala na nagsabing gf daw sya ni Kiele. Siguro mga 1 week kong nakakatext yang gwapong yan.
"Jared oh. Kanina pa tong skyflakes at c2 mo jan." Ay pusaka. Tita Arren naman.
Itanong ko kaya kay Kiele kung kilala nya pa ako?
"Tulaley ka jan? Crush mo din tong si Kiele no?" Kakahiya naman bunganga nito. Napatingin na lang ako kay Kiele na tinawanan lang si Tita Arren. Ibinalik ko din ang tingin ko kay Tita Arren saka nag smirk. Pabalang na ibinigay ang bayad sabay sabing, "Nah. Loyal ako kay Jiro." saka bumalik ng school.
Kakahiya kay Kiele. Mamaya kung ano na lang isipin nun eh.
"Jared! San ka ba naman nanggaling? Sasama na daw tayo ha. Pumayag na din si Doodie" - hindi naman halatang excited tong si Kate ane? Pagpasok ko pa lang ng gate, makasigaw na sya eh.
"Okay. Pero ayaw ko ng gown kaya cocktail dress tayo." -ako yan. Nagtatry ulit magpasimuno ng ka-B.I.-yan nyo mga readers.
"Awkieeeeee. Deal."
kitams? nagsuggest lang ako eh.
***
Mahaba haba ang vacant namin kaya tumambay kami sa bagong tambayan. Sa Plaza. Kaming tatlo lang nina Gaile at Kate ang naisipang tumambay dito.
"Mga dude, may pentelpen kayo?" -kate
"Ano naman gagawin mo sa pentelpen?" - Gaile
Napatingin ako sa wall sa likod ni Kate. Malamang gusto nito mag-vandalism. Daming mga nakasulat dun eh, gusto pa makigaya.
"At anong ka-kornihan naman ang isusulat mo jan?" -ako.
"Date ngayon at mga codename natin. *^_^*" -May sentimental value kasi halos lahat ng bagay jan kay Kate. Para bang every moment eh gusto nya may remembrance. Pati nga yung paper sa ice cream namin sa 7/11 kinuha nya at ididikit daw sa scrapbook.
"Okay. JDCL akin. Stands for Jared Dela Cruz Lopez. Yieeee" -F na F ko ang pagiging Lopez ko. " Doodie. GMSR ang sayo ha. Stands for Gaile Marie Suarez Ramos ^__^"
Napa-"tss" lang sya pero nakangiti kaya alam kong kinikilig yun.
"Puro crush ha. Katniel na lang sakin. Hahaha." At nagsimula na nga sya magsulat.
"Kuma-Katniel ang bruha. At sinong Niel naman yan?"
"Narinig ko lang sayo na Daniel yung pangalan nya. Yung friend mo."
"Eh? Si Daniel Bautista?" Seriously? crush nya yun?
"Bautista pala. Kate Madrigal Bautista. Pwede na din. Okay lang naman pakingan diba?"
"Di ka pa nga kilala, asawa mo na agad?" -may point si Gaile. Ilusyonada rin tong Kate na to eh. Hahahah.
"Tabi nga. Patingin nga kakornihan na isinulat mo jan."
*Bestfriends... 10/10/13*
JDCL
GMSR
Katniel
"Bestfriendsssss????" -sabay naming sabi ni Gaile.
"Ahaaaa." with matching tango tango pa tong Kate na to.
Best friends? Sana mapanindigan to. Ang pagiging best friend kasi para sa akin ay inaabot ng taon bago marealize eh.
Sana nga Bestfriends tayo.
BINABASA MO ANG
Falling in LIKE
Ficção AdolescenteGo for it? Don't give up? oh noooo. Para lang akong nanliligaw nito ah. Eh pano kung di nga ako sumuko pero nagsawa naman? Gulo ba? Well bahala na nga. But I don't like relationships so hanggang in like lang dapat.